Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Beki kinatay sa Tondo

$
0
0

HUBO’T HUBAD pa nang matagpuang patay ang isang bading na hinihinalang pinagsasaksak ng isang ‘di pa kilalang lalaki na kanyang kainuman sa loob ng bahay nito sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Arnold Borlongan, tinatayang 50-55-anyos, tubong Bulacan, nangungupahan sa Room D No. 1145 Interior A, B. Vargas St., Tondo, Maynila dahil sa saksak sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na inilarawan na nasa 5’4 ang taas at may edad 30-35.

Sa report ni SPO3 Donald Panaligan ng Manila Police District (MPD) -Homicide Section, dakong 11:45 ng tanghali nang madiskubreng duguan at wala nang buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na si Nenita Swing ang nakadiskubre sa insidente nang magawi ito sa lugar upang maningil ng renta.

Sumilip umano si Swing sa bahagyang nakabukas na pintuan ng silid at doon nakita na duguan at patay na ang biktima kaya ini-report sa MPD (Abad Santos Police) Station 7.

Base naman sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar, nakitang huminto ang biktima sa isang sari-sari store at habang naghihintay naman sa tindahan ang kasamang lalaki.

Nang bumalik ang biktima ay dala na nito ang mga basyo ng alak at magkasama silang bumili ng yelo at pulutan.

Nakita ring umalis ang suspek na naglakad sa direksyon ng Antipolo at Solis Sts., dakong 8:55 kamakawa ng gabi.

Sa loob ng silid ay makikita ang nagkalat na mga dugo at magulo na ang mga kagamitan na indikasyong nagkaroon ng panlalaban.

Narekober din sa crime scene ang isang 11-pulgadang haba ng isang duguang kutsilyo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


15-anyos, dedbol sa riot

$
0
0

DEDBOL ang isang 15-anyos na lalaki matapos hampasin ng matigas na kahoy sa ulo at saksakin nang dalawang beses sa likod ng kanilang nakaaway na grupo ng kabataan kaninang madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center ang biktimang si Gary Oliveros, ng Blk. 8, 154 Baseco Cmpd., Port Area.

Pinaghahanap naman ang menor-de-edad na suspek na si Jodi Boy Rongcalles, 17, nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Baseco Market, Port Area.

Nauna rito, nagkaroon ng riot sa pagitan ng grupo ng biktima at suspek ngunit mas marami ang grupo ni Rongcalles kaya’t nadaig ang grupo ni Oliveros.

Dito na inabot ng suspek ang biktima at pinalo ito sa ulo ng matigas na kahoy hanggang sa bumagsak.

Hindi pa nakuntento kaya inundayan pa ng dalawang saksak sa likod ang biktima bago tumakas kasama ang kanyang grupo.

Isinugod pa sa nasabing pagamutan ang biktima nina Analyn Arabois at Mary Justine Villegas ngunit binawian din ito ng buhay.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at iba pang sangkot sa naganap na riot ng mga kabataan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Engineer tinambangan, patay

$
0
0

NEGOSYO ang nakikitang motibo sa pagpatay sa isang 49-anyos na mechanical engineer nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Binondo, Maynila kagabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Reynaldo Macapanas, ng Oakridge Antel Village, Bacao, General Trias City, Cavite, bunsod ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, ganap na alas-7:00 ng gabi nang tambangan sa Delpan Sports Complex, Delpan St., Binondo si Macapanas.

Sakay umano ang biktima ng kanyang itim na Isuzu MU-X na SUV at binabagtas ang Delpan St. nang bigla na lang tambangan ng mga suspek at pinagbabaril bago tumakas, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Papauwi naman noon si PO1 Rey Orejas, nang may isang residenteng lumapit sa kanya at humingi ng tulong hinggil sa insidente ng pamamaril.

Agad itong nirespondehan ni Orejas at dinala ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Sinabi naman ni Evelyn Sy, kaibigan ng biktima, na bago maganap ang krimen ay bibisitahin sana siya ng biktima sa kanyang tahanan upang mapag-usapan nila ang isang business proposal nang maganap ang krimen.

Naniniwala naman ang misis ng biktima na si Nenita Macapanas na posibleng may kinalaman sa mga business contract bidding deals ng asawa ang pagpatay sa kanya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 babaeng pusher, timbog sa fast food chain

$
0
0

TIMBOG ang dalawang babaeng pusher na aktong nagbebenta ng illigal na droga sa isang poseur buyer sa isang kilalang fastfood chain sa Maynila.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinamapahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) laban sa mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, pawang residente ng Quiapo, Manila.

Sa report, dakong 5:10 ng hapon nang naaresto ang mga suspek sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa kanto ng Taft Ave. at Pedro Gil St., Manila.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA sa pamumuno ng Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilaim ni Director Ismael Fajardo, Jr. kung saan ligid sa kalaaman ng dalawang babae ay poseur buyer ang kanilang tinangkang bentahan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Tinatayang nagkakahalaga ng P125,000 ang nakumpiskang shabu sa mga suspek.

Hawak na ng PDEA-NCR ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

4 KFR syndicate tiklo, Koreano na-rescue

$
0
0

NA-RESCUE ng Philippine National Police Anti-kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Korean national habang nasilo naman ang apat na dumukot dito sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni PNP-AKG Acting Dir. S/Supt. Glenn Dumlao, kinilala ang nasagip na biktimang si Lee Jung Dae. Si Lee ay na-rescue nitong November 25 matapos siyang sapilitang tangayin sa kanyang bahay sa Balibago, Angeles City, Pampanga noong November 24.

Ayon kay Dumlao, ang tatlong suspek na nakilalang sina Cha Jae Young (Korean national), Cha Dae Sun (Korean), at Raymond Flores (Filipino), ay naaresto habang binabantayan ang biktima sa loob ng isang kotse na nakaparada malapit sa BI office sa Intramuros, Manila.

Samantala, ang pang-apat na suspek na si Kim Min Kwan alyas Michael Lim (Korean), ay nadakip sa isang follow-up operation sa Padre Faura, Manila, na ilang metro lamang ang layo sa kanyang condominium unit sa Robinsons Tower 1 sa Ermita.

Ayon kay Dumlao, ang mga suspek at nagsabwatan para manmanan ang biktima na nagmamay-ari ng isang restaurant sa Pampanga.

Ayon sa PNP-AKG, naunang humingi ang mga suspek ng ransom na halagang P1.2-milyon, na idineliber ng nobya ng biktima sa Marquee Mall sa Angeles City.

Subalit hindi pinalaya ang biktima at sa halip ay dinala sa Intramuros, para muling humingi ng karagdagang P1.2-milyon.

Sa puntong ito, dumulog na ang nobya ng biktima sa awtoridad na agad naglatag ng entrapment operation laban sa mga suspek. BOBBY TICZON

‘Catcalling’ sa Maynila, ipagbabawal na rin

$
0
0

IPAGBABAWAL na rin ang paninipol o catcalling at panghaharas sa mga kababaihan sa mga pampublikong lugar sa Maynila.

Ayon sa ilang lider ng grupo ng mga kababaihan, ang kanilang paglulunsad ng kampanya ay upang kondenahin ang iba’t ibang uri ng panghaharas laban sa mga kababaihan na hindi nila basta na lamang hahayaan.

“Iba ang Manileña, Pambabastos Hindi Pinalulusot,” ito naman ang sinabi ni Jerika Ejercito, program director of Initiatives for Life and Actions of Women (ILAW) ng Maynila sa kanyang keynote address sa ginanap na Speak Up Manileña Assembly.

Sinabi naman ni Raquel Tolentino, community women leaders mula sa Linangan at Lakas ng Aktibong Kababaihan (LILAK), ang mga insidente ng sexual harrasment sa mga kababaihan sa pampublikong lugar ay kalat na sa lungsod.

Kabilang sa pambabastos anila sa kalye kung saan sinisipulan ang mga babae habang naglalakad gayundin ang mga nahihipuan sa overpass at pagsakay sa bus at LRT.

Anila, ang pambabastos sa mga kababaihan ay nakakababa sa pagkatao nito at kawalan ng seguridad.

“Dahil sa pambabastos maraming babae ang kinakabahan at hindi mapalagay kapag nasa labas sila. Naapektuhan nito ang disposisyon nila at kumpyansa,” ayon naman kay Carmela Aguirre.

Kabilang sa grupong kumokondena sa catcalling o paninipol ang Sulong Kabataan Network at Damayan ng Maralitang Pilipinong Api (DAMPA).

Tiniyak naman ng Manila Police District Women and Children’s Desk sa pamamagitan ni Col. Blu Bruno na kanilang tututukan ang mga insidente ng sexual harassment at makikipag-ugnayan sila sa grupo ng kababaihan upang makabuo ng mga programa upang maiwasan o mapigilan ito lalo na ang redress mechanism.

Ang Speak Up Manileña ay binuo ng Institute of Politics and Governance katuwang ang City of Manila NGO Program Secretariat at UN Women. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bagong uwing OFW, tiklo sa pang-i-snatch

$
0
0

KALABOSO ang inabot ng isang bagong uwing overseas Filipino worker (OFW) nang minalas na mahulog ang kanyang pitaka habang nakikipambuno sa babaeng kanyang inagawan ng bag sa Malate, Maynila, kaninang Miyerkules ng umaga.

Nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong snatching ang suspek na nakilalang si John Paulo Almonte, na kakauwi lamang mula sa pagtratrabaho sa Dubai, United Arab Emirates.

Sa ulat, naganap ang insidente dakog 7:015 a.m. sa kanto ng P. Ocampo at Muñoz St., Malate.

Ayon sa biktima na si Jessica Labilles, call center agent, naglalakad siya sa nasabing kanto nang hablutin ng suspek ang kanyang sling bag.

Pero lumaban si Labilles, at nakaladkad pa siya ng holdaper bago natangay ang kanyang bag at sumakay ito sa isang motorsiklo.

Sa pambuno ng dalawa, hindi namalayan ng suspek na nahulog ang kanyang pitaka sa kalye kaya nakilala siya at natunton ng mga pulis ang kanyang bahay.

Tinutugis naman ang mga kasabwat ng suspek sa pag-iisnats. BOBBY TCZON

Nandugas ng 1 case ng beer, tepok sa sekyu

$
0
0

TEPOK ang isang menor-de-edad nang barilin ng guwardiya matapos maaktuhang bitbit ang isang case ng beer sa isang warehouse kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Berlaser Berciles, 17, ng 168 Bukid St., Balut, Tondo sanhi ng tama ng bala sa hita.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na suspek na si Mark Anthony Saide, guwardiya sa nasabing bodega ng beer.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ryan Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng San Miguel Brewery warehouse sa Honorio Lopez Blvd. cor. Buendia St., Tondo.

Nagsasagawa umano ng roving inspection ang suspek sa loob ng bodega nang maaktuhan ang suspek bitbit ang isang case na beer kaya sinita nito pero sa halip sumuko ay tumakbo at umakyat sa isang puno para tumakas dahilan upang barilin ng guwardiya.

Tinamaan sa kaliwang hita ang biktima at agad pinosasan ni Matildo Umas-as, kasamahang guwardiya ni Saide.

Tinangka ni Umas-as na dalhin sa ospital si Berciles pero tumanggi si Saide at pinagbilinan na lamang siya nitong sabihin sa darating na mga pulis na siya ang binaril.

Pumasok sa opisina si Umas-as pero nang balikan niya si Berciles ay isinugod na ito sa naturang pagamutan kung san siya namatay. JOCELYN TABANGGURA-DOMENDEN


Ex-con itinumba sa Maynila

$
0
0

PATAY ang isang 24-anyos na ex-convict matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jiovanni Barba, Jr., miyembro ng Commando Gang, at taga-Barrio Gasangan, Baseco Cmpd., Port Area.

Sa report ni PO3 Dennis Turla, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-4:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa harapan ng Gold Rich Collection General Merchandise sa 864 Sto. Cristo St., Recto Ave., Binondo.

Sa imbestigasyon, sangkot umano sa serye ng panghoholdap at snatching ang biktima sa area ng Divisoria at kalalabas lamang mula ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang cartridge case ng .45 kalibre ng baril at nagtamo naman ng tama ng bala sa ulo ang biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3-anyos tinakasan ng nakasagasang rider

$
0
0

ISANG 3-anyos ang sugatan nang mabunggo at takbuhan ng motorcycle rider sa Quiapo, Maynila kagabi.

Ginagamot sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Juan Iñigo Calma ng 438 J. Nepomuceno St., Quiapo, Maynila.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad 40, 5’4 ang taas, maitim at Muslim ang accent.

Sa reklamo ni Maricris, ina ng biktima, sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente dakong 9:00 ng gabi naganap ang insidente sa Nepomuceno St., Quiapo.

Nabatid na iniwan niya sa loob ng kanilang bahay ang anak na naglalaro.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarinig siya ng malakas na kalabog at nang tingnan ay nakita niya na nakahandusay ang bata at ang nakatumbang motorsiklo minamaneho ng suspek.

Magkasama umano sila ng suspek na isinugod ang biktima sa pagamutan pero nang ideklara ng doktor na ligtas na ang bata ay hindi na niya nakita ang suspek.

Nasa kustodiya naman ng Barbosa PCP ang motorsiklong SYM na kulay itim na may nakalagay na for registration at iniwan ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 patay, 4 sugatan sa sunog

$
0
0

DALAWA ang patay kabilang ang isang 77-anyos na lolo habang apat naman ang nasugatan sa naganap na sunog sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang nasawing na si Anastacio Cruz, habang hindi naman makilala ang isa pa dahil natusta na ang buong katawan nito.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Ritchie Catle, 37, FO1 John Natividad na tumalon mula sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay, Rosemarie Gonda at anak nitong si Mary Ann.

Sa report ng Manila Fire Department (MFD), dakong 10:20 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang inuupahang bahay ng isang Boy Arthus sa 32B Maria San Francisco St., Sampaloc, Manila at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Sampung bahay naman ang tinupok ng apoy na umabot sa mahigit 30 mga pamilya ang nawalan ng tirahan.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na idineklarang fireout dakong 11:30 ng umaga.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na pinaglaruang posporo ng mga bata ang sinasabing sanhi ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 patay sa sunog sa printing press

$
0
0

PATAY ang tatlong empleyado ng isang printing shop nang makulong sa nasusunog na printing press kaninang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga nasawing sina Benjie Solis, 28, at Ronald Obiedo, 50, na halos hindi na makilala dahil sa tindi ng pinsalang tinamo sa sunog.

Habang isa pa ang inabutan pa ng mga bumbero na may pulso at itinakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center(JRMMC) na si Joel Eva, 50, ngunit binawian na rin ng buhay.

Sa report ni SFO3 Sony Laguna, imbestigador ng Manila Fire Deparment, dakong 4:30 ng madaling-araw nang nagsimula ang sunog sa Lumandas Printing Press sa kanto ng Recto Ave. at Morayta St. sa Maynila.

Nabatid na nagkaroon ng Christmas party ang mga empleyado ng nasabing printing press na nauwi sa inuman.

Aminado naman ang may-ari ng printing press na maging siya ay nakipag-inuman at nalasing hanggang sa nakatulog ngunit pasado 9:00 ng gabi nang siya’y mahimasmasan at magising kaya umalis na rin siya at umuwi malapit lamang sa lugar.

Hinihinalang ang naiwanang nakasaksak na videoke ang dahilan ng sunog kung saan ang isa sa mga biktima ay nakita sa banyo.

Dakong 5:10 ng umaga nang ideklarang fireout ang sunog na umabot lamang sa unang alarma at dito na nakita ang tatlong biktima.

Samantala, nilinaw ni Arson investigator Redentor Alumno na patuloy pa ang kanilang imbestigasyon kung may naganap na foul play sa pagkamatay at kung may kapabayaan sa panig ng may-ari matapos na nalaman na naka-padlock ang sliding gate kaya nahirapan ang mga bumbero na buksan ang nasabing opisina.

May naiwan din umanong mga tao sa kanyang shop na kinabibilangan ng tatlong biktima na noo’y nag-iinuman.

Tinatayang umabot sa P50,000 ang halaga ng napinsalang ari arian. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Agawan sa pasahero, 2 drayber nagsaksakan

$
0
0

SUGATAN ang isang tricycle driver nang saksakin ng kabaro nito dahil sa agawan ng pasahero sa Tondo, Manila.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Gilberto Canoza, 40, ng no. 2108 Molave St., Tondo bunsod ng tinamong saksak sa kaliwang tagiliran.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 7 ang suspek na si Edmund Sablaon, 36, ng no. 1027 Tayabas St., Tondo.

Sa ulat, alas-4:45 ng madaling-araw nitong Sabado naganap ang gulo sa pilahan ng tricycle sa Molave St. Nabatid na may pasahero umano na sa biktima sumakay imbes na sa suspek dahil may pila.

Sinita ng suspek ang biktima na nauwi sa pagtatalo at suntukan hanggang bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Canoza sa kaliwang bahagi ng katawan.

Sugatan din ang suspek dahil sa tinamong panununtok ng biktima sa kanyang ulo.

Naaresto ang suspek habang isinugod sa pagamutan ang biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot nanggulo sa Simbang Gabi, dakip

$
0
0

DAKIP ang isang 18-anyos na lalaki matapos na mambulahaw at magtangkang lumaban at maghamon ng suntukan sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya sa Sampaloc, Maynila.

Hawak ngayon ng Sampaloc Police Community Precinct (PCP) ang suspek na si Mark Vincent Harass, ng 1000 Int. 22 Gerardo St., Sampaloc, Maynila.

Sa report ni PO1 Roldan Buena ng Sampaloc PCP, dakong 5:40 ng umaga nang naganap ang insidente sa harap ng Holy Trinity Academy sa kanto ng Calabash Road at Santisima St., Sampaloc.

Ayon kay Buena, nagsagawa sila ng anti-criminality campaign sa lugar nang nagsisigaw ang suspek sa tapat paaralan na kalapit ng Holy Trinity Parish Church.

Nabatid na nagwala ang suspek nang pigilan siya ng mga security officer na nagbabantay na makapasok sa simbahan para dumalo sa isinasagawang misa.

Tinangka umanong payapain ng mga pulis ang suspek dahil sa nabubulahaw na nito ang isinasagawang misa pero sa halip na sumunod ay ang mga pulis naman ang hinarap nito at sila naman ang pinagmumura dahilan para ito arestuhin. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Negosyante sa Maynila, dedbol sa tandem

$
0
0

PATAY ang isang negosyante matapos barilin ng riding-in-tandem kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Nanding Ocampo, 24, binata, may negosyong buy and sell, ng 265 Capulong St., Tondo, Maynila.

Hindi naman nakilala ang dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng pulang motorsiklo.

Naganap ang insidente alas-12:02 ng madaling-araw sa kahabaan ng Capulong St.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Marragun, naglalakad ang biktima nang dikitan siya ng nakamotorsiklong mga suspek.

Walang sabi-sabing bumunot ng baril ang backride ng motorsiklo saka pinaputukan ang biktima nang ilang ulit.

Matapos ang krimen ay mabilis tumakas ang mga suspek na ngayon ang inaalam ang kanilang pagkakilanlan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


50 kabahayan, natupok sa Tondo

$
0
0

ILANG araw bago sumapit ang Pasko ay nawalan pa ng bahay ang ilang residente sa Tondo, Maynila matapos matupok ang kanilang mga bahay kaninang tanghali.

Ayon kay Fire C/Insp. Joselito Reyes ng Manila Fire Bureau (MFB), nagsimula ang sunog dakong 12:35 ng hapon sa isang bahay sa Capulong St., Tondo, Maynila na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fireout dakong 2:00 ng hapon.

Nasa 50 kabahayan naman ang nilamon ng apoy dahil gawa lamang ito sa light materilas bukod pa sa dikit-dikit ang mga bahay.

Nagdulot naman ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar lalo na sa Road 10 dahil sa pagmamadali ng mga residente na mailigtas ang kani-kanilang mga kagamitan.

Nakatulong din umano ang malakas na pagbuhos ng ulan para mapigil ang pagkalat pa ng sunog.

Tinatayang may 200 residente ang naapektuhan sa sunog at wala namang naiulat na nasawi o nasaktan.

Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

May diperensya sa isip, nagbigti

$
0
0

MASANGSANG na ang amoy ng isang 50-anyos na lalaki na sinasabing may “diperensiya” sa pag-iisip nang matagpuang nagbigti sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Hinihinalang may ilang araw ng patay ang biktimang si Filomeno Almendralejo, Jr., alyas Jun, boarder sa 1206 M. Natividad St., Sta. Cruz, Maynila.

Alas-8:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang isang kulay asul na nylon cord.

Ayon kay Jocelyn Santos, landlady ng biktima, mag-iisang taon na umanong nangungupahan sa kanya ang biktima matapos itong i-deport mula sa United States sa hindi malamang kadahilanan at tumatanggap ng buwanang allowance sa kanyang ina na nakabase na sa US.

Nalaman din na ang biktima ay na-diagnose na may mental health disorder at regular na umiinom ng alak.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong 2:00 ng madaling-araw na naglalakad sa loob ng kanilang bahay ng isang boarder na si Renato Santos.

Dakong 8:00 ng gabi nang makaamoy ng masansang ang kanyang kasamang boarder na si Lourdes Lim mula sa kuwarto ng biktima kaya kaagad nitong sinabi kay Santos.

Kinatok umano ni Santos ang kuwarto ng biktima na noo’y bahagyang nakabukas ngunit patay ang ilaw kaya gumamit ito ng flashlight at nakitang nakatayo ito.

Gayunman, hindi na nilapitan ni Santos ang biktima dahil sa katayuan nito kaya nagtungo na lamang sa barangay para humingi ng tulong at pagdating ni Kagawad Romualdo Sta. Maria ay nakita nila na nakabigti ang biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lolo nabundol ng tren, patay

$
0
0

ISANG 50-anyos na lolo ang binawian ng buhay nang mabundol ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Tondo, Maynila.

Naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Antonino Prestosa, tricycle driver, ng 1080 Yuseco St., Tondo, Maynila ngunit binawian din ng buhay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Allan Abadilla ng Manila Police Traffic Enforcement Unit, dakong 10:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa riles ng tren sakop ng Brgy. 228 Zone 21 sa Batangas St., Tondo.

Ayon sa ilang saksi, nakita umano nilang papatawid ang biktima habang paparating naman ang tren na may body number NSC-1037 na minamaneho umano ni Leonardo Colombong, patungong Alabang at isa pang tren ang paparating na patungo naman sa Tutuban, kaya hinihinalaang nalito ang biktima.

Dito na siya nabunggo ng tren at tumilapon nang ilang metro saka at humampas ang bandang likurang bahagi ng ulo na nagkaroon ng malaking sugat na aabot sa anim na pulgada. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot patay sa utang

$
0
0

PATAY ang isang 36-anyos na lalaki nang barilin matapos hindi makapagbayad ng utang kamakalawa ng gabi sa Baseco Cmpd., Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Diosdado Martinez, ng Port Area, Maynila, habang nakatakas naman ang suspek na si Reymund Lazaro, 26, anak ng dating kinakasama ng suspek.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-homicide section, dakong 11:40 ng hatinggabi nang dumating sa bahay ng biktima ang suspek at kaagad na binaril ito sa dibdib.

Bagama’t may tama na ay nagawa pang makatakbo ng biktima subalit muli itong binaril sa ulo bago tuluyang tumakas ang suspek.

Nabatid na ang biktima at suspek ay nakatira sa iisang bahay dahil dating magkarelasyon ang kanilang mga magulang.

Nabatid na nag-away na rin ang dalawa bago mag-Pasko pero naawat ng ilang residente.

Sa impormasyong nakuha, ibinenta umano ng suspek ang tinutuluyang bahay ng biktima kung saan ang kanyang ina ang tunay na may-ari nito na kasalukuyan namang nagtratrabaho sa Middle East.

Napag-alaman pang may utang na P5,000 ang biktima sa suspek ngunit hindi na ito nakapagbayad pa dahilan upang mauwi sa pagtatalo at pamamaril.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot hinampas ng bato, tepok

$
0
0

HINIHINALANG hinampas ng malaking bitak ng bato sa ulo ang isang lalaking natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Baseco Cmpd., Port Area, Maynila Miyerkules ng madaling-araw.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakilanlan ng biktima na nakasuot ng pulang T-shirt at puting shorts at posibleng isang kuliglig driver dahil sa nakitang tali na gamit sa pagpapaandar ng kuliglig.

Sa tabi ng bangkay ng biktima nakita naman ang malaking bitak ng bato na posibleng ipinukpok o inihampas sa ulo nito kaya nabasag ang kanyang mukha at bungo.

Sa imbestigasyon, posible umanong nagkaroon ng rambol sa lugar dahil sa mga bubog ng basag na bote na nagkalat sa paligid ng biktima.

Tinitingnan namang anggulo ng pulisya ang posibilidad na nadamay lamang ang biktima sa gulo.

Gayunman, maari din umanong kasama sa riot ang biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>