Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Nagpakilalang MTPB, arestado sa pangingikil

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki na dating miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) matapos ireklamo ng pangingikil kaninang madaling-araw sa UN Ave., Maynila.

Kakasuhan ng robbery extortion at usurpation of authority si Lito Tan na suot pa ang lumang uniporme ng MTPB nang maaresto.

Sa reklamo ni Marvin Pontreras, truck driver, patungo sila ng Tarlac mula Cavite upang mag-deliver sa isang hardware nang parahin sila ng limang lalaki sa madilim na bahagi ng UN Ave. pasado alas-3:00 ng madaling-araw.

Sa pahayag ni Pontreras, hinihingan siya ng halagang P1,000 sala kinuha ang kanyang lisensya at OR-CR.

Dipensa naman ng suspek na hihingi lamang umano siya ng konting pabor dahil nasa ospital ang kanyang asawa at anak kaya sumama ito sa apat pang kasamahan na nakatakas.

Muli namang nagpaalala si MTPB chief Dennis Alcoreza na huwag magbibigay ng pera sakaling may maka-engkwentrong miyembro ng MTPB na kapareho ang modus at sa halip ay magpatiket na lamang saka agad na idulog.

Agad din aniyang ipagbigay-alam sa kanyang tanggapan ang insidente upang agarang maaksyunan at mahuli ang mga mapagsamantalang tauhan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Pumila sa Pahalik: 2 babaeng mandurukot huli sa Quiapo

$
0
0

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang hinihinalang babaeng mandurukot sa simbahan ng Quiapo sa Maynila.

Kinilala ang mga naarestong sina Roseta Macato at Marilyn Oyong.

Nabatid na habang nasa pila ng pahalik sa Nazareno ay dinukutan ng dalawa ang biktimang si Cristy Cortez.

Sinabi ni Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng MPD Station 3, bahagyang nagkagulo sa pila ng pahalik nang mapansin ng biktima na dinudukutan siya.

Dito na nagsisigaw ang biktima dahilan upang magkaroon ng komosyon sa lugar.

Hinabol naman ng mga miyembro ng citizen crime watch ang mga suspek at nabawi dito ang cellphone ng biktima.

Paalala naman ng pulisya sa mga magtutungo sa Quiapo ngayong araw hanggang sa pista ng Nazareno na huwag magdala ng mga mamahaling gamit tulad ng mga cellphone at alahas upang makaiwas sa pandurukot at snatching.

Gayunpaman, tiniyak ng MPD ang mahigpit na seguridad na kanilang ipatutupad sa taunang Traslacion. JOHNNY ARASGA

Labandera, itinumba ng hitman

$
0
0

DALAWANG tama ng bala ang ibinaon sa ulo ng isang labandera matapos barilin habang natutulog kaninang madaling-araw sa kanyang barong-barong sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Richie San Juan, 39, nakatira sa isang barong-barong sa tabi ng riles ng tren.

Sa imbestigasyon ng MPD-Station 4 dakong 1:45 ng madaling-araw nang barilin ang biktima.

Natutulog noon ang biktima sa kanyang barong-barong nang makarinig ang 15-anyos nitong anak ng dalawang putok ng ‘di mabatid na kalibre ng baril.

Agad itong bumangon at nang kanyang silipin ay duguan na ang kanyang ina.

Mabilis namang naipagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari na noo’y nagroronda sa lugar at agad nagsagawa ng follow-up operation kung saan napansin na nagmamadaling umalis ang mga naarestong suspek na sina Umar Abdula alyas Anjon Ando, 25, ng Taguig City, at Joemar Advincula, 28, ng West Pembo, Makati.

Aminado naman si Ando na isa siyang hitman at binayaran siya ng mahigit P40,000 upang itumba si San Juan.

Hindi naman nito inamin kung sino ang nag-utos na patayin ang biktima.

Mariin namang itinanggi ng kaanak ng biktima na may kinalaman ito sa iligal na droga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo sa pamamaril. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

36-oras na liquor ban sa pista ng Quiapo, ipatutupad

$
0
0

MAGPAPATUPAD ng 36 oras na liquor ban ang Manila Police District (MPD) sa araw ng Kapistahan ng Mahal na Poong Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9.

Ayon kay MPD District Director Joel Coronel, ang liquor ban ay ipatutupad sa loob ng 200-meter radius na daraanan ng prusisyon ng Nazareno.

Sisimulan aniya ito ganap na alas-6:00 ng gabi bukas, Lunes, hanggang alas-5:00 ng umaga sa Miyerkules.

Una na ring ipinatupad ang pagkakaroon ng 48-oras na gun ban sa ilang mga lugar sa Maynila na magsisimula 12:01 ng January 8 at tatagal hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng January 10.

Bukod dito, magkakaroon din ng pansamantalang signal jamming o pagputol sa signal ng mga cellphone sa mga daraanan ng traslacion ng Itim na Nazareno sa Martes. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

4 na estudyante nasagasaan, kritikal

$
0
0

APAT na estudyante at isang nanay ang sugatan nang masagasaan ang mga ito habang nakatayo sa harapan ng eskuwlahan sa Sta. Cruz, Maynila.

Kritikal ngayon habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mark Rv Suringa, 11, habang ginagamot sa nasabi ring ospital sina John Clarence Eusebio, 10, Marjorie Matawaran, 9, at Rain Jasmine Pision, 10, lahat ng Sta. Cruz, Manila at Aaron San Jose, 11, ng 208 Orani St., Tondo, pawang mga estudyante ng Plaridel Elementary School at Jonna Matawaran, 43, ng 2730 Sulu St., Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala naman ang suspek na si Margarito dela Vega, 45, ng Jacob St., Poblacion, Tigaon, Camarines Sur, driver ng isang Toyota Innova (TOB 674).

Sa report ni SPOi Roberto Lorenzo, ng Manila Police District (MPD)-Vehicular Traffic Investigation Section, dakong 6:30 ng gabi nang naganap ang aksidente sa harapan ng Palridel Elementary School, northbound lane sa Lico St., Sta. Cruz, Maynila.

Nauna rito, minamaneho ng suspek ang kanyang sasakyan nang tumigil ito habang tumatawid ang ilang estudayante pero nakabig umano nito ang kambyo ng sasakyan at umandar patungo sa pedestrian lane kung saan nakatayo ang ilang mga estudaynte dahilan upang mabundol ito.

Nasagi rin ang isang nakaparadang Yamaha motorcycle (for registration) na pag-aari ng isang Aries Recto Reyes.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Drayber dedo sa loob ng sasakyan

$
0
0

BIGLA na lamang umanong bumagsak mula sa kanyang sasakyan ang isang 35-anyos na driver na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sa Maynila kaninang madaling-araw.

Itinakbo pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Joseph Pomentel, may-asawa, ng Del Rosario, Tiaong, Quezon ngunit hindi na rin ito naisalba pa.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ganap na alas-2:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente habang nasa loob ng kanyang sasakyan na Mitsubishi L300 van na may plakang B1 E 770 na nakaparada sa Mabila Bay Hosiery Mills sa Dalisay St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa saksi na si Lorenzo Agohayon, hatinggabi nang pumarada ang biktima sa lugar at natulog ito sa kanyang sasakyan.

Gayunman, sa kahimbingan ng kanyang tulog, nagulat na lamang siya nang biglang bumagsak sa semento ang biktima.

Agad niya itong pinuntahan at napansin na naihi na ang biktima sa kanyang salawal dahilan upang siya’y dalhin sa naturang pagamutan.

Sa nakuha namang impormasyon ng pulisya, mayroong acute pancreatitis ang biktima, gayunman, inaalam pa kong ito nga ang dahilan ng kanyang pagkamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 snatcher niratrat, 1 patay

$
0
0

PATAY ang isa umanong notoryus na holdaper habang sugatan ang kasamahan nito at isa pang lalaki na nadamay matapos ratratin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa tapat ng lumang gusali ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Port, Area Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Melchor Ferreras alyas Nanak, nasa hustong edad at walang permanenteng tirahan.

Sugatan naman matapos tamaan sa pisngi ang kasama nitong si Ronaldo Rosimo, 38, ng 12th St., Port Area, Maynila at sa katawan naman tinamaan ang isa pang biktima na nadamay na si Jomar Kason, 31, taxi driver, na kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital.

Dakong 5:45 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa may Anda Circle malapit sa Old BIR Building sa Port Area.

Nabatid na nakatayo lamang ang mga biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng kaangkas nito.

Tinamaan sa pisngi si Rosimo habang nakatakbo si Ferreras pero hinabol siya ng mga suspek saka pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Habang nadamay naman pamamaril si Kason na noo’y nasa nasabing lugar.

Nalaman sa nakuhang impormasyon na notoryus na snatcher si Ferreras at Risimo kung saan kalalaya pa lamang noong nakaraang buwan sa Manila City Jail(MCJ).

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Construction tools ninakaw, 2 kalaboso

$
0
0

DALAWANG lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 1 nang magnakaw ng mga construction tools sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyang nakakulong sa nasabing presinto ang mga suspek na sina Fauhlle Johnne Barnachia, 18, at Anthony Fajelagot, 37, kapwa ng Tondo.

Ayon kay PCI Romeo Estabillo ng MPD Station 1, idinulog sa kanilang tanggapan ang nangyaring pagnanakaw ng mga suspek sa mga construction tools na nakalagay sa isang nakaparadang pick-up truck sa Brgy. 120, Balut, Tondo kaya agad nagsagawa ng follow-up operation na ikinaaresto ng dalawa.

Sa kuha ng CCTV na isinumite sa pulisya, nakilala ang mga suspek kung saan kitang-kita na isinisilid ni Barnachia ang mga construction tools mula sa likod ng pick-up sa dalang sako.

Agad din itong tumakas nang malimas ang laman ng pick-up.

Bagama’t aminado si Barnachia, mariin namang tumanggi si Fajelagot at sinabing nadamay lang siya sa krimen dahil iniwan sa kanya ni Barnachia ang mga construction tools.

Depensa pa nito, hindi niya alam na galing sa nakaw ang mga ito.

Sinabi naman ni Barnachia na alam ni Fajelagot na nakaw ang mga gamit.

Kapwa mahaharap si Barnachia at Fajelagot sa kasong theft at kasalukuyan silang nakadetine sa MPD PCP 1. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Call center agent, inararo ng saksak

$
0
0

INUNDAYAN ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang isang call center agent ng isang holdaper matapos siyang isnabin sa Sta. Cruz, Maynila.

Siyam na saksak ang ibinaon sa katawan ng biktimang si Charles Melvin Cruz, 21, ng St. Mary St., Tondo, Manila.

Gayunman, sa kabila ng mga tama ng saksak ay himala namang nakaligtas ang biktima kung saan kasalukuyan pang nasa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Tinutugis naman ang ‘di nakilalang suspek na hinihinalang drug addict na mabilis na tumakas matapos kunin ang mamahaling cellphone ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Rudolf Fajardo ng Manila Police District-Police Station 3, naganap ang insidente dakong 2:50 ng madaling-araw sa Tayuman cor. Oroquieta St. sa Sta. Cruz.

Naglalakad umano ang biktima upang makipagkita sa kaibigang si Bob Labrador nang bigla itong tawagin ng nadaanang suspek.

Hindi naman pinansin ng biktima ang suspek at sa halip ay nilampasan lamang at nagpatuloy sa paglakad.

Dito na siya sinundan ng suspek at ilang ulit na pinagsasaksak sa likod.

Humarap ang biktima at tinangka pang manlaban pero muli siyang pinagsasaksak ng suspek bago tinangay ang kanyang cellphone at saka mabilis na tumakas.

Nagawa naman ng biktimang makatakbo at makahingi ng tulong sa kanyang kaibigan na naghihintay sa kanya kahit na duguan na siyang nagsugod sa kanya sa pagamutan. JOCELYN TABANCGURA-DOMENDEN

Snatcher bugbog-sarado sa taumbayan

$
0
0

BUGBOG-SARADO ang isang snatcher nang maabutan at pagtulungan gulpihin sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakakulong ngayon sa MPD-Station 3 ang suspek na sina Ryan Mesina, nasa hustong gulang na nagtamo ng mga pasa sa katawan at halos magsara na ang kanyang mata sa bugbog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nang-snatch umano ng cellphone ang suspek sa isang naglalakad na magkasintahan sa bahagi ng Blumentritt.

Agad nakatawag ng saklolo ang biktima hanggang sa may rumespondeng tanod ng Brgy. 346 Zone 35, at nakipaghabulan sa suspek sa Yuseco kanto ng Oroqueta St, Sta. Cruz, Maynila.

Nang maabutan ang suspek ay dito na pinagtulungang bugbugin ng taumbayan na nasa lugar.

Nakuha mula sa suspek ang cellphone na nagkakahalaha ng P10,000.

Mahaharap ang suspek sa reklamong robbery snatching. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 miyembro ng laglag-barya, kalaboso

$
0
0

SA kulungan bumagsak ang dalawang miyembro ng “laglag-barya” gang matapos biktimahin ang isang seaman sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Ermita, Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District-Police Station 5 ang mga suspek na sina Harold Royola, 32, tricycle driver, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at taga-Purok 4, Brgy. Mansol, Nagcarlan, Laguna, at Albino Estrada, 38, tricycle driver, ng Purok Kanluran, Calauan, Laguna.

Inireklamo ang dalawa ng biktimang si Paul Per, 38, seaman, ng 555 San Andres, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mark Cyrus Santos, nakasakay ng jeep ang biktima dakong 8:30 ng umaga nang maglaglag ng barya si Royola at nang kunin niya ang barya, dinukot naman ni Estrada ang Samsung cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P20,000.

Pababa na sa may Orosa St. nang mapansin ng biktima na nawawala ang kanyang cellphone kaya kinompronta niya ang dalawang suspek.

Nagsalita umano si Estrada at sinabi nitong nakita niya na nalaglag ang cellphone ng biktima.

Tiningnan naman ni Amper ang dinaanan pero ‘di nakita ang kanyang cellphone at dito naisip ni Amper na nabiktima siya ng laglag-barya kaya tinawag niya ang nakitang pulis.

Sa puntong iyon, kusang isinauli ni Estrada ang cellphone ng biktima pero binitbit pa rin sila sa presinto.

Nahaharap sa kasong theft sa Manila Prosecutor Office ang dalawang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pinainom na, nanaksak pa

$
0
0

SUGATAN ang isang 23-anyos na lalaki matapos saksakin ng suspek na niyaya niyang makainuman sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kagabi.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rogino deLa Cruz, alyas JR, ng 705 Maliklik St., Tondo, Maynila dahil sa saksak sa katawan.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si John Lerry Garcia, 19, ng 3051 Maliklik St., Tondo, at sasampahan ng kasong physical injury sa Manila Prosecutor’s Office.

Sa ulat, dakong 10:00 ng gabi nang maganap umano ang insidente sa bahay ng biktima kung saan nag-iinuman ang dalawa kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.

Sa gitna ng kanilang inuman, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi mabatid na dahilan haggang sa bumunot ng patalim ang suspek saka inundayan ang biktima.

Naawat naman ang pananaksak at napigil ang suspek hanggang dumating ang mga tauhan ng Manila Police District – Police Station 7 at binitbit ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Trike driver, dedbol sa mga rider

$
0
0

PATAY ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo sa Paco, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktimang si Jimmy Liban, 40, ng lugar na pinagbabaril habang sakay ng kanyang minamanehong tricyle.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, pasado 10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Guazon Ave. sa Paco.

Sa pahayag ng isang testigo sa lugar, nakarinig siya ng limang putok ng baril at nang kanyang tingnan ang pinagmulan nito ay nakitang nakasubsob na ang biktima sa kanyang pinapasadang tricycle habang papatakas na rin ang mga salarin.

Agad binawian ng buhay ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang panga, likod at iba pang parte ng katawan.

Anim na basyo ng bala ng kalibre .45 ang narekober ng mga pulis mula sa crime scene.

Aminado naman ang kapatid ng biktima na si Jeff na posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa kapatid, na kabilang aniya sa drug watchlist ng mga awtoridad.

Nabatid din na nakulong na rin noong 2015 ang biktima dahil sa kasong robbery, ngunit nang makalaya ito ay mas lalo pa umanong lumala ang kaniyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kasalukuyan pa namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para matukoy ang motibo ng pagpatay at kung sino ang mga taong nasa likod nito, para sa agarang pag-aresto sa kanila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Holdaper tigok sa parak

$
0
0

BULAGTA ang isang lalaking holdaper na nambiktima ng isang part-time waiter na nag-aabang lamang ng masasakyan sa Ermita, Maynila matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang umaresto sa kanya.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin, inilarawang nasa 5’6” ang taas, nasa hanggang 40-anyos ang edad, at naka-gray na jacket at asul na shorts.

Kaagad na nasawi ang salarin nang mapuruhan ng mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 5 na naka-engkwentro nito.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro, ng MPD- homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Muelle del Rio St., Lawton sa Ermita.

Nauna rito, nag-aabang ng masasakyang taxi si Mark Cruz, 20, sa Silvia St. nang may dumaang dalawang lalaki, na magkaangkas sa motorsiklo.

Lumampas umano ang mga ito ngunit ilang sandali lamang ay bumalik ang isa sa mga sakay, nilapitan ang biktima at kaagad na nagdeklara ng holdap.

Nang makuha ang cellphone at P1,500 na cash ng biktima ay sinuntok pa umano siya ng suspek at nagpaputok ng baril sa kalsada.

Ayon sa biktima, dahil sa takot na patayin siya ng suspek ay ibinigay na niya ang lahat ng kanyang pera at cellphone at nang makaalis ito ay kaagad na siyang humingi ng tulong sa barangay kung saan nagkataong naroroon ang mga pulis ng Lawton PCP na sina PO2 Randy Quintal at PO1 Rex Macarubbo.

Ayon kay Lawton PCP commander, P/Sr. Insp. Randy Veran, hinabol ng kanyang mga tauhan, kasama ang biktima, ang mga suspek at tinangkang pasukuin.

Nakarating ang habulan sa Muelle del Rio St. ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang backrider na suspek sa mga awtoridad kaya’t nagkaroon ng engkwentro.

Napuruhan naman ng mga pulis ang suspek at nahulog sa motorsiklo habang nakatakas naman ang kasamahan niyang rider.

Isinugod pa ng mga awtoridad ang suspek sa pagamutan, ngunit patay na ito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia, gayundin ang cellphone at pera ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Brgy. Chairman sa Lawton, kakasuhan ng MMDA

$
0
0

POSIBLENG kasuhan ng MMDA ang Barangay Chairman na nakakasakop sa Lawton sa Ermita, Maynila dahil sa talamak na illegal terminal sa lugar.

Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija, pinababayaan lang ni Chairwoman Ligaya Santos ng Brgy. 659-A ang illegal terminal ng bus at mga UV express sa lugar.

Nabatid na nag-ikot ang MMDA ng dalawang araw kung saan natuklasang marami ang kolorum o out-of-line na mga bus at UV express ang nahuli ng mga awtoridad.

Bukod dito, napuna rin ng MMDA ang Lawton na mapanghi at mabaho lalo na sa tapat ng Manila Post Office dahil ginawang malaking urinal ng mga driver ang lugar.

Nanawagan naman ang MMDA sa mga awtoridad sa Maynila na tulungan silang bantayan ang lugar upang maalis ang illegal terminal at maiwasan ang sanhi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Lawton area. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Umawat sa away, brgy. official tepok sa suntok

$
0
0

PATAY ang isang 46-anyos na opisyal ng barangay matapos mabagok nang suntukin ng lasing na inawat nito sa pag-iingay kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Edgardo Maliclic, Treasurer ng Brgy. 152 zone 14, at residente ng 2023 G. Perfecto St., Gagalangin, Tondo.

Hawak na ngayon ng MPD-Station 7 ang suspek na si Micheal Angelo Aparicio, may asawa, technician, ng 783 Int. 17 Maria Guizon St., Tondo.

Sa report ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), dakong 1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Laguna Ext. cor. Lakandula St. sa Tondo.

Nauna rito, nakipag-inuman ang suspek sa ilang kaibigan at makalipas lamang ng ilang sandali ay nakikipagsigawan na ito sa kanyang maybahay sa ‘di mabatid na dahilan.

Nagawa namang mamagitan ni Maliclic sa away ng mag-asawa subalit hinamon ito ng suspek ng suntukan .

Binigyan ng suspek ng isang suntok ang biktima sa panga na naging dahilan upang bumagsak ito at mawalan ng malay dahil sa pagkabagok.

Dali-dali namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

Sasampahan ng kasong Homicide ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Higit P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Quiapo

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P2.5-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila, Sabado ng gabi.

Kasabay nito, naaresto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service ang target na drug personality sa isang hotel sa bahagi ng Palanca St. sa Quiapo.

Kinilala ang suspek na si Hassanosin Domato Ampuan alyas “Kasador” o “Rusty.”

Ayon kay PDEA agent Robins Cataluña, inabot ng mahigit isang buwan ang isinagawang surveillance ng mga awtoridad para mahuli ang suspek na nagbebenta ng shabu sa loob ng mga hotel at malls.

Dagdag pa nito, kilala rin ang suspek na supplier ng ilegal na droga sa National Capital Region, Region 6 at Lanao del Sur sa Mindanao.

Samantala, inamin naman ng suspek na pag-aari nito ang mga nakulimbat na ilegal na droga at kumanta rin na kumukuha ng suplay mula sa isang alyas “Bryan.” JOHNNY ARASGA

8 arestado sa drug paraphernalia

$
0
0

ARESTADO ang walong katao nang makumpiskahan ng mahulihan ng gamit sa paggamit ng iligal na droga at baril sa Balut, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto ang magkakaanak na sina Ronalyn, 33; Maria Hermina, 53; Maria Christina, 28; Raquel, 31; at Mark Joseph Habab, 21.

Kasama ring naaresto sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Thelma Bunyi Medina, 1st vice Executive Judge, sina Proceso Ramos, 47, at Catherine Kate Dayuno, 20, kapwa ng 220 Int. 31 Honorio Lopez St., Balut, Tondo na nakapiit na sa MPD-DDEU.

Ayon kay SPO1 Renen Malonzo ng Manila Police District –District Drug Enforcement Unit, alas-5:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga suspek.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Illegal Possesion of Dangerous Drugs, Illegal Possesion of Drug Paraphernalia, Illegal possession of Firearms and Ammunicion at Illegal Possession of Explosives matapos silang makumpiskahan ng isang MK-2 Fragmentation hand grenade , Close Circuit Television Camera (CCTV) at monitor, isang kalibre .45, 9mm, 1 Hostler magazine at iba’t ibang bala ng baril at mga drug paraphernalia at shabu na nagkakahala ng P500,000.

Ayon sa pulisya, mahigit dalawang buwan nilang minanmanan ang mga suspek habang ang kanilang target na Alyas Tay ay nakatakas matapos makatunog na may dumarating na ang pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

13-anyos tigbak sa pamamaril

$
0
0

HINDI na naisalba pa ang buhay ng isang Grade 6 student matapos tamaan ng bala ng baril sa Vitas Slaughterhouse, sa Tondo, Maynila.

Kilala ang biktimang si Aldrine Censilla Pineda, 13, ng unit 309, Bldg. 8, Katuparan, Vitas, Tondo.

Inaalam pa kung sino ang lalaking responsable sa pagpapaputok ng baril.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, unang nakaupo ang biktima sa konkretong bakod katabi ang dalawa pang lalaki na kumaway pa umano at nang-aasar sa isang lalaki na may hawak na flashlight na nagbabantay sa bisinidad.

Ilang sandali pa ay tumayo na rin ang dalawang lalaki at naiwan ang biktima ngunit tumayo rin nang makarinig ng putok ng baril.

Naglakad naman papasok sa slaughterhouse ang nasabing lalaki na may hawak ng flashlight.

Habang naglakad na ang biktima, naramdaman na nitong may tama na siya ng bala sa tiyan kung saan agad nitong sinabi sa kanyang ina kaya agad siyang dinala sa ospital.

Gayunman, tumagal pa ng ilang oras ang biktima bago tuluyang nalagutan ng hininga.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente na posibleng ang may dala ng flashlight ang nagpaputok ng baril at responsable sa pagkamatay ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 patay sa drug-bust sa Binondo

$
0
0

SANGKOT sa iligal na aktibidad ang dalawang lalaking nabaril at napatay ng awtoridad nang manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas ‘Resty/Mac-mac’, 35 hanggang 40-anyos, malaki ang katawan, at may mga tattoo sa balikat at alyas ‘Jomar,’ nasa 20 – 25-anyos, maliit ang pangangatawan, at may mga tattoo sa dibdib at kaliwang balikat.

Sa report, ala-1:15 Martes ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD-Station 11 sa Delpan St., malapit sa Missionary of Charity, Alay Puso Charity sa Binondo.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga ito.

Nagpanggap na poseur buyer si PO1 Mark Laurence Legaspi at nakipagpalitan ng shabu at P500 marked money sa mga suspek.

Nang magpositibo ay sumenyas si Legaspi  sa mga kasama ngunit nakahalata si Jomar na mga pulis ang katransaksyon kaya’t sumigaw nang, “Put….ina! Parak yan!”

Halos sabay na bumunot ng baril ang mga suspek at tinangkang barilin ang mga awtoridad ngunit nagawa ni Legaspi na tabigin ang baril ni Resty kaya’t hindi siya tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live