Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Kelot na mamamalengke, inutas sa Maynila

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang barilin ng hindi nakilalang salarin habang naglalakad patungong palengke kagabi sa Baseco Cmpd., Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Edmon Datuin, 34, may-asawa, ng nasabing lugar.

Sa ulat ni PO3 Joel Jasareno, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-7:40 kagabi nang maganap ang pamamaril sa biktima kahabaan ng palengke sa Blk. 15.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang lapitan ito ng hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo saka mabilis na tumakas.

Agad namang naisugod sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang misis subalit namatay din makalipas lamang ng ilang minuto.

Wala namang makapagbigay ng anomang impormasyon sa nangyari at wala ring CCTV camera sa lugar na maaring makapagbigay-linaw sa pamamaril sa biktima.

Gayunmman, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


5 arestado sa buy-bust sa Maynila

$
0
0

LIMA ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kabilang ang isang lolo sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Unang naaresto ng MPD-PS 6 ang suspek na si John Ivan Monterde, 18, binata, walang trabaho, ng 704 Bldg. A. Jaime Cardinal Sin Village, Punta, Sta. Ana, Maynila dakong 10:45 Martes ng gabi.

Si Monterde ay naaresto sa New Panaderos St., Sta. Ana, kung saan narekober sa kanya ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Alas-12:30 ng madaling-araw ng Miyerkules naman nang maaresto sina Rogelio dela Rosa, 85, may-asawa, at Rogelio Miranda, 40, walang asawa, kapwa ng 1983 Kahilum II St., Pandacan; Melissa Baga, 40, ng 1188 Kahilum II; at Wendel Garcitos, 22, walang asawa, ng 1525 Labores St., Pandacan, Maynila.

Nabatid na si Dela Rosa ay dati nang naaresto sa kasong drugs at muli itong dinampot nang mahulihan ng iligal na droga sa isang buy-bust operation kasama ang iba pa.

Narekober din kay Monterde ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang sampahan ng kasong Danagerous Comprehensive Drug Act of 2002. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, todas sa kapitbahay

$
0
0

PATAY ang isang 23-anyos na miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang nang saksakin ng kapitbahay dahil sa pagwawala sa inuman sa Tondo, Manila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Abot, Jr., alyas “Boyet”, ng Bldg. 25, Unit 412, Permanent Housing, Balut, Tondo dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Habang naaresto naman sa isinagawang follow-up operation Manila Police District (MPD)-Station 1 ang suspek na si Vilmar Voluntad, 31, coordinator, ng Bldg. 21, Unit 409, Permanent Housing, Balut.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joseph Kabigting, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng kainuman sa Bldg. 25, sa Unit 410 Permament Housing, Balut.

Ayon kay Rocildo Demalata, 21, may-ari ng bahay, nag-iinuman sila kasama ang suspek sa loob ng kanilang bahay at nang maubusan ng alak ay nagtungo sa tindahan ang pinsan na si alyas “Reggie” para bumili.

Nang bumalik mula sa tindahan si Reggie ay nagsumbong kay Demalata na nagalit sa kanya ang biktima nang hindi mabigyan ng pera.

Kalaunan ay narinig na lamang nila na minumura ng biktima si Reggie na sumunod sa lugar ng kanilang inuman.

Tinangka namang sawayin ni Demalata ang biktima ngunit hindi ito kumalma. Dito na napikon si Boyer kaya pinasok ang nasabing unit kasama ang ‘di kilalang mga kaibigan.

Sinuntok sa dibdib ni Boyet ang biktima at patuloy ang pambuno nila kaya sinaway umano ni Demalata ang iba pang kaibigan ng suspek na makihalo sa away sa loob ng kaniyang bahay.

Maya-maya ay nakita niyang duguan na ang biktima habang pinipigilan ang suspek na muli siyang tarakan hanggang sa bumulagta na ito.

Tumakas na si Boyet habang sumugod naman ang ina ng biktima upang saklolohan ang anak.

Inihahanda na ang paghahain ng reklamong homicide laban sa suspek na nakapiit sa Homicide Section. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Binatilyo, durog sa trak

$
0
0

PATAY ang isang 14-anyos na lalaki matapos masagasaan ng isang 14-wheeler truck sa Tondo, Maynila kagabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jason Seseño, kung saan makikita sa kanyang tabi ang mga barya na kinita nito mula sa pagmamando ng trapiko.

Sa report ng Manila Police Traffic Bureau, dakong 9:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Road 10, malapit sa Gate ng Pier 16, Tondo, Manila.

Ayon sa salaysay ng mga kasamahan ni Seseño, nagmamando ng trapiko ang biktima nang masagasaan ng isang trak na may plakang REY-566.

Nauna umanong naipit sa gulong ng trak ang paa ang biktima subalit natumba ito hanggang sa pumailalim ang katawan nito sa truck.

Depensa naman ng truck driver na si Crisologo Tacliad, hindi niya napansin na humarang sa tagiliran ang biktima para umano pasingitin ang isang sasakyan. Nakapila umano si Tacliad papasok sa gate ng Pier 16 para kumuha ng container van.

Hindi naman pinapababa ng pulis si Tacliad upang maiwasan na kuyugin ito ng mga tao sa lugar.

Kasong kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap na kaso ang truck driver. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Senglot na nang-trip, kinatay sa restobar

$
0
0

BINATO ng baso sa mukha kaya nagalit at pinagsasaksak nito ang isang kapwa lasing habang nag-iinuman sa loob ng isang restobar kagabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang tinatayang nasa hanggang 35-anyos ang edad, 5’7 ang taas, at nakadilaw na T-shirt at itim na shorts.

Habang nakatakas naman at ngayo’y tinutugis na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Rolly Caballero, 26.

Sa report ni PO3 Joel Jasareno, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, nabatid na dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Kalix Restobar, sa 944 Ilaya St., kanto ng Padre Rada St., Tondo.

Sa imbestigasyon, kapwa nakikipag-inuman ang dalawa sa kanilang mga kaibigan sa magkahiwalay na mesa sa naturang bar.

Dahil sa kalasingan ay bigla na lamang nambato ng baso ang biktima dahilan para tamaan naman sa mukha ang suspek.

Ikinagalit ito ng suspek kaya gumanti at pinagbabato ng bote ang biktima na nauwi sa kanilang pagsusuntukan hanggang sa makarating sila sa kalsada.

Sa kainitan ng kanilang away ay biglang bumunot ng matulis na bagay ang suspek at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka mabilis na tumakas.

Dumiretso naman ang biktima sa naturang ospital upang magpagamot ngunit binawian rin ng buhay makalipas ang mahigit isang oras.

May nakapagsabi naman sa mga pulis na sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na nagpagamot ang suspek kaya’t kaagad na nagtungo roon upang arestuhin ito, ngunit hindi na nila ito naabutan nang payagan ding makauwi ng mga doktor matapos malapatan ng lunas. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lolo todas sa suntok

$
0
0

TODAS ang isang 62-anyos na lolo nang makipagsuntukan sa isang sa isang batang tricycle driver sa Paco, Maynila.

Kasalukuyang nagpapa-blotter hinggil sa insidente sa tanggapan ng Paz Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District (MPD)-Station 5, ang biktimang si Dominador Corpuz, 62, sari-sari store owner, ng 1249 Sagat St., Paco, kasama ang kanyang anak, nang bigla na lang mawalan ng malay ang biktima.

Isinugod ng mga pulis ang biktima sa Philippine General Hospital (PGH) ngunit idineklara na itong patay dakong 5:35 ng hapon.

Pinipigil naman ng pulisya para maimbestigahan ang itinuturong suspek na si Normar Salisi, alyas ‘Butchoy,’ 25, binata, tricycle driver, ng 6047 Santiago St., Paco.

Sa report ni SPO3 Richard Escarlan, ng MPD-homicide section, nabatid na bago nasawi ang biktima ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng suspek sanhi upang hamunin siya nito ng suntukan dakong 5:00 ng hapon sa harapan ng kanyang tindahan.

“Domeng, lumabas ka diyan, magsuntukan tayo!” hamon ng suspek sa biktima.

Kaagad namang lumabas ng kanyang tindahan ang biktima at nakipagsuntukan sa suspek hanggang sa bumagsak ito sa lapag.

Nakita naman ng ilang kapitbahay ang pangyayari kaya’t inawat ang pagsusuntukan ng dalawa.

Kaagad namang sinamahan ng kanyang anak na si David ang biktima sa Paz PCP upang magpa-blotter hinggil sa pangyayari ngunit pagdating doon ay bigla na lang itong nag-collapse at nasawi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rider nagulungan ng cement mixer, pisak

$
0
0

PATAY ang isang rider matapos magulungan ng cement mixer nang tangkain nitong mag-overtake kaninang madaling-araw, Oktubre 20, sa Maynila.

Inaalam pa ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang pagkakilanlan ng biktimang naka-itim na T-shirts, naka-shorts at walang helmet.

Sa report ng Manila Traffic Bureau, dakong 2:00 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa San Marcelino St., kanto ng Ayala sa Ermita, Maynila.

Hawak na rin ng pulisya ang driver ng cement mixer (NUX 633) na si Joey Fajardo, 35.

Nauna rito, binabaybay ng suspek ang nasabing lugar nang sumingit ang biktima sakay ng kanyang motorsiklong Kawasaki.

Sa lakas ng pagkakabangga, napisak ang tadyang ng rider at nasawi noon din sa pinangyarihan ng insidente.

Nakatakda naman sampahan ng kasong rekless imprudence resulting to homicide si Fajardo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Truckwash boy inutas sa pisonet

$
0
0

UTAS ang isang truckwash boy nang barilin ng ‘di nakikilalang gunman habang nasa loob ng isang pisonet sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Michael Amalio, 47, ng Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa ulo na tumagos sa likuran.

Sa report ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, sinasabing nanonood lang ng pelikula si Amalio at katabi ang live-in partner nitong si Veronica Macasing sa loob ng isang pisonet dakong 9:00 ng gabi nang biglang may dumating na apat na kalalakihan.

Kasunod nito, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Ayon naman sa mga kakilala at kapitbahay ni Amalio, mabuti itong tao at wala namang kaaway sa kanilang barangay.

Gayunman, patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


2 senior high na nagdadamo sa iskul, dakip

$
0
0

DALAWANG senior high school student ang isinuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maynila matapos silang mahuling humihtihit ng marijuana sa loob ng kanilang eskwelahan.

Nakadetine ngayon sa PDEA headquarters ang nahuling 18-anyos na estudyante habang ibinigay naman sa DSWD ang 17-anyos niyang kasama na kapwa hindi pinangalanan.

Sa affidavit ng dalawang guro, may naamoy silang marijuana na tila nanggagaling sa palikuran ng paaralan.

Ngunit wala nang tao kaya sinundan nila ang dalawang estudyanteng huling lumabas dito.

Ayon pa sa mga guro, mayroong kinuha sa medyas at itinapon ang isa sa dalawang estudyante habang papunta sila sa Office of Student Affairs (OSA).

Pagdating sa tanggapan, nakuhanan na rin ang isang estudyante ng isang stick na hinihinalang dahon ng marijuana sa kanyang gamit.

Inamin ng dalawa na gumagamit sila ng marijuana na natutunan nila mula sa kaibigan.

Nang tanungin kung paano sila nagtransaksyon, “Sa chat lang po,” sagot ng estudyante.

Mungkahi ng PDEA sa mga guro, dapat ang mga opisyal muna ng paaralan ang humawak sa kaso dahil mga estudyante at bata pa ang mga suspek.

Gayunman, iminungkahi nilang ipatawag muna ang mga magulang ng dalawang bata at kausapin kasama ng mga opsiyal ng eskwelahan. BOBBY TICZON

Vendor na natutulog sa kariton, inutas

$
0
0

PINAGBABARIL habang natutulog sa isang kariton kasama ang live-in partner ang isang 48-anyos na vendor ng riding-in-tandem kagabi sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang nasawing si Sonny Boy Lapore, ng Bagtas, Tanza, Cavite, ngunit nagsilbing tirahan nito sa Maynila ang sidewalk ng Bonifacio Dr. sa kanto ng 16th St., Brgy. 651, Port Area, Maynila.

Nakatakas naman ang dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng hindi naplakang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Maraggun, alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa sidewalk ng Bonifacio Drive.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Emily Gabiola, natutulog na sila sa isang kariton nang magising ito sa putok ng baril at nakita ang gunman na backride habang naghihintay ang kasamahan nito na mabilis tumakas.

Napag-alaman ding ang biktima ay nasangkot sa iligal na aktibidad lalo na sa iligal na droga kung saan bago ang insidente ay isang alyas “Aning” na isang drug pusher ang kanyang nakaaway hinggil sa kanilang iligal na aktibidad.

Sinabi rin ni Gabiola na nakatanggap din ng pagbabanta ang kanyang kinakasama.

Ayon sa pulisya, posibleng ang motibo sa pamamaslang ay may kinalaman sa illegal-drug activities at ang pag-aaway ng biktima at ni alyas Aning.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya habang patuloy itong iniimbestigahan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Drayber todas sa binirong kapitbahay

$
0
0

NAPIKON umano sa biruan kaya sinaksak ng kapitbahay ang isang 54-anyos na driver sa Malate, Maynila.

Namatay habang isinusugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Benjamin Velasco, ng 2240 F Muñoz St., Singalong, Malate, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Federico Dinglasan, 33, ng nasabi ring lugar na ngayo’y pinaghahanap ng pulisya.

Sa ulat ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa tirahan ng biktima.

Nauna rito, biniro ng biktima ang suspek kaya dinamdam nito gayunman, umalis na lamang ang huli ngunit bumalik din kalaunan.

Sa pagbalik ng suspek ay kinompronta nito ang biktima hanggang sa walang sabi-sabi itong inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas.

Agad namang isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan pero hindi na rin naisalba pa.

Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Martilyo gang umatake sa Harizon Plaza, P1M alahas tangay

$
0
0

MULING umatake ang Martilyo gang sa isang kilalang mall at nanlimas ng milyong halaga ng alahas sa Harrizon Plaza, Mabini, Maynila.

Tinatayang aabot sa mahigit P1-milyon ang natangay ng tatlo hanggang limang kalalakihan na mga naka-jacket at maskara.

Ayon sa security officer na si Janes Asula, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng Harrizon Plaza kung saan minartilyo ng tatlong kalalakihan ang stall ng Gold Buyers.

Sa kuha ng CCTV, nakitang tinutukan ng kalibre .45 ng tatlong hindi nakilalang lalaki ang dalawang empleyado ng jewelry store bago tuluyang binasag ang mga salamin na pinaglalagyan ng mga gintong alahas.

Napag-alaman din na sa SM Ace hardware binili ng mga suspek ang martilyo at agad na nagtungo sa stall ng Gold Buyers.

Wala namang nagawa ang mga staff nito kundi yumuko at magtago sa ilalim ng kabinet.

Nang malimas ang mga alahas ay mabilis na tumakas ang mga suspek at dumaan sa exit kung saan dito naman tinutukan ang dalawang nakaposteng guwardiya na sina SG Ven Que at SG Maybeline de Guzman kaya hindi na nagawa pang maharang ang mga papatakas na mga suspek.

Pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlong motorsiklo ang ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.

Tinawag na rin ang dalawang guwardiya na natutukan ng mga suspek upang mahingan ng salaysay sa insidente.

Inaalam na rin kung may naganap na inside job dahil nakapasok ang baril na ginamit sa panunutok ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rerouting sa Undas

$
0
0

NAGLABAS na ng rerouting scheme at traffic plan ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Maynila upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko, kasabay na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo ngayong Undas.

Sa Oplan Kaluluwa 2017 traffic advisory, sinabi ng MDTEU na simula 12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 31, lahat ng gate ng sementeryo sa lungsod ay sarado na sa mga pribadong sasakyan.

Ayon pa sa MDTEU, isasara rin ang mga kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery mula 12:00 ng madaling-araw ng Nobyembre 1 hanggang 5:00 ng madaling-araw ng Nobyembre 2, na kinabibilangan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang St. hanggang Rizal Avenue; Dimasalang St. mula Makiling hanggang Blumentritt St.; Guevarra mula Cavite St. hanggang Pampanga St.; Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra St.; Retiro St. mula Dimasalang hanggang Blumentritt Extension; at Leonor Rivera St. mula Cavite hanggang Aurora Blvd.

Maaari namang gamiting paradahan ang kalsada ng Craig, Simon, F. Huertas, Sulu, Oroquieta, at Metrica.

Kasabay nito, magpapatupad rin ng traffic rerouting ang MDTEU para sa mga sasakyan, particular na sa mga pampasaherong jeepney, na patungo sa Manila North Cemetery.

Ang mga behikulong mula Rizal Avenue/Blumentritt ay maaaring dumaan sa Cavite, kanan ng L. Rivera o Isagani, at kanan ng Antipolo Street patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga mula naman sa Amoranto Street, Quezon City, ay maaaring kumanan sa Calavite at sa Bonifacio St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyang mula sa Dimasalang ay dapat na kumanan ng Makiling, kanan ng Maceda, diretso sa Ma. Clara o España, patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan namang patungo sa La Loma at Chinese Cemeteries, mula sa España ay dapat na dumaan sa AH Lacson, Tayuman, Blumentritt mula Cavite hanggang Aurora Blvd. patungo sa Rizal Avenue o Jose Abad Santos.

Ang mga sasakyang mula naman sa Quiapo, Sta. Cruz, Tondo, at Caloocan ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos o Rizal Avenue Extension.

Magsisilbi namang parking areas ang Oroquieta, Bulacan, M. Hizon, F. Huertas, Tecson, Kalimbas, P. Guevarra, Sulu, at Natividad Streets.

Kaugnay nito, iniulat ni Manila Police District (MPD) Director P/C Supt. Joel Napoleon Coronel na may kabuuang 1,600 pulis ang itinalaga nila para magbantay sa mga sementeryo sa Maynila sa paggunita ng Undas, alinsunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ang naturang mga pulis ay nagsimula na aniyang magbantay sa mga sementeryo simula pa nitong Oktubre 28 at magtatagal hanggang Nobyembre 2.

Nabatid na 750 sa mga naturang pulis ang nakatalaga sa apat na malalaking sementeryo sa lungsod kabilang ang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, La Loma Catholic Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Manila South Cemetery.

Dodoblehin naman ang naturang bilang ng mga pulis sa Nobyembre 1, sa pagdagsa ng mga taong magtutungo sa sementeryo.

Hindi pa aniya kasama dito ang 300 pang pulis na magbabantay naman sa mga transport terminals sa lungsod tulad sa Sta. Cruz, Sampaloc, Ermita, Lawton, at Malate.

Nilinaw naman ni Coronel na wala naman silang namo-monitor na kahit anong security threats sa Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 kilabot na holdaper, timbog sa Maynila

$
0
0

ARESTADO ang dalawang kilalang kilabot na holdaper matapos mabuking sa tangkang panloloob sa Tondo, Maynila.

Napigilan ang tangkang panloloob sa isang establisyemento ng dalawang kilabot na holdaper na pumapatay pa umano ng nabibiktima nang maaresto sila sa pamamagitan ng tip sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Manila based at Manila Police District-Station 1, sa Tondo, Maynila, kaninang tanghali.

Kinilala ni C/Insp. Wilfredo V. Sy, hepe ng Manila CIDG-Manila, ang mga suspek na sina Cesar delos Santos, Jr., 26, ng Lico st., Tondo, Maynila, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, at Jaime Tibor, 27, ng 1251 Tambunting St., Sta. Cruz, Maynila na miyembro naman ng Batang City Jail.

Alas-12:45 kanina nang maaresto ang dalawa sa Honorio Lopez Bridge, Balut, Tondo ng mga tauhan ng CIDG at ng MPD-Station 1 habang naghihintay umano ng timing para sa planong panloloob sa isang ‘di pa tukoy na establisyimento.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG sa Maynila sa plano ng mga suspek kaya agad na isinagawa ang survellaince at monitoring sa lugar sa pamumuno ni S/Insp. Reynaldo Martin ng CIDG at mga tauhan ng MPD-Station 1.

Hindi naman nakapalag ang mga suspek nang makita ang mga awtoridad kung saan nakuha rin sa kanila ang dalawang Smith and Wesson caliber .38 na kargado ng mga bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

25 pamilya, nasunugan sa Maynila

$
0
0

SA kabila nang maulang panahon ay natupok pa rin ang ilang kabahayan nang sumiklab ang sunog kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, alas-10:17 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Ma. Cristina St., Brgy. 455 ng nasabi ring lugar at idineklarang fireout ganap na alas-12:03 Huwebes ng madaling-araw.

Naapektuhan at nawalan ng titahan ang nasa 25 pamilya at 128 indibidwal.

Samantala, inatasan na ni Manila Mayor Joseph Estrada si Manila Department of Social Welfare and Development (MDSWD) Chief Nanet Tayag na pagkalooban ng tulong ang mga nabiktima ng sunog.

Pansamantala namang nanunuluyan ngayon ang mga nasunugan sa evacuation center.

“We will ensure that they are given food so until such time they can recover and start their lives again. We will ensure that there are no diseases…that no one will get sick. We have to ensure that the children can go back to school on the next semester,” pagtitiyak ni Tanyag.

Dagdag pa nito, nakatakda na ring mamahagi ng construction materials ang loka na pamahalaan upang maibalik ang mga nasunog na bahay ng mga residente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Partners-in-crime: Mag-ina timbog sa pagnanakaw

$
0
0

ARESTADO ang isang lola at anak nito nang ireklamo ng pagnanakaw ng mahigit milyong halaga ng alahas at pera ng kanilang among negosyante sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ni C/Insp. Eduardo Pama, hepe ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District, ang mag-inang sina Antonina Mercad, alyas “Nini”, 38, dalagang ina, may dalawang anak at stay-in housemaid sa 3581 Dupil St., P. Sanchez, Sta. Mesa, Maynila, at Emelita Mercado, 70, “Lita”, biyuda, at kasambahay din sa nasabing address.

Nauna rito, dumulog sa pulisya ang complainant na si Susan Bueno, 58, upang ireklamo ang kanyang mga kasambahay matapos matuklasan ang panloloob sa kanyang pribadong silid gamit ang duplicate key at pagtangay sa iba’t-ibang uri ng alahas, relos na umabot sa P1,260,000 at cash na humigit-kumulang P20,000.

Sa salaysay ni Buena, alas-2:00 ng hapon nitong nakalipas na Nobyembre 2 ay biglaan siyang umuwi ng bahay mula sa Greenhills, San Juan at nasurpresa nang madatnang hindi na naka-lock ang silid niya at nasa loob ang kasambahay na si Nini, gayung siya lamang ang may hawak ng nag-iisang susi.

Nabigla naman si Nini at bigla itong napahagulgol na ipinagtaka naman ng kanyang amo hanggang sa ipinagtapat na ang ginawang pagnanakaw sa maraming pagkakataon kung saan ang huli ay itinuro pa nito na nakaipit sa kanyang mga damit.

Dito na rin ibinulgar ni Nini na ang kanyang ina na si Lita ang may pakana sa susi na ginagamit sa pagnanakaw sa silid ng kanilang amo na pinaniniwalaang ipinakopya ang orihinal na susi ng biktima.

Sinabi ng biktima na walang ibang taong nakatira sa kanyang bahay bukod sa mag-inang suspek at anak ni Nini na dalawang menor-de-edad.

Sobrang tiwala umano ang ibinigay niya sa mga suspek dahil kinupkop niya ang buong pamilya nito na hindi akalaing mga bantay-salakay pala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

RIT umatake, trike driver todas

$
0
0

TODAS matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang 19-anyos na tricycle driver habang nakaupo sa harap ng isang establisimyento sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jomar Casila, 19, tricycle driver,ng 443 Camia St., Tondo bunsod nang dalawang tama ng bala sa dibdib at braso.

Inaalam naman ang pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan ng Minitel sa 14 Gumamela St., Road 10, Tondo.

Sa imbestigasypn, nakaupo sa harap ng naturang establisimyento ang biktima nang hintuan siya ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Agad na bumaba ang backride at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang isang kalibre .9mm na baril.

Nang makitang duguan ang biktima ay agad nang sumakay sa motorsiklo ang backride saka tumakas.

Naisugod pa ng kanyang kapatid na lalaki sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

No. 1 most-wanted sa Tondo, tiklo

$
0
0

ARESTADO ang isang tinaguriang no. 1 most-wanted person sa Tondo matapos na maisilbi ang tatlong standing warrant of arrest sa kanyang bahay sa Pandi, Bulacan.

Maliban sa pagkakaaresto, nakumpiskahan pa ng granada at ‘wig’ na ginagamit na pang ‘disguise’ si Mario del Rosario, Jr., alyas “Poklat”.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na naglalagi ang suspek sa kanyang bahay sa Blk. 95 Lot 36 Padre Pio Cacarong, Pandi, Bulacan kaya ikinasa ang operasyon sa pangunguna ni S/Insp. Michael Rey Bernardino.

Nagsagawa muna ng ilang oras na surveillance ang mga pulis kung saan dakong 12:30 ng hapon nang dumating ang isang Toyota RAV 4 (WNH 661) kung saan bumaba si Poklat.

Tinangka pa umano ni Poklat na tumakas pero nakorner din siya ng mga pulis at naisilbi ang tatlong warrant of arrest sa kasong murder at robbery sa Manila RTC at sa Lucena City RTC.

Nasa kustodiya na ng MPD-Police Station 1,ang suspek at nakatakdang ilipat sa Manila City Jail (MCJ). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

P14.88B budget ng Maynila sa 2018, aprubado na

$
0
0

APRUBADO na ang taunang pondo ng lungsod para sa 2018.

Sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Sangguniang Panglungsod ,ipinasa ang Ordinance No. 8530 na naglalaan ng P14,880,000,000 bilang Executive Budget ng lungsod ng Maynila sa darating na 2018.

Isinalarawan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang naturang alokasyon bilang “people’s budget” dahil malaking bahagi aniya nito ay para sa pagpapatupad ng iba’t ibang health at social welfare programs para sa mahihirap na Manilenyo.

Ayon kay 1st District Councilor Ernesto Dionisio, chairman ng committee on appropriations, naging madali at mabilis ang pag-aapruba ng naturang budget ordinance.

“Mayor Erap calls it the ‘people’s budget’ because it will support basically his economic projects for the people of the City of Manila,” pahayag ni Dionisio sa isang panayam.

“And if not for the October 31 holiday, we could have enacted it sooner,” dagdag pa niya.

Aniya, malaki ang inalaan sa social welfare at poverty alleviation programs at sa engineering, kabilang na ang pagpapagawa ng iba’t ibang proyektong imprastraktura tulad ng road and drainage repairs and construction, at paglalagay ng street lights sa mga komunidad.

Matapos lagdaan ni Estrada, ipapalabas sa mga diyaryo ang nasabing budget ordinance bago ipasa sa Department of Budget and Management (DBM) kasama pa ng iba pang mga dokumento, paliwanag ni Dionisio.

Mula sa P14.88-billion budget, ang social services ang nakakuha ng malaki – P5.82 bilyon. Kabilang dito ang Manila Health Department (MHD), Department of Public Services, at Department of Social Welfare, at ang anim na public hospitals sa lungsod.

Ang MHD ang nakakuha ng pinakamalaking budget na P1.03-bilyon. Nitong taon ay sinimulan nito ang pamamahagi ng libreng maintenance medicines sa mga senior citizens at iba pang kwalipikadong benipisaryo base na rin sa direktiba ni Estrada.

Ang general services naman na kinabibilangan ng Office of the Mayor at iba pang departamento sa city hall, ay nakakuha ng P3.06-bilyon at ang economic services, P2.11-bilyon.

Umabot naman sa P1.90-bilyon ang pondong nilaan para sa Department of Engineering and Public Works na kasama sa economic services sector.

Habang P440-milyon at P285-milyon naman ang nilaan para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM).

Malaking pondo rin ang inilaan sa mga pangunahing programa ng administrasyong Estrada, kabilang na ang hospital modernization (P100-milyon), public market renovation (P50-milyon), street lights (P300-milyon), at PhilHealth Para sa Masa, P200-milyon.

Naglaan din ng P50-milyon para sa city computerization program, kabilang na ang “E-permit” project na magpapabilis ng proseso ng aplikasyon ng business permit at lisensya.

Samantala, P10-milyon naman ang nilaan sa scholarship program ng lokal na pamahalaan at P50-milyon para sa feeding program ng mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Vendor mula Marawi, itinumba sa Maynila

$
0
0

ISANG 23-anyos na vendor mula pa sa Marawi City ang patay nang barilin ng hindi nakilalang gunman sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Abdulfarta Cabugatan, ng 15th St., Port Area, Maynila na agad binawian ng buhay dahil sa anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nakatakas naman ang suspek matapos maisagawa ang krimen.

Sa report ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Zaragosa at Delpan St., Tondo kung saan nakita pa ang biktima na tumatakbo habang hinahabol ng suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar ay nakabuwelo ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Golden Mosque sa Quiapo para sa tradisyunal na paglilibing sa isang muslim.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para alamin ang motibo ng suspek sa pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>