Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Chapel volunteer, natagpuang patay

$
0
0

DAHIL sa masangsang na amoy, natagpuan ang wala nang buhay at naagnas nang bangkay ng isang chapel volunteer sa loob ng kanyang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang biktimang si Jennifer Reyes, 40, walang hanapbuhay, nakatira sa ikalawang palapag ng Hesmie Hospital Equipment Supplies, sa 1650 San Lazaro kanto ng Oroquieta, Manila.

Ayon kay Cayabyab, dakong 2:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa naturang tindahan ng hospital equipment, na pagmamay-ari ng biyenan ng biktima na si Juan Reyes, Jr.

Sa salaysay ng saksing si Cesario Hecto, 50, empleyado ng Hesmie, nabatid na bago nadiskubre ang bangkay ay nakaamoy sila ng masangsang mula sa loob ng establisimyento kaya’t hinanap ang pinagmumulan nito.

Natunton naman nila na nanggagaling ang mabahong amoy mula sa kuwarto ng biktima kaya’t sinilip ito at nakita ang naaagnas na bangkay na nakahiga sa kanyang kama at nilalangaw na.

Kaagad namang ini-report ng mga ito kay Reyes ang insidente, at tinangka nilang buksan ang kuwarto ngunit nakakandado ang pinto nito mula sa loob kaya’t hinintay na lamang ang mga alagad ng batas upang siyang magbukas nito.

Ayon sa mga empleyado ng tanggapan, huli nilang nakitang buhay ang biktima dakong 9:00 ng umaga noong Hunyo 19, matapos na bumili ng pagkain at magkulong ng kanyang kuwarto pagkatapos magtungo sa UST Chapel, kung saan siya nagsisilbi bilang chapel volunteer.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng kanyang pagkamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Presinto sa Maynila pinasabugan

$
0
0

NAGKAROON ng malakas na pagsabog sa tapat mismo ng Presinto 3 ng Manila Police District (MPD) sa Arellano Avenue, Malate, Maynila.

Naganap ang nasabing pagsabog pasado alas-3:00 kaninang madaling-araw.

Nakuhanan ng CCTV camera ang insidente kung saan isang lalaki na nakamotorsiklo ang naghagis ng hindi pa mabatid na uri ng bomba at nagpaputok pa ng baril matapos ang pagsabog.

Napinsala sa naturang pagsabog ang isang SUV at isang motorsiklo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari. JOHNNY ARASGA

Sinundo sa inuman, ginang sinaksak ng ka-live-in

$
0
0

SUGATAN ang isang 45-anyos na ginang matapos saksakin ng kanyang live-in partner na kanyang sinundo sa inuman sa Tondo, Maynila.

Ginagamot ngayon sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Maritess Sabado, vendor, ng 335 A. Mata St., Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspek at live-in partner ng biktima na si Reynald del Carmen, 41.

Sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan nang lapitan ng biktima upang patigilin na sa pakikipag-inuman gayundin upang paalalahanan na siya’y may trabaho pa.

Dahil dito, nagalit ang suspek at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima na nauwi sa pananaksak.

Nagtamo ng saksak ang biktima sa braso at agad na isinugod sa nasabing ospital.

Posible umanong napahiya ang suspek sa kanyang kainuman nang sunduin ito ng biktima kaya nagalit at sinaksak ang huli. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)

Seaman natagpuang patay sa cabin

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang tripulante ng isang barko na nakadaong sa Manila Bay, Pier 6, North Harbor, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Donald Panaligan ang biktimang si Erwin Malacaste, 2nd Mate ng Marine Vessel Moreta 5 Cargo, 48, tubong 0052 Hontanasa St., 3rd District, Tagbilaran, Bohol.

Sa imbestigasyon, nakaramdam umano ng matinding muscle pain o pananakit ng kanang paa ang biktima kamakalawa ng gabi.

Tinulungan naman ito ng kasamahang tripulante na si Bryan Belleza at pinahiran ng langis ang kanyang paa at likuran.

Matapos pahiran ni Belleza ang paa ng biktima ay nakisuyo rin ang huli sa una na itali ang paa nito upang ma-relax at mawala ang pananakit bago ito iniwan sa cabin.

Pagbalik umano ni Belleza sa cabin ng biktima alas-4:15 ng madaling-araw ay saka nalamang hindi na humihinga pa si Macalaste dahilan para ipagbigay alam sa kanilang kapitan at i-report sa pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Obrero nahulog sa rooftop ng iskul, tigok

$
0
0

NAHULOG mula sa rooftop ng ikalimang palapag ng gusali ng Jose Abad Santos High School sa Binondo, Maynila ang isang 42-anyos na obrero.

Namatay noon din ang biktimang si Manuel Gabriel alyas “Manny”, stay-in construction worker sa JASHS, at taga-928 Estankilo St., Sta. Ana, Bulacan na nagkalasog-lasog ang katawan.

Sa ulat ng Manila Police District-homicide section, dakong 4:45 ng hapon nang naganap ang insidente sa gymnasium ng nabanggit na paaralan.

Sa imbestigasyon, inililipat ng biktima ang yero sa rooftop ng gym nang aksidente itong madulas at mawalan ng balance saka dire-diretsong bumulusok sa sementadong canopy sa unang palapag ng gusali at tuluyang nawalan ng malay.

Kaagad naman sumaklolo ang kasamahan nitong si Reynaldo Concepcion, 59, pero wala nang buhay ang biktima kaya tumawag na lamang ang security guard sa San Nicolas Police Community Precinct (PCP) na siyang tumawag sa homicide division. JOCELYN TABABGCURA-DOMENDEN

6 tiklo sa drug ops

$
0
0

ARESTADO ang anim na katao isinagawang drug operations ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Kinilala ang mga naarestong sina Gian Carlo Pajarillo, 18, at kasamahan niyang 17-anyos na lalaki, kaya’t hindi na pinangalanan, kapwa ng Sta. Cruz; Martin Vandong, 28; Wendy Castillo, 24; Marnico Gampis, 25; at Mary Jane Bautista, 34; pawang mga taga-Malate.

Naaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 3 ang mga suspek sina Pajarillo alas-11:00 ng gabi kasama ang menor-de-edad sa Oroquieta St.

Namataan ang dalawa habang nasa aktong nagpapalitan ng kontrabando, na kalauna’y natukoy na shabu pala kaya’t kaagad na dinakip.

Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong sachet ng shabu.

Samantala, dakong 5:00 ng madaling-araw naman nang maaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 9, sina Vandong, Castillo, Gampis at Bautista sa isang buy-bust operation sa Leveriza St. sa Malate.

Nakumpiskahan ang mga ito ng 14 na sachet ng shabu at P200 marked money.

Ang mga suspek ay pawang nakadetine na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Tibo natusok ng bakal sa mata, tigok

$
0
0

POSIBLE umanong inatake ng epilepsy ang isang “tomboy” matapos itong matumba habang sakay ng kanyang e-bike at matusok ng matulis na bakal ang kanyang mata na dumiretso sa utak kaninang umaga sa Plaza Ruiz, sa Binondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Emelita Vergara, 51, caretaker ng Crystal Mansion, ng Juan Luna St., Binondo dakong 12:25 ng tanghali kahapon.

Sa report ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong 7:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa tapat ng Plaza San Lorenzo Ruiz, Binondo.

Sakay ng kanyang e-bike ang biktima nang pagsapit sa lugar ay bigla itong sinumpong ng kanyang sakit dahilan para matumba at matusok ang kaliwang mata sa railings ng naturang plaza.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Red Cross sa pangunguna ni Dr. Roland Dave Lim na unti-unting inangat ang katawan ng biktima at isinugod ito sa pagamutan ngunit namatay na rin.

Ayon sa kaanak ng biktima, kinaugalian na ng biktima na pagbibisikleta bilang ehersisyo na lagi namang pinipigil ng kanyang pamilya at kaibigan dahil lagi itong naaaksidente tuwing sinusumpong ng kanyang sakit.

Imbes umanong tumigil ang biktima ay bumili pa ito ng e-bike ngunit minalas na muling atakihin. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rider na bebot, na-hit-and-run

$
0
0

ISANG babaeng rider ang tinakbuhan matapos mabangga ng isang pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakaratay ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Aileen Ybanez, 28, ng 60 San Labrador Himalayan, Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, dakong 9:20 ng umaga nang naganap ang insidente sa southbound lane ng Rizal Ave., sa harap ng Mang Inasal malapit sa Gonzales Puyat St., Sta. Cruz.

Ayon kay SPO2 Rommel del Rosario, binabagtas ng biktima ang naturang lugar lulan ng kanyng motorsiklo (PJX-773) nang masagi ng isang pampasaherong dyip dahilan upang mawalan ng kontrol at mabuwal.

Sa halip namang tumigil ang driver ng dyip ay iniwanan ito at tinakbuhan ang biktima na isinugod ng ilang concerned citizen sa naturang pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng MDTEU sa Land Transportation Office (LTO) kung kanino nakarehistro ang naturang PUJ upang mapanagot ang driver sa nangyaring insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Sugapa sa droga, itinumba

$
0
0

APAT na tama ng bala ang ibinaon sa mukha, leeg at dibdib ng isang tricycle driver na drug surrenderee dahil sa hindi nito pagtigil sa pagdrodroga nang barilin habang nagkakape sa tabi ng kanyang tricycle sa Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi ng MPD-Homicide Section, naganap ang pamamaril sa tapat ng 7-11 convenience store G. Tuazon St., kanto ng Masbate St., Sampaloc dakong 6:15 ng gabi.

Nabatid na nakatayo lamang sa tabi ng tricycle ang biktima at nagkakape nang biglang sumulpot ang mga ‘di nakilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Agad bumaba ang angkas ng motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima na hindi na nagawa pang makatakbo sa bilis ng pangyayari.

Wala namang makuhang impormasyon ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek dahil pawang mga naka-helmet ang mga ito.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, walang plaka ang motorsiklong gamit ng mga suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Masusi namang iniimbestihanan at inaalam ng pulisya kung posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay matapos na lumitaw sa pagsisiyasat na si Pigao ay drug personality na kasama sa drug watchlist ng kanilang barangay na dati nang sumuko sa ngunit hindi naman tumigil sa bisyo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Magkakamag-anak rinatrat, 1 patay

$
0
0

RINATRAT ang isang pamilya na ikinasawi ng isang babae habang dalawa ang sugatan kabilang ang isang 6-taong gulang na lalaki sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawing si Julieta Saga, 48, habang sugatan naman sina Cholo Sabdao, 6, at Darren Williams, 24, magkakamag-anak at kapwa ng 1314-C Juan Luna St., Tondo.

Nakatakas naman ang suspek na si JR Nicolas, 30-35, taga-Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-7:12 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang eskinita malapit sa Juan Luna St., Tondo.

Nakunan pa ng CCTV ang pagdating at pagpasok ng suspek sa eskinita at nang matapat sa bahay ng mga biktima ay saka ito nagpaputok.

Nang marinig umano ni Williams ang putok ay agad nitong tiningnan ngunit maging siya’y binaril din.

Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Dinala naman sa Mary Johnston Hospital ang mga biktima kung saan idineklarang patay si Saga dakong alas-8:40 ng gabi habang ginagamot sa naturang pagamutan ang dalawa pang biktima.

Lumitaw naman sa imbestigasyon at impormasyon mula kay Geraldine Managa na si Nicolas ay suspek sa kasong frustrated murder na isinampa ng isa nilang kamag-anak na naganap noong Disyembre 23, 2016. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Nagyabang na may shabu, timbog

$
0
0

DAHIL sa pagyayabang sa kaibigan na may bitbit na shabu, naaresto ang isang lalaki ng mga nagpapatrulyang pulis sa Paco, Maynila.

Himas-rehas ngayon ang suspek na si Micheal Mucsin, 40, ng 2078 BF Muñoz St., Paco at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 5 commander, P/Supt. Emerey Abating, nabatid na dakong 2:30 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Muñoz St.

Nagpapatrulya umano ang mga tauhan ng Anti-Crime Unit ng MPD-Station 5, sa lugar nang mapansin ang suspek habang ipinagyayabang ang dalang isang plastic ng shabu sa kanyang ‘di nakilalang kaibigan.

Bunsod nito, agad na bumaba ng kanyang motorsiklo si PO2 Rizalino del Rosario at inaresto ang suspek habang nagawa namang makatakas ng kaibigan ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot itinumba sa droga

$
0
0

LIMANG tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang 45-anyos na binata sa Port Area, Maynila.

Kinilala ni PO3 Jorlan Taluban ang biktimang si Leomar Pinuela, walang trabaho, ng Dubai St., Baseco Cmpd., Port Area.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek na tinatayang nasa edad 35 – 40, 5’6 – 5’8 ang taas at naka-itim na longsleeves.

Nangyari umano ang insidente sa bahay ng biktima kahapon kung saan hinihinalang may kinalaman sa droga ang dahilan ng pagpatay dito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo ng cal. .45 na ginamit sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Seguridad sa Maynila sa SONA ni Duterte, tiniyak ni Erap

$
0
0

BAGAMA’T sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City gaganapin ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24, tiniyak pa rin ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na protektado ang lungsod ng Maynila sa anomang panggguulo.

Gayunman, hindi aniya dapat makampante ang Manila Police District (MPD) lalo’t matindi pa rin ang oposisyon ng mga militanteng grupo sa Martial law sa Mindanao.

“The NCRPO (National Capital Regional Police Office) had said security measures during SONA would be stricter compared to last year because of some issues such as Martial law and the conflict in Marawi,” ani Estrada, “so here in Manila security will also be tight.”

Sa ulat ng MPD, sinabi ni Estrada na gagawing “converging points” ng mga magpoprotestang grupo ang ilang lugar sa Maynila bago tumulak sa Quezon City.

Sinabi naman ni MPD director C/Supt. Joel Coronel na inaasahan nilang magsasagawa ng mga “pocket rallies” ang ilang grupo sa Mendiola, Liwasang Bonifacio, Chino Roces Bridge, at Welcome Rotonda.

Kaya naman kanilang paiigtingin ang intelligence operations at monitoring sa ilang organisasyon bilang suporta na rin sa security planning ng NCRPO, dagdag pa ni Coronel.

Una nang sinabi ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde na pinaplantsa na nila ang security deployment sa SONA sa pangunguna ni Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Guillermo Eleazar, na tinalagang overall commander ng puwersa ng pulisya sa Batasan Pambansa Complex. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Preso nilason ng utol

$
0
0

AKSIDENTENG nalason ang isang preso sa pagkain at inuming tubig na dinala ng kapatid sa pagdalaw nito sa Meisic Police Station Jail sakop ng MPD-PS 11 sa Binondo, Maynila.

Namatay makaraan ang apat na araw pagkakaratay sa Mother and Child Hospital ang biktimang si Jerry Otlang, 39, walang asawa, ng 226 Matimtiman St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, naganap ang insidente noong Hunyo 30 nang dumalaw ang kapatid ng biktima na si Jissele Otlang sa kulungan at may dalang pagkain at tubig.

Matapos maubos ng biktima ang kanyang pagkain at tubig ay bigla na lamang itong nag-collapse dahilan para ipagbigay-alam ni Jissele ang insidente sa duty jailer PO1 John Michael Pilapil.

Agad namang inilabas ng selda ang biktima at dinala sa naturang pagamutan na naratay pa nang ilang araw subalit dakong 7:40 Martes ng gabi (Hulyo 4) nang tuluyan itong binawian ng buhay.

Napag-alaman na Hunyo 29 nang maaresto ang biktima at na-inquest sa kasong paglabag na may kinalaman sa droga. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Negosyanteng bumbay, sekyu kritikal sa pamamaril

$
0
0

KRITIKAL ang isang negosyanteng Indian national nang barilin sa harap ng kanyang establisyimento sa Quiapo, Maynila.

Inoobserbahan ngayon sa Metropolitan Hospital ang mga biktimang sina Ashur Kumar, 60, may-ari ng JSM Optical Supply sa kanto ng Evangelista at E. Paterno St., Quiapo, Maynila dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan at dalawang tama ng bala sa dibdib.

Sugatan din at nagtamo ng tama ng bala sa hita ang guwardiyang si Jonathan Mesa, nasa hustong edad.

Inilarawan naman ang suspek na naka-pulang polo, pantalon at nakatakip ang mukha na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Plaza Miranda PCP, nangyari ang insidente dakong 10:00 ng umaga sa harap ng establisimiyento na pag-aari ni Kumar.

Nabatid na papasok pa lamang ang biktima sa nasabing establisyimento nang barilin ito ng nag-iisang suspek sa likurang bahagi ng katawan.

Hindi pa nasiyahan ang suspek at muling binaril sa dibdib ang biktima.

Tinangka namang saklolohan ng guwardiya si Kumar kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang suspek ngunit hindi nito tinamaan.

Dito na gumanti ng putok ang suspek kaya tinamaan sa hita ang guwardiya.

Napag-alamang dati na ring may nagtangka sa buhay ni Kumar kung saan hinagisan ng granada at binaril ang kanyang tindahan subalit nakaligtas ito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Binatilyo rinesbakan ng sumbak, saksak sugatan

$
0
0

INOOBSERBAHAN ngayon sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang isang 19-anyos na lalaki nang sumpakin at saksakin ng dating nakaalitan habang nagba-basketball kaninang madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Isasailalim sa operasyon sa nasabing pagamutan ang biktimang si Jessie Mendoza, 19, binata, ng Baseco Cmpd., Port Area, dahil sa mga tama ng bala ng sumpak at mga saksak sa leeg at baba.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Michael Castro, 27, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, dakong 1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Amadon basketball court sa Baseco cmpd.

Kasama umano ng kanyang kaibigan ang biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabi siyang pinaputukan.

Matapos sumpakin ay sinaksak pa nang tatlong beses ang biktima bago tuluyang tumakas.

Agad namang isinugod ng mga kaibigan sa ospital ang biktima upang agad na malapatan ng lunas ang mga tinamo nitong saksak sa leeg.

Ayon sa pulisya, maaring may matinding galit ang suspek at niresbakan ang biktima.

Gayunman, inaalam pa ang totoong motibo sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ambulansya vs PNR train, 5 sugatan

$
0
0

LIMA ang sugatan na agad itinakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang ambulansya ngayong hapon lamang, Biyernes, sa Blumentritt St., Maynila.

Ayon sa isang nakapanayam na pulis, kabilang sa sakay ng ambulansya ang dalawang lalaki at tatlong babae nang mangyari ang insidente dakong 3:45 sa LRT-Blumentritt station.

Binabagtas umano ng rescue ambulance (NI 4366) ng Brgy. 167, Caloocan City ang northbound lane ng Rizal Ave. nang maabutan ito ng tren mula Tutuban.

Sa lakas ng impact, nagmistulang yuping lata ang ambulansya at nagsitilapunan ang mga pasahero nito.

Ayon sa ilang mga nakakita sa pangyayari, buntis ang isa sa pasahero na noo’y dadalhin na sa ospital.

Sinasabing dahil sa mga nakahambalang na tricycle sa lugar ay hindi na nagawa pang makaiwas ng ambulansya kaya tuluyan itong nabangga ng tren. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 karnaper todas sa parak

$
0
0

DALAWANG hinihinalang karnaper ang patay matapos makipaghabulan at makipagbarilan sa mga pulis kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang mga suspek na sina Reden Tibor at isang hindi pa nakikilalang suspek na naka-berdeng T-shirt at kapwa sakay ng isang pulang Barako Kawasaki.

Sa imbestigasyon, dakong 4:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa pagitan ng Solis at Corregidor Sts., Abad Santos Ave., Tondo.

Nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang kapulisan nang mamataan nila ang suspek sakay ng motorsiklo na walang helmet.

Nang lapitan ng mga awtoridad ay agad bumunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at nagpaputok.

Kasunod nito ay pinaharurot ang motorsiklo dahilan para habulin sila ng mga awtoridad at nang makarating sa nabanggit na lugar ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo at sumemplang ang dalawa.

Kahit nakatumba na ay patuoy pa rin ang pamamaril dahilan para gantihan sila ng mga pulis.

Nakuha sa dalawang suspek ang isang 9mm. caliber at cal. 38 at limang sachet ng shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Armadong tulak, dedo sa buy-bust

$
0
0

DEDO ang isang notoryus na drug pusher nang manlaban sa mga operatiba sa isang buy-bust operation sa San Andres Bukid, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Rommel Jhake alyas Ping-Pong, 37, ng 2577 Topacio St., San Andres Bukid, dahil sa tinamong mga bala sa katawan.

Ayon kay SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)- homicide Section, dakong 2:20 ng madaling-araw nang maganap ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District-Station 6 laban sa suspek .

Nauna rito, ang operasyon sa nasabing lugar ay dahil sa talamak na pagbebenta ng shabu ng suspek sa Brgy. 765 sa San Andres Bukid.

Itinuturing din ng pulisya na ‘armed and dangerous’ ang nasawi base na rin sa nakuhang impormasyon kaya naging alerto ang mga awtoridad.

Si PO1 Joey Ganab umano ang nagpanggap na bibili ng shabu ngunit nakahalata ang suspek na pulis ito kaya nagpaputok siya na agad namang ginantihan ng awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Narekober sa suspek ang siyam na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, dalawang pirasong P100 bill, at isang kalibre .45 na baril na kargado ng anim na bala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Inmate nanikip ang dibdib, patay

$
0
0

ISA na namang inmate ang binawian ng buhay matapos manikip ng dibdib sa loob ng selda ng MPD-Station 4 kaninang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang suspek na kinilalang si Lauro Lee, 44, binata, ng 40 Santos St., Ugong, Pasig City.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng MPD-Homicide Section, dakong 2:05 ng madaling-araw nang ideklarang patay si Dulawan.

Nauna rito, isinugod sa nasabing pagamutan si Dulawan matapos magreklamo ng sobrang pananakit at paninikip ng dibdib.

Nabatid na mula nang makulong sa nasabing presinto si Dulawan noong Hulyo 20, 2017 sa paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ay ininda na umano ang madalas na pananakit ng dibdib.

Nakita rin na may abrasion o gasgas sa noo ang biktima.

Tumanggi naman ang ina ni Dulawan na isalang pa ito sa awtopsiya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>