Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Mas mabigat na parusa sa anti-smoking ordinance, aprub na sa Maynila

$
0
0

APRUBADO na ng Sangguniang Panglungsod ang bagong anti-smoking ordinance sa lungsod na papatawan ng mas mabigat na parusa.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, pinasa ng konseho ang bagong anti-smoking ordinance sa Maynila na may multang P5,000 sa mga lalabag nito.

Ani Estrada, inaasahan niyang makatutulong ang Ordinance No. 7812 na kontrolin ang paninigarilyo at pangalagaan ang kalusugan ng mga Manilenyo, at magsimula na ng healthy lifestyle tulad ng pagtigil niya sa paninigarilyo nitong Disyembre.

“We don’t have to remind everyone, again and again, that smoking is bad for your health. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?” ani Estrada. “But with this new ordinance that carries heftier fines and penalties, I’m expecting that smokers, at least, will have to think twice before lighting a cigarette.”

“Warning na ito sa inyo,” babala pa niya.

Matapos sandaling maospital nitong Disyembre dahil sa asthma attacks, tinigil na ni Estrada ang paninigarilyo.

Matapos nito, iniutos niya nitong Pebrero ang mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance No. 7748 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong gusali tulad ng ospital, paaralan at mga pampublikong lugar tulad ng shopping malls, restaurants, bars, at iba pa.

Sa isinagawang en banc session nitong Huwebes, Marso 30, pinasa na ng Sangguniang Panglunsod sa third and final reading ang Ordinance No. 7812 o ang “Smoke-Free Ordinance of the City Government of Manila” na akda ni Coun. Casimiro Sison.

Ang sinumang lalabag sa bagong ordinansang ito ay papatawan ng multang P2,000 o isang araw na pagkakakulong sa first offense; P3,000 at dalawang araw na kulong sa second offense; at P5,000 at tatlong araw na kulong sa third offense.

Malayo ito sa Ordinance No. 7748 na nagpapataw lang ng multang P300 at hanggang dalawang araw na kulong sa mga mahuhuling violator.

Istriktong pinagbabawal dito ang paninigarilyo hindi lang sa loob ng mga city government-buildings kundi pati na rin sa loob ng compound ng mga ito, at hanggang sa 100 metro nito.

Bawal rin ang “possession” ng kahit anong tobacco products, maging ang uso ngayong vape, “whether the smoke is being actively inhaled or exhaled.”

Maglalagay din naman ng mga smoking area sa labas ng mga gusali na pag-aari ng pamahalaang lungsod basta’t hindi ito bababa sa 10 metro ang layo sa mga dinadaanan ng tao, at kinakailangang may mga sign na “Smoking Area” at “Minors Not Allowed” na may kasama pang graphic health warnings. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Bagong laya, inutas sa droga

$
0
0

PATAY ang isang lalaking kalalaya lamang sa bilangguan matapos makulong sa kasong pagnanakaw nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sa Tondo, Manila kaninang umaga.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nakatayo lamang ang biktimang si Ryan Tom Cay, 25, binata, walang hanapbuhay, ng 1120 A2 Batangas St., Tondo, nang bigla na lang itong pagbabarilin sa Molave St., malapit sa kanto ng Batangas St. dakong 10:45 ng umaga.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng mga putok ng baril at nang tingnan ay duguan nang nakabulagta si Cay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na inilarawang naka-orange na jacket at maong pants.

Bigo ang mga testigo na makilala ang suspek dahil sa suot nitong bike helmet at maskara nang isagawa ang krimen.

Teorya ng pulisya, may kinalaman sa iligal na droga ang krimen matapos aminin ng ama ng biktima na si Tomas Cay na isang drug dependent ang anak.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, gayundin ang motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Residential area, nasunog sa Sampaloc

$
0
0

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building sa Earnshaw cor. Fajardo St., Sampaloc, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas-5:300 ng madaling-araw sa ikalawang palapag ng bahay.

Kwento ng boarder na si Erica Tomas, nagising na lamang sila nang makarinig ng sigaw at makaamoy ng usok mula sa kanilang kisame.

Agad umano siyang tumakbo palabas ng bahay bitbit ang kanyang anak at shoulder bag.

Kabilang sa mga nasunog ang 12 kwarto sa 2nd floor, isang welding shop at isang botika sa unang palapag.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out alas-6:20 ng umaga.

Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halagang natupok. -30-

2 holdaper pumalag sa parak, bulagta

$
0
0

DALAWANG hinihinalang holdaper ang bumulagta nang tangkaing manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station (MPD) sa Sta.Cruz, Maynila.

Inilarawan ang mga suspek na nasa edad 40-45, 5’6-5’7 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakaputing T-shirt at puting jersey short at may tattoo na Bahala na Gang sa kanang kamay; habang ang isa nama’y nasa edad 30-35, 5’5-5’6 ang taas, naka-gray T-shirt at pulang pantalon.

Sa ulat ng MPD-homicide section, naganap ang insidente dakong 3:05 ng madaling-araw sa kanto ng Yuseco at Oroqueta Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Bago ang insidente, isang hindi kilalang caller ang tumawag at nagsumbong sa MPD-station 3 na umano’y nakatakas lamang matapos tangkaing holdapin ng dalawang lalaking kapwa armado ng baril sa nabanggit na lugar.

Kaagad naman itong ipinaalam sa Blumentritt Police Commuity Precinct dahilan para magtungo sa lugar ang Anti-Crime Unit ng PCP.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay namataan ang dalawang lalaki na kapwa may hawak na baril.

Nang makalapit sa lugar, nagpakilala agad ang mga pulis pero sa halip na sumuko ay nagpaputok pa ang mga ito dahilan para gantihan sila nina PO3 Juanito Arabejo at PO3 Gener Paguyo na dahilan ng kanilang pagkamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sigue-Sigue gang member, todas sa parak

$
0
0

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki nang pumalag matapos sitahin at barilin ng nagpapatrolyang pulis sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Justice Jose Abad Santos hospital ang biktimang inilarawan na nasa edad 35 – 40, 5’3 ang taas, naka-sky blue na T-shirt at maong pants at miyembro ng Sigue-Sigue gang.

Sa report mula sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)- homicide section, dakong 1:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Antonio Rivera at Bambang, Tondo, Maynila.

Nauna rito, nagpapatrulya sina PO1 Virgilio Noe at PO1 Lerry Yumang ng MPD-Padre Alge Police Community Precinct (PCP) ng Station 2 nang mamataas ang suspek na agad nilang sinita dahil sa kakaibang kinikilos.

Pumalag ito at naglabas ng patalim dahilan upang mabaril ito at mapatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 inambus sa Maynila

$
0
0

TINAMBANGAN at napatay ng riding-in-tandem ang isang babae at lalaking sakay ng isang pick-up sa Road 10, Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktimang sina April Ocampo Hicban habang inaalam pa ng pulisya ang kasama nitong lalaki na siyang nagmamaneho ng pick-up na may plakang TRO 633 at umano ng nakarehistro sa Gokongwei at pag-aari naman ng Universal Robina Corp.

Ayon kay S/Insp. Dave Abarra ng Smokey Mountain Police Community Precinct, nakahinto sa may stoplight ang sasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng R10 nang dinikitan ng riding-in-tandem.

Bumaba umano ang gunman at pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima.

Tinangka pa umanong yakapin ng biktimang lalaki si Hicban para koberan mula sa mga putok ng baril subalit tinamaan din ito dibdib at braso habang ang una’y tinamaan naman sa ulo.

Narekober sa lugar ang 14 basyo ng bala na indikasyon matindi ang galit ng suspek.

Nabatid na posible umanong company car ang pick-up batay sa resibong nakuha sa sasakyan.

Patuloy namang inaalam ng Manila Police District-Homicide Section ang motibo sa pananambang sa mga biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMEDEN

Japanese businessman inambus, tigok

$
0
0

PATAY sa pananambang ng riding-in-tandem ang isang Japanese businessman na kadarating lamang sa bansa habang sugatan naman ang kanyang kasamang Pinoy sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Ermita, Manila kagabi.

Kinilala ang biktimang si Seiki Mizuno, 48, pansamantalang nanunuluyan sa Solaire Hotel sa Pasay, at kararating lamang sa Pilipinas nitong Huwebes para sa isang business transaction sa Pinoy businessman na si John Ong Desbarro na nasugatan rin sa insidente.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang pananambang 8:25 ng gabi sa kanto ng Roxas Blvd. at Cuarteles St. sa Ermita.

Magkasamang sakay ng isang Toyota Alphard (UHQ-319) sina Mizuno at Desbarro, kasama ang apat na iba pa, na kinabibilangan ng tatlo pang Hapones at isang Pinoy, nang bigla na lamang silang sabayan ng riding-in-tandem at pagbabarilin.

Una umanong pinaputukan ng mga suspek ang driver na si Rolando Singsing, ngunit maswerteng hindi tinamaan, bago pinagbabaril ang mga nasa loob ng van, kung saan napuruhan si Mizuno, na bibisita lamang sana sa pabrika ng Oakwave sa Tanza, Cavite.

Ayon kay Singsing, company driver ng Oakwave Philippines, kumain lamang sila sa Harbour View Restaurant malapit sa Quirino Grandstand at pabalik na sana sa kanilang hotel sa Pasay City nang maganap ang krimen.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na inilarawang naka-T-shirt, shorts at sumbrero.

Masuwerte namang hindi nasugatan ang iba pang sakay ng van.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Obrero natulog sa duyang nilalanggam, patay

$
0
0

SA duyan na inabutan nang kamatayan ang isang obrero na ginagapangan na ng maraming langgam sa isang compound sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Osias Babat, 45, binata, tubong Bulacan at stay-in sa 1457 NGCB Cmpd. sa G. Tuazon St., Sampaloc.

Ayon kay SPO3 Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa duyan sa loob ng NGCB compound, kung saan siya stay-in construction worker.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Alejo Gumalar, 22, stay-in construction worker din sa lugar, lumilitaw na dakong 2:00 ng madaling-araw nang huli niyang makitang buhay ang tiyuhin nang pumasok sa kanilang barung-barong at matulog sa isang duyan upang hindi mabasa ng ulan.

Pagsapit ng 10:00 ng umaga ay hindi pa rin umano bumabangon ang biktima kaya’t pinuntahan na ito ng kanilang kasamahang si Mario Macsi, 34, at niyayang mag-almusal.

Dito na napansin ni Macsi ang biktima na wala nang buhay at nilalanggam na.

Bunsod nito, agad na ipinagbigay-alam ang insidente sa opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar gayundin sa pulisya.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Miyembro ng Sputnik, todas sa parak

$
0
0

NASAWI matapos makasagupa ang mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation ang isang 23-anyos na miyembro ng Sputnik gang at tauhan umano ng “Bajar Group” sa Tondo, Maynila.

Ang operasyon ay isinagawa ng MPD-Station 1 kaugnay sa pagkamatay ng isang batang babae na tinamaan ng ligaw na bala.

Idineklarang patay sa Tondo Medical Center ang suspek na kinilalang si Rommel Antona alyas “Pinuno”, ng Aroma Cmpd., Brgy. 105, Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Donald Panaligan ng MPD-Homicide Section, alas-12:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Aroma Cmpd.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang MPD Station 1 hinggil sa presensya ng Bajar Group na pinamumunuan umano ng isang Jericho Bajar alyas “Joshua” na pawang armado ng baril kaya agad na nagtungo sa lugar ang mga awtoridad upang arestuhin at itinuturong nagpaputok ng baril na nakapatay sa isang Rosemarie Lopez, 3-anyos, ng Building 30, noong Abril 15, 2017.

Ilang kalalakihan ang namataan ng mga operatiba na pinanguanahan ng Drug Enforcement Unit at Follow-up Team ng istasyon at nagkaroon ng habulan dahil sa pag-iwas ng mga suspek hanggang sa putukan ang mga pulis ng pakay na grupo.

Nakatakas umano ang target na si Joshua habang tinamaan at bumulagta naman si alyas Pinuno, habang hawak ang kalibre .38 baril. Isinugod pa siya sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

15-anyos nakaladkad ng tren, ligtas

$
0
0

HIMALANG nakaligtas sa rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang 15-anyos na babae matapos makaladkad sa may bahagi ng Yuseco at Tayuman St. sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Karen Joy Bogarin, ng Makulada St., Tayuman, Tondo.

Ayon kay PNR officer-in-charge Jo Geronimo, habang tinatahak ng tren ang northbound lane, naglalakad naman ang biktima malapit sa riles at hindi umano narinig ang busina ng paparating na tren dahil sa suot na earphones.

Dito na nahagip ang biktima at bahagyang tumilapon dahilan upang magtamo ng sugat sa ulo.

Muli namang nagpaalala ang pamunuan ng PNR sa publiko na huwag magsusuot ng earphones o anumang nilalagay sa tainga kapag naglalakad sa riles upang marinig ang hudyat ng paparating na tres sa lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Trike driver patay, 3 sugatan sa tandem sa Maynila

$
0
0

ISA ang patay habang tatlo pa ang sugatan nang pagababarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMC) ang biktimang si Miguel Perez, 31, ng 362 Velasquez St. habang patuloy pa ring ginagamot sa naturang ospital ang tatlo pang biktima na sina Marlon Clemente, 29, tricycle driver, ng 1910 Malvar St., Crisanto Francisco, 21, tricycle driver, ng 753 Int. 57 Raxabago St. at Joshua Carbonel, 28, ng Int. 57 Raxabago St., Tondo.

Nakatakas naman ang mga suspek na sakay ng isang ‘di natukoy na uri ng motorsiklo, at kapwa ‘di nakilala dahil sa suot na helmet.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, nabatid na dakong 12:05 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa tapat ng Kevin Roasted Chickens sa Capulong St., kanto ng Velasquez St. sa Tondo.

Nabatid na nag-aabang ng pasahero at nagkukwentuhan ang mga biktimang sina Perez at Clemente habang sakay ng kanilang tricycle na nakaparada sa lugar nang bigla na lang silang lapitan ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril.

Nadamay naman sa pamamaril sina Francisco na nagbababa ng pasahero sa lugar, gayundin si Carbonel, na nakatayo lamang malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Si Perez ay nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang si Clemente naman ay nagtamo ng mga tama ng bala sa kanang kamay, kanang hita at mga sugat sa mukha.

Habang malubhang nasugatan si Francisco na tinamaan ng bala sa dibdib, at si Carbonel ay tinamaan ng bala sa kanang sentido.

Nang makita ng mga suspek na bumagsak na ang kanilang target ay mabilis na ring tumakas ang mga ito, habang isinugod naman ng ilang saksi sa pagamutan ang mga biktima.

Hindi pa naman matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng krimen kaya’t iniimbestigahan pa nila ito sa ngayon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Granada inihagis sa perya, 1 gutay-gutay, 10 pa sugatan

$
0
0

GANG war ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad sa nangyaring pagsabong sa Quiapo area sa Maynila kani-kanina, Biyernes.

Sa ulat, isang improvised pipe bomb ang inihagis sa isang peryahan sa Quiapo Blvd. cor. Soler St. Extn. na nakapinsala ng 11 katao.

Makikita pa sa litrato ang tatlong lalaking pawang malubha ang lagay na ang isa’y nahati pa ang katawan sa lakas ng pagkakasabog.

Sinasabing hindi ito kaugnay sa nagaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting.

Samantala, agad namang nagtungo sa pinagyarihan ng pagsabog sina PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa at NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde at kanila nang pinaiimbestagahan at pinare-review ang CCTV footage sa lugar upang makilala ang may gawa ng pagsabog.

Ayon sa ilang nakasaksi, dinala na ang ilang nasugatan sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang agad na magamot. GILBERT MENDIOLA

P2M natupok sa Maynila

$
0
0

UMABOT sa P2-milyong halaga ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang isang residential area sa San Andres, Maynila kaninang umaga.

Ayon kay SFO2 Eldilberto Cruz ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog alas-10:00 ng umaga sa isang bahay sa Chromium St. at umabot sa ikatlong alarma.

Nadamay din ang ilang mga bahay sa likuran na nasa Raymundo St.

Isang lalaki naman ang iniulat na nasaktan sunog matapos malapnos ang tuhod sa kasagsagan ng sunog.

Naapula ang sunog makalipas ang mahigit isang oras.

Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 patay, 7 arestado sa buy-bust

$
0
0

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling-araw sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga nasawing sina Victor Hermoso, 43, ng 1202 Narciso St., Pandacan, at Ryan Dimacali, alyas ‘Oxo,’ 31, miyembro ng Bahala na Gang, at taga-1934 Dagonoy St., Sta. Ana, Maynila.

Bukod sa dalawang napatay, naaresto naman ang pito pang sangkot sa iligal na droga na sina Romil Hermoso, 37, kapatid ni Victor; Joseph de Jesus, 37; Mark Edward Reyes, 35; Francisco Antonio, 49; at Paul Garcia, 30, pawang taga-Pandacan; at Leslie Moriel, 31, janitor, ng Sta. Ana, Manila, at Jerome dela Cruz, 29, cellphone technician, miyembro ng Bahala na Gang, at taga-San Andres Bukid na nahulihan ng droga at paraphernalia.

Sa ulat, pasado ala-1:00 nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operasyon sa 1934 Dagonoy St., Sta. Ana at sa Narciso St. sa Pandacan.

Nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng MPD-Station 6 hinggil sa iligal na aktibidad ng isang alyas Oxo sa Dagonoy St., kaya agad ikinasa ang operasyon sa lugar.

Nang aarestuhin si Oxo, nanlaban ito kaya nabaril at napatay habang naaresto naman sina Moriel at Dela Cruz, nang matiyempuhan sa lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril, na may apat na bala, anim na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at P200 buy-bust money.

Samantala, sinalakay rin ng mga tauhan ng MPD-Station 10 ang tahanan ng magkapatid na Hermoso sa Narciso St. nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kanilang illegal drug activities.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis ngunit nang makatunog si Victor ay pumaag ito na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Sa naturang operasyon, inaresto rin ng mga pulis ang kanyang kapatid na si Romil, gayundin sina De Jesus, Reyes, Antonio at Garcia, na naaktuhang nagpa-pot session sa lugar nang isagawa ang operasyon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang black widow revolver na may tatlong bala, P500 marked money, limang sachet ng shabu, dalawang sachet ng marijuana at mga drug paraphernalia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Panibagong pagsabog sa Quiapo, 2 dedo

$
0
0

DALAWA ang agad binawian ng buhay habang apat ang sugatan sa panibagong pagsabog ngayong araw sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat, naganap ang pagsabog sa Norzagaray St. cor. Elizondo St. sa Sta. Cruz, Maynila alas-5:55 ng hapon kanina, May 6, malapit sa Manila Golden Mosque.

Ayon kay Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Major Kimberly Molitas, naisugod na sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatang biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Explosive ordinance disposal team sa Islamic Center sa Quiapo para malaman ang uri ng bomba na ginamit sa insidente.

Ayon naman kay NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde, homemade bomb ang ginamit sa naturang pagsabog.

Inaalam na sa ngayon kung may kaugnay ito sa naunang pagsabog nitong nakaraang Abril 28 sa kaparehong lugar na nag-iwan ng 14 na kataong sugatan. GILBERT MENDIOLA


20-anyos, na-sandwich sa container van

$
0
0

MISTULANG sandwich sa pagkakaipit ang isang 20-anyos na deck apprentice matapos mabagsakan ng container van habang tinatanggal sa pagkakabit nito sa kadena ng ro-ro sa North Harbor, Maynila kagabi (May 10).

Kinilala ni SPO4 Glenzor Vallejo ang biktimang si Jade Dionson, binata, tubong Cambilog, Talamban, Cebu City.

Nasa kustodiya na ng MPD-Homicide Section ang suspek na si Fidel Lague, 59, may-asawa, driver ng tractor head at taga-Brgy. Bulao, Ipunan, Cagayan de oro City.

Alas-11:05 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng Weather/Upper Deck ng Super Shuttle RORO II, Pier 10, Berth 3, North Harbor, Maynila.

Ayon sa salaysay ng testigong si Francis Casinillo, inaalis nila ang metal chain na nakakonekta sa container van nang marinig ang biktima na tila humahangos.

Nang balikan nila ito ay dito na napansin na bumagsak ang biktima at nakahandusay.

Dito na sinabihan ni Casinillo si Lague na umabante dahil naipit na parang sandwich ang biktima sa pagitan ng combo chasis na 40-footer container van.

Nagtulong-tulong naman ang iba pang kasamahan ng biktima upang maalis ito sa pagkaka-sandwich.

Agad na itinakbo sa Mary Johnston Hospital ang biktima ngunit idineklara nang dead-on-arrival. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Suspek sa credit card fraud, nasakote na

$
0
0

NASAKOTE ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang lalaking sangkot umano sa credit card fraud.

Kinilala ni PNP-ACG Spokesperson Supt. Jay Guillermo ang suspek na si Stephen Francis Lucena, ng Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Guillermo, ginamit ni Lucena ang credit card na pagmamay-ari ng isang Crispin Rumbawa sa pamimili ng mga mamahaling cellphone.

Nasakote si Lucena nang bibili ulit ng mamahaling cellphone sa isang mall sa Mandaluyong City.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan nitong nakilalang si Nathalia Tripon alyas Liah kung saan niya ipinasa ang cellphone na una nilang nabili.

Batay sa rekord ng bangko, umabot na P300,000 ang halaga ng nabili ni Lucena gamit ang nasabing credit card.

Palusot naman ng suspek, napulot lang ang credit card sa Tondo at sinubukang gamitin dahil wala itong trabaho.

Pero sa imbestigasyon, napag-alamang nagpagawa pa ito ng ID ng isang kilalang telco gamit ang pangalan ng nasa credit card upang palabasin na siya ang may-ari nito. JOHNNY ARASGA

Kelot rinatrat ng tandem sa Maynila, patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang na si Ian Oconer, 37, ng Barona St., Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente alas-11:57 ng gabi sa kanto ng Osorio at Barona St.

Bago ang pamamaril, nakikipagkwentuhan pa ang biktima sa dalawa pa nitong kaibigan nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Pagtapat sa kinaroronan ng biktima ay nagpaputok nang limang beses ang isang sakay nito at tinarget si Oconer.

Nabatid na dating gumagamit ng iligal na droga ang biktima ngunit inaalam pa kung may kinalaman ito sa pamamaril.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital si Oconer subalit binawian din ito ng buhay.

Hindi naman naplakahan ang gamit na motorsiklo ng mga suspek bagama’t may kuha ng CCTV camera ang barangay na nakasasakop sa lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot, isinabay sa lamay ng utol

$
0
0

KAPWA pinaglalamayan ngayon ang isang mag-utol matapos pagbabarilin ang isang 43-anyos na lalaki sa mismong burol ng kanyang kapatid habang isa pa ang nasugatan kaninang umaga sa Malate, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Victor Isip, may ka-live-in, walang trabaho, ng 1284 Tuazon St. cor. Arellano Ave., Malate, sanhi ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot rin sa nasabing ospital si Basilisa Tejedor, 61, ng 1243 Arellano Ave., Malate na tinamaan ng ligaw na bala.

Ititnuturo namang suspek sa pamamaril ang isang alyas “Ron-Ron”, nakasumbrero at jacket na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa kanto ng Tuazon St. at Arellano Ave. sa Malate.

Nabatid na dumating ang suspek sa burol ng kapatid ng biktima subalit saglit lamang at lumabas din ito gayunman, hinanap nito ang kinaroroonan ng biktima at nang nakita na nakaupo ay nilapitan saka pinagbabaril kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Tejedor na kanyang katabi noon.

Nang natiyak na patay na ang biktima ay kaswal na lumakad palayo ang suspek dala ang baril na ginamit.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Negosyante, itinumba sa Tondo

$
0
0

NASAWI ang isang 42-anyos na negosyante nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek sa harapan ng kanyang auto shop sa Tondo, Maynila kagabi, Mayo 16.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Dennis Cruz, may ka-live-in, ng 2845 Juan Luna St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:10 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa harapan ng DC Modifier Auto Shop sa 2819 Juan Luna St., Tondo.

Sa salaysay ni Dennis Lapid, 31, stay-in helper ng auto shop, nakatayo ang biktima sa tapat ng nasabing shop nang nakarinig ng putok ng baril at nang puntahan niya ito ay nakita ang kanyang amo na duguang nakabulagta.

Isinugod pa ang biktima ng live-in partner nitong si Joney Abad subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>