Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Tindero nagbigti sa selos

$
0
0

DINAMDAM umano ng isang 19-anyos na binata ang nabasang text ng ex-boyfriend ng kanyang girlfriend kaya nagawa nitong magbigti kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Jessie Campo, egg vendor, tubong Sitio Uburan, Brgy. Palid 1, Leyte at stay-in sa 574 Hermosa Ext., malapit sa M. Frilles St., Brgy. 182 Zone 16, Tondo.

Sa ulat ni Panaligan, alas-7:00 ng umaga (Martes) nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa room 3 sa ikalawang palapag ng kanyang tinutuluyang bahay sa nasabing lugar.

Sa sinumpaang salaysay ng nobya ng biktima, magkatabi lamang ang kanilang pinapasukang trabaho sa Pampanga St., sa Tondo at habang naka-charge ang cellphone nito pinakialaman ng biktima kung saan may nabasa itong text messages mula naman sa ex-boyfriend ng nobya nito.

“Kamusta ka na, ingat ka palagi, love you,” text message na nabasa ng biktima sabay sabi sa kanyang girlfriend na “break na tayo kasi niloloko mo lang ako.”

Kasunod noon ay lagi nang tahimik ang biktima kahit pa umano pinapaliwanagan na ng kanyang kasintahan.

Gayunman, tinatawagan pa rin ng girlfriend ang biktima mula alas-7:00 – alas-10:00 ng gabi (Lunes) subalit hindi na ito sumasagot pa.

Kaninang umaga ay nadiskubre na lamang itong nakabigti gamit ang nylon cord.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Ginang na nagpapahinga, binoga sa ulo

$
0
0

ISANG ginang ang agad namatay matapos targetin sa ulo ng isang gunman habang nagpapahinga at nakaupo kagabi, Miyerkules, sa San Andres Bukid, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Carmensita Cuison, 43, may-live in partner, walang trabaho, ng 2440 Onyx St., ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-7:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Onyx St.

Nakaupo lamang umano ang biktima at namamahinga nang lapitan ito ng hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing binaril sa likurang bahagi na ulo na tumagos sa kanyang bibig.

Matapos ang krimen, kaswal lamang na naglakad ang suspek palayo bitbit ang ‘di nabatid na kalibre ng baril.

Hindi naman mahingan ng pulisya ang mga nakasaksi ng anomang impormasyon kaugnay sa nangyari sa takot nilang baka sila naman ang balikan.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima at ang pagkakilanlan ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

1 patay, 2 babae tiklo sa buy-bust

$
0
0

ISA ang patay habang dalawang babae pa ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital si Reynaldo Javier, Jr., 34, miyembro ng Sputnik gang, binata, mg 2564 Pasig Line St., Sta. Ana.

Naaresto naman sina Elaine Sevillana, 18, dalaga, ng 1973 Estrada St., at Zenaida Javier, alyas ‘Nida,’ 57, kaanak ng napatay.

Sa isinumiteng report ni P/Supt. Jerry Corpuz, hepe ng MPD Police Station 6, naganap ang insidente alas-1:20 ng madaling-araw sa bahay ng suspek.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng nasabing istasyon sa pangunguna ni P/S Insp. Consorcio Pangilinan at umakto namang poseur buyer si PO3 Cyrel Lucena.

Bumili umano si PO3 Lucena ng halagang P300 ng shabu sa suspek at nang matapos na ang kanilang transaksyon ay saka nito ibinigay ang hudyat upang arestuhin ang suspek subalit nakahalata at agad bumunot ng baril.

Gayunman, maagap namang bumunot ng baril si PO3 Lucena at pinaputukan ang suspek na tinamaan nito.

Itinakbo pa sa naturang pagamutan si Javier ngunit namatay din ito kalaunan.

Ayon naman kay PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng MPD-Homicide Section, sina Sevillana at matandang Javier ay kasama ng suspek nang maganap ang buy-bust operation sa kanilang bahay.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang .38 kalibre ng baril, sumpak, mga bala, ilang drug paraphernalias, at buy-bust money.

Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban kina Sevillana at Zenaida. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

May polio, pumatay at nagpakamatay sa ebak ng pusa

$
0
0

NAGBARIL sa sarili matapos makapatay ang isang 55-anyos na may kapansanan dahil lamang sa away sa dumi ng pusa sa Tondo, Maynila.

Nagbaril sa sentido at namatay noon din si Hilario Cuenca, ng 560 Padre Rada St. sa Tondo.

Nasawi rin si Edmund Flores, vendor ng nasabing lugar, habang isinusugod sa Mary Johnston Hospital.

Sa ulat ni PO3 Jonathan Ruiz, bandang alas-4:00 kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng compound kung saan nakatira ang mga namatay.

Bago ito, nagtalo ang dalawa nang magalit si Flores dahil sa pagkakalat ng dumi ng pusa ni Cuenca.

Kahit may polio, nagawa pa ring kumuha ng baril ni Cuenca na kalibre .38 pinaputukan si Flores.

Matapos mapatay si Flores, agad din itong nagpakamatay sa pagbaril sa sentido. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Maynila, ligtas pa rin sa terorismo – Erap

$
0
0

LISTAS pa rin sa banta ng terorista ang Maynila.

Ito ang pagtitiyak ni Manila Mayor Joseph Estrada kaugnay sa mga ulat na nakapasok na sa bansa ang grupo ng ISIS.

Sa isang press briefing sa city hall nitong Huwebes, sinabi ni Estrada na ginagawa nila ang lahat upang protektahan ang lungsod.

“Manila is safe as far as I’m concerned,” paniniguro ni Estrada sa kabila ng gulong nangyayari sa Marawi City kung saan ay may mga ISIS militants na umano ang lumahok sa Maute group.

Isa rin aniya itong rason kong bakit niya ipinag-utos kay Manila Police District (MPD) director C/Supt. Joel Coronel na gamitin ang lahat ng “assets” ng MPD sa pagbabantay sa lungsod.

Noong isang buwan lang ay pinawi din ni Estrada ang takot ng publiko nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na may terrorist cell ng Maute group ang nasa Kamaynilaan upang manggulo.

Ito’y bunsod ng police raid sa Quezon City kung saan nakakumpiska ang mga awtoridad ng improvised explosive device (IED) na plano aniyang pasabugin ng teroristang grupo.

Una nang inatasan ni Estrada ang MPD na magsagawa ng mga security checkpoint sa paligid ng Malacañang na aniya’y isa sa malalaking target ng mga terorista.

Sa isang panayam, sinabi ni Coronel na wala silang natatanggap na “actual and direct threat which will constitute clear and present danger to the security of Manila.”

Siniguro naman ni Estrada na handa ang 4,600 miyembro ng MPD na idepensa ang lungsod anomang oras.

Nitong Marso lang ay bumili si Estrada ng P20-milyong halaga ng mga bagong baril upang palakasin pa ang MPD sa paglaban sa mga kriminal at terorista.

Bukod pa ito sa una na rin niyang binili nitong Oktubre na nagkakahalaga din ng P20-milyon. Kabilang dito ay 400 units ng Glock 9mm. semi-automatic pistols, 60 M4 carbines (shorter and lighter variant of the M16A2 Armalite assault rifle), walong Sig Sauer sniper rifles, mga bala, at iba pang gamit. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Retiradong pulis itinumba sa gym

$
0
0

PATAY ang isang retiradong pulis habang isa pa ang sugatan nang barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa loob ng gym sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang namatay na si Dennis Padpad, 47, may-asawa, retired PNP, ng 2117 Silahis St., Sta. Ana.

Ginagamot naman sa ospital ang dalawa pang nasugatan at nadamay sa insidente na naganap sa loob ng SMJB body fitness gym sa 1866 A. Francisco malapit sa kanto ng E. Lauriaga St., Sta. Ana.

Alas-6:20 Lunes ng hapon nang maganap ang insidente.

Sinasabing dalawang hindi nakilalang suspek ang pumasok sa gym na naka-black jacket at sumbrero ang bumaril sa biktima na tinuturing na high-value target at napag-alamang nagretiro noong nakaraang taon lamang.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Binungangaan ang misis ng kainuman, kelot kinatay

$
0
0

ISANG 27-anyos na lalaki ang pinagsasaksak ng kanyang kainuman matapos makipagtalo sa misis nito sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.

Unang isinugod sa St. Jude Hospital ngunit inilipat rin sa Chinese General Hospital ang biktimang si John Philip Mallari, ng 1774 Simoun St., Sampaloc, bunsod ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang tumakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na nakilala namang si Jester Roeldan Miranda, 29, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ni P/Supt. Aquino Olivar, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 4, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa harapan ng bahay ng biktima at suspek.

Nauna rito, masayang nag-iinuman ang dalawa nang dumating ang ‘di pinangalanang misis ni Miranda, at sa ‘di pa batid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng babae at ni Mallari.

Ipinagtanggol naman ni Miranda ang misis at kaagad na pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas. MACS BORJA

Kaanak ng Maute, nasa Maynila na

$
0
0

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na narito sa Metro Manila ang kaanak ng Maute group.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa isinagawang briefing ng House Committee on Metro Manila Development bagama’t batay aniya sa monitor nila ay hindi naman mga radikal ang nagtungo dito sa Maynila.

Aminado si Albayalde na walang makuhang impormasyon ang PNP kung may balak ang mga ito ng masama ngunit mahigpit na aniya ang pagbabantay sa mga ito sa komunidad na kanilang kinaroroonan sa gitna ng kasagsagan ng krisis sa Marawi City.

Sinabi ni Albayalde na ang Metro Manila sa kasalukuyan ay nasa kategorya ng moderate level threat, mas mababa na ito kumpara sa high level threat noong nakaraang taon.

Ngunit paglilinaw nito, wala namang direct threat sa Metro Manila ang mga terorista gaya ng Maute group, Abu Sayyaf (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Subalit handa aniya ang kapulisan sa ngayon at kahit ang pagli-leave ay pansamantalang kinansela dahil kailangan ang buong puwersa ay nakaalerto.

Binigyang-diin ni Albayalde na aktibo ang intelligence posture ng NCRPO ngayon at matindi aniya ang ugnayan nila sa lahat ng law enforcement agencies kasama na ang Nnational Intelligence Coordinating Agency.

Sa buong Metro Manila aniya ay nakalatag ang may 169 na checkpoints mula nang magsimula ang sagupaan sa Marawi City.

Samantala, nanawagan naman ang ilang kongresista sa PNP na higpitan ang monitoring sa Muslim area sa Quiapo.

Pakiusap ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez sa NCRPO na mas higpitan pa ang pagbabantay sa Muslim community.

Aniya, ang mga ganitong lugar ang posibleng pagkutaan o pagtaguan ng ilang miyembro ng Maute group sa Quiapo na rin nagsilaki.

Mapanganib aniya ito lalo pa’t malapit ito sa Malakanyang at malapit din dito ang oil depot.

Tinugon naman ito ni Albayalde sa pagsasabing todo ang monitoring ng kapulisan sa Muslim community sa Quiapo at nitong pasimula aniya ng Ramadan ay nagdagdag na ng puwersa rito. MELIZA MALUNTAG


Trike driver, patay sa malakas na ulan

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang 59-anyos na tricycle driver matapos ang pagbugso ng malakas na ulan kagabi sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Danilo Dacusin, may-asawa, ng 1324 Mayhaligue St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Aldeen Cruz Legaspi, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-7:40 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa harap gate ng Zen Towers sa 111 Natividad Lopez at San Marcelino St., Ermita.

Nauna rito, huling nakitang buhay ang biktima kasama ang kapwa tricycle driver nito na kaparada sa lugar upang sumilong dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Gayunman, nang humina ang ulan ay umalis din ang kasama nitong driver at iniwan mag-isa ang biktima.

Nang lapitan ng security guard na si Jimmy Demegilio, nadiskubre niyang patay na ang biktima kaya agad ipinagbigay-alam sa pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Biker, todas sa trailer truck

$
0
0

PATAY ang isang 45-anyos na lalaki nang masagi ng isang trailer truck habang nagbibisekleta sa kahabaan ng Road 10, Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Ernie Aguilar, may-asawa, ng 84 Blue St., Tondo habang sumurender naman ang driver ng trak na si Levegin del Prado, 39, ng Poblacion Norte, Sto. Tomas, La Union.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section, dakong 11:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa kanto ng Road 10 at Mancnes St. sa Tondo.

Nabatid na kapwa binabagtas ng biktima sakay ng kanyang bisikleta at trak na may trailer (UAU 516) ang kahabaan ng Road 10 nang pagsapit sa kanto ng Mancnes ay nasagi ng trak ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasagi, bumagsak ang biktima na nagresulta ng pagkabagok ng ulo nito na idineklarang dead-on-arrival.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trak. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Holdaper todas sa parak

$
0
0

TODAS ang isang hinihinalang holdaper nang manlaban sa mga awtoridad matapos holdapin ang isang empleyado ng hotel sa Ermita, Manila.

Namatay noon din ang suspek na si alyas Andak, naka-blue T-shirt, camouflage na short pants, tinatayang 25-30-anyos at 4’10 ang taas, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 1:45 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa Muelle del Rion St., Lawton, Manila.

Bago ito, nag-aabang ng masasakyan pauwi ang biktimang si Mary Joy Pedrina, 31, dalaga, front desk personnel ng Grand Opera Hotel pasado alas-12:00 ng madaling-araw nang sumulpot ang suspek sa kanyang likuran, inakbayan ito habang nakatutok sa kanya ang patalim at nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang kanyang bag saka umalis.

Agad namang nag-report ang biktima sa Brgy. 660 na siyang nagsuplong sa Police Community Precinct (PCP)-Lawton.

Mula sa gallery ng mga kriminal, kinilala ng biktima ang suspek dahilan upang magsagawa ng follow-up operation si S/Insp. Randy Veran at mga tauhan nito kung saan naabutan ang suspek sa Muelle del Rio St., Ermita.

Pinatigil ang suspek subalit imbes na sumunod ay nagpaputok ng baril dahilan upang palitan ng putok nina PO1 Salem Chua at PO1 Gerardo Salustiano, Jr. na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober mula sa suspek ang bag ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rider patay sa nakasalpukang rider

$
0
0

PATAY ang isang rider matapos makasalpukan ang kapwa nito rider kaninang madaling-araw, Huwebes, sa Oroquieta, Maynila.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Antonio Malinao sanhi ng mga pinsala sa ulo kung saan nabasag ang kanyang bungo.

Ayon sa kaanak ng biktima, nakabanggan ng biktima ang isa pang kasalubong na motorsiklo na may angkas na babae.

Agad na tumilapon ang biktima at sa lakas ng impact ay napinsala ang kanyang bungo.

Ayon sa barangay, tinulungan pa ng ilang residente na makatayo ang suspek at pinilit na huwag munang umalis dahil hinihintay ang mga pulis na mag-iimbestiga ngunit nakatakas pa rin ang mga ito nang biglang paharurutin ang motorsiklo.

Bunsod nito, dumulog sa NBI ang kaanak ng biktima upang paimbestigahan ang kaso kung saan bumuo na ng cartographic sketch sa suspek base sa testimonya ng testigo.

Bagama’t may kuha ng CCTV sa lugar ay hindi naman matukoy ang pagkakilanlan ng nakabanggang motorsiklo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mga Badjao, Mangyan dadamputin sa Maynila

$
0
0

MAHIGPIT na ipinag-utos ngayon ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagsasagawa ng foot at mobile patrols sa kahabaan ng Roxas Blvd. at iba pang pangunahing kalsada sa lungsod upang itaboy ang mga nagkalat na street dwellers.

Nilinaw ito ni Estrada na hindi ito crackdown kundi “rescue mission” sa mga taong-kalyeng palaging nasa panganib.

Inatasan na ni Estrada si Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Nanet Tanyag na bumuo ng mga grupo na magpapatrolya sa Roxas Blvd., Kalaw St., P. Burgos St., Taft Avenue, Lawton, at iba pang lugar sa tourist belt.

Ayon kay Estrada, bumalik-balik lang mga street dwellers na ito kapag walang mga awtoridad.

Dagdag pa rito ang mga Badjao, Mangyan at ibang miyembro ng tribo na nanghihingi ng limos sa lungsod.

Nitong Abril lang ay umabot sa 643 street dwellers ang na-rescue ng MDSW. Mula Enero naman ay nakakuha sila ng kabuuang 2,075 na taong-kalye, karamihan dito ay mga hindi taga-Maynila.

Nitong Pebrero lang ay nilabas ni Estrada ang Executive Order No. 10 na nag-aatas sa MDSW at iba pang departamento ng city hall na magsagawa ng malawakang rescue operation sa mga taong-lansangan upang makamit ng pamahalaang lungsod ang hangarin nitong “zero street dweller in the City of Manila.”

Ang nagiging problema natin lang kaya madami pa rin ang street dwellers ay dahil du’n sa mga hindi naman taga-Maynila, mga galing ‘yun sa ibang LGUs meron pang from as far as Cavite,” ani Tanyag.

Aniya pa, tinurn-over nila ang mga street dwellers na ito sa Manila Boystown Complex sa Marikina City na pinamamahalaan ng lungsod kung saan ang mga bata ay pag-aaralin sa Fugoso Integrated School na nagbibigay ng Alternative Learning System (ALS).

Ang mga nasa hustong edad naman ay sasailalim sa iba’t ibang development activities tulad ng skills and livelihood trainings at basic business management courses.

Sa kanilang paglabas ay maaari rin silang i-refer sa Public Employment Service Office (PESO) upang magkaroon sila ng hanapbuhay, dagdag pa ni Tanyag. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Maynila protektado sa anumang gulo – Erap

$
0
0

PROTEKTADO ang lungsod sa anomang kaguluhan tulad ng insidenteng nangyari sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 38 katao.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa ginanap na media presentation ng 30 kandidata ng Miss Manila 2017 sa Manila Hotel.

Bagama’t mahirap aniyang hulaan kung may magaganap na pag-atake, handa naman palagi ang 4,600 kapulisan ng Manila Police District (MPD).

“Let’s just hope and pray. But rest assured that Manila is well-protected. Our police force is always on alert 24/7,” pahayag ni Estrada sa media.

Ilang oras lang matapos kubkubin ng mga Islamist militants ang Marawi City noong Mayo 23, agad inatasan ni Estrada ang MPD na higpitan pa ang seguridad sa lungsod.

Agad pinaligiran ng MPD ang Malacañang ng security checkpoints at 24-hour patrols habang mahigpit ding binantayan ang mga pangunahing government installations at commercial districts sa lungsod.

Hanggang kasalukuyan ay nasa full-alert status pa rin ang MPD, ayon kay Estrada.

Bukod pa rito, pinaplantsa na umano ng MPD ang pakikipag-ugnayan nito sa mga security officers ng malalaking establisyimento sa lungsod upang mapigilan ang anomang insidente tulad ng nangyari sa Resorts World Manila, dagdag pa ng alkalde.

Kamakailan lang ay bumili muli si Estrada ng P20-milyong halaga ng mga bagong sandata upang palakasin pa ang kakayahan ng MPD na labanan ang kriminalidad sa lungsod.

Sa gaganaping Grand Coronation Night ng Miss Manila 2017, sinabi ni Estrada na nakikipag-ugnayan na si MPD director C/Supt. Joel Coronel sa mga pageant organizer, security units ng Philippine International Convention Center (PICC) at sa Pasay City police para sa seguridad nito.

Ang Miss Manila 2017 ang highlight ng isang linggong selebrasyon ng ika-446 taong Araw ng Maynila sa Hunyo 24. Binalik ito ni Estrada nitong 2013 upang aniya’y mapalakas lalo ang turismo sa lungsod at maibalik ang dating ganda nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Preso dedo sa Maynila

$
0
0

SA ospital na nalagutan ng hininga ang isang inmate nang dalhin ito bunsod ng hirap na paghinga habang nasa loob ng selda sa Sta. Cruz, Maynila.

Isinugod pa sa Jose Abad Santos Memorial Medical Hospital ang inmate na si Ricardo Yanguas, 51, huling nakatira sa 1653 Antipolo St., Sta. Cruz, subalit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Nauna rito, nasa loob ng Cel no. 1 si Yanguas nang makaramdam ito ng pananakip sa dibdib.

Agad itong dinala ni PO1 Richard Butteh sa naturang ospital upang mabigyan ng atensyong medikal ngunit hindi rin nagtagal ng isang araw at namatay ito.

Sa pagsusuri, acute respiratory failure ang ikinamatay ng inmate. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Barker binoga habang tulog

$
0
0

HINDI na nasikatan pa ng araw ang isang 28-anyos na lalaking barker matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang natutulog sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Albert Vista, walang asawa, ng Lion Cmpd., Aroceros, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sinasabing sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo ang suspek na mabiklis tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:20 ng gabi naganap ang insidente sa Padre Burgos St. malapit sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila.

Nabatid na natutulog ang biktima nang barilin ng suspek sa ulo sa ‘di malamang dahilan.

Tinangka pang isugod sa Manila Doctors Hospital ang biktima subalit hindi na ito naisalba pa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 tiklo, 9.5 kilo ng marijuana nakumpiska

$
0
0

ARESTADO ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation matapos mahulihan ng 9.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana kaninang madaling-araw, Hunyo 20, sa Paco, Maynila.

Ayon kay Pandacan Police Station Drug Enforcement Unit S/Insp. Val Valencia, tinatayang aabot sa halagang P70,000 ang nakuhang marijuana sa mga suspek na kinilalang sina Sonnyboy Abucay at Gilbert Rosales, alyas Imbet.

Isang pulis umano ang nagpanggap na bibili ng P1,200 halaga ng marijuana kay Rosales na siyang main target ng operasyon.

Nang matapos ang transakyon, agad na inaresto si Rosales kasama si Abucay.

Napag-alamang matagal nang isinailalim sa survellaince ang suspek na sinasabing source ng marijuana sa Paco at Pandacan area.

Naniniwala naman ang pulisya na ang mga droga ng mga suspek ay mula sa kanilang source sa bagong Barrio, Caloocan kung saan inamin naman ni Rosales na ang nakuhang marijuana ay galing sa isang tinawag nilang “Nanay”.

Sasampahan ang dalawa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ex-Marine inambus, patay

$
0
0

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine Marines (PM) nang tambangan ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo habang sakay ng kanyang Sports Utility Vehicle sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Medical Center Manila si Jojie Umandac, 56, Ret. Master Sgt ng Philippine Marines at nakatira sa 2nd Street, Baseco Cmpd., Port Area, Manila sanhi ng apat na tama ng bala sa dibdib.

Inaalam na sa ngayon ang pagkakilanlan ng riding-in-tandem na tumakas matapos ang insidente sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD)–Police Station 5, dakong 2:45 ng hapon naganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero (OMA 999) nang sabayan ng dalawang suspek at pinagbabaril sa nabanggit na lugar.

Nabatid na naihi pa sa kanyang pantalon ang biktima at bahagyang natagalan bago naisugod sa hospital.

Ilang supporters ng biktima ang nakita sa lugar at nagpahayag na nakatakda umano itong tumakbo bilang Barangay Chairman sa nabanggit na lugar sa darating na Barangay election.

Ang biktima ay may anak na pulis-Maynila na nakatalaga sa MPD-PS 11 at ang isa nama’y nasa Philippine Military Academy (PMA).

Patuloy namang iniimbestigahan ng MPD-homicide section ang motibo ng pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Karnaper tigok sa parak

$
0
0

PATAY ang isang karnaper nang manlaban matapos sitahin ng pulisya kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Nakatakas naman ang apat pang kasamahan nito na sakay din ng motorsiklo nang magkapalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ngongo’ na agad bumunot ng baril na noo’y lalapitan pa lamang ng mga awtoridad sa Retiro at Obarra Sts., Sampaloc, Maynila.

Ayon kay S/Insp. Pidencio Saballo, Jr., hepe ng Sampaloc Police Investigation Section, modus ng grupo ng suspek na paikutan ang target nilang motorsiklo na nais nilang kunin at tatakutin ang may-ari na kanilang papatayin saka sapilitang tatangayin ang motorsiklo.

Naispatan umano ang mga suspek sa lugar habang naghahanap ng bibiktimahin kaya agad sinita ng pulis ngunit inunahan sila nitong paputukan dahilan para gumanti ang awtoridad na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Hinihinala naman ng pulisya na nakaw ang dalang motorsiklo ng suspek dahil ang susing nakuha sa suspek ay hindi ang orihinal nitong susi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Tserman rinatrat ng tandem, malubha

$
0
0

ISANG barangay chairman ang pinagbabaril ng riding-in-tandem kagabi habang sakay ng kanyang sasakyan sa Malate, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktimang nagtamo ng limang tama ng bala sa kaliwang balikat na si Kristo Hispano, 37, tserman ng Brgy. 459 Zone 68, Distrito 5 at taga-Bagong Lupa, Baseco, Port Area, Manila.

Sa ulat ng MPD-Police Station 9, sakay ng kanyang Toyota Fortuner (ZPR 158) ang biktima nang pagsapit sa kanto ng Roxas Blvd. at P. Quirino Avenue ay dinikitan ng mga suspek sa kaliwang bahagi ng sasakyan nito saka sunod-sunod na pinagbabaril alas-9:30 ng gabi.

Tiyempo namang nakatalaga bilang route security marshalls para sa ASEAN sa Baywalk area partikular sa Roxas Blvd. sina PO1 Anthony Abobo at PO1 Napjohn Velasco, RPSB NCRPO nang makarinig ng putok ng baril.

Agad rumesponde ang mga pulis at nakita pang nakatutok ang baril ng isang suspek sa biktima kaya agad nilang pinaputukan ang mga ito ngunit mabilis ding nakatakas.

Dinala sa San Juan de Dios Hospital ang biktima para lapatan ng lunas na kalauna’y inilipat din sa Ospital ng Maynila kung saan ito nagpapagaling. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>