Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

5 tigok sa buy-bust ops sa Maynila

$
0
0

TIGOK ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga namatay na sina Lexter Montaniel, Edgardo Española, Godfrey Gutierrez, Rolly Mangilin at isang alyas “Boy” na siyang target ng operasyon.

Ayon kay S/Insp. Ana Lourence Simbajon ng Sta Cruz Police Station, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa target na si alyas ‘Boy’ sa Elias St., pasado alas-8:00 ng gabi ng Miyerkules.

Nang magkaabutan ng shabu at buy-bust money ay nakatunog daw ang suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Napilitan namang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

Itinakbo pa sa ospital ang mga suspek, pero binawian rin ng buhay.

Narekober sa crime scene ang limang cal. 38 na revolver at ilang sachet ng hinihinalamg shabu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa nasabing insidente. JOHNNY ARASGA


5 dedbol sa buy-bust

$
0
0

BUMULAGTA ang limang na hinihinalang tulak ng iligal na droga nang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, unang napatay sa operasyon sina Norman Anyaya, edad 25-30, at Vicente Bartolome, edad 50-55, kapwa ng 1541 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila ganap na alas-8:15 Huwebes ng gabi sa kahabaan ng riles ng tren ng PNR sa may Hermosa St., Tondo.

Alas-9:50 naman ng gabi nang makipagbarilan sa awtoridad si Roderick Cailao, 38, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng 3479 Int. 14, Paltoc St., Brgy. 426 Zone 43, Sampaloc.

Habang alas-2:45 ng madaling-araw ng Biyernes nang manlaban din sa operasyon sina Edmel Santiago, alyas Hapon, 34, ng 2083 San Roque St., Sta. Ana, Maynila; at Joey Santos, 30-35, nakatira sa nasabi ring lugar.

Narekober sa mga napatay ang ilang kalibre .38 na baril, .45 kalibre, at ilang sachet ng hinihinalang shabu at paraphernalias, gayundin ang ilang pera. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mag-ama todas sa sunog sa Maynila

$
0
0

SA banyo na natagpuan ang mag-ama na namatay sa naganap na sunog sa Malate, Maynila.

Kinilala ang mag-amang sina Abelardo Salonga, 79, at kanyang anak na si Jimmy, 47, nang makulong sa makapal na usok at apoy sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Adriatico St., Malate.

Ayon kay Manila Fire District Marshall Supt. Antonio Razal, Jr., dakong 3:53 kahapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa bahay nina Bobby Fernandez at Misael Damposanan sa 2142-52 Camia St., Adriatico, Malate, at kaagad na kumalat sa mga katabing bahay na gawa lamang sa mga light material.

Dahil mabilis na kumalat ang apoy at makapal na usok hindi na nagawang makalabas pa ng bahay ang mag-ama kaya minabuting pumasok sa banyo sa pag-aakalang ligtas sila.

Sa pagtaya ni Razal, aabot sa 125 bahay na tinutuluyan ng may 250 pamilya, ang tinupok ng apoy.

Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa makikitid na kalsada kaya tumagal ang sunog nang halos walong oras bago ito tuluyang napatay.

Tinatayang aabot sa may P2.7-milyong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng naturang sunog.

Samantala, dakong 3:09 naman ng hapon nang sumiklab ang sunog sa temporary housing site sa Vitas, Tondo, kung saan may 500 pamilya ang nawalan ng tahanan sa pitong oras na sunog.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng Building 28 at umabot ng ikalimang alarma, bago tuluyang naapula dakong 10:46 ng gabi at tinatayang tumupok sa may P3-milyong halaga ng mga ari-arian.

Kapwa iligal na koneksyon ng kuryente ang tinitingnang dahilan ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Snatcher, huli sa Maynila

$
0
0

ARESTADO sa pamamagitan ng ilang miyembro ng Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO) ang isang snatcher matapos nitong manghablot ng cellphone sa Ermita, Maynila.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang suspek na si Chito Brioso, 32, ng Brgy. 825 Quirino Ave., Paco, Maynila dahil sa reklamo ni Maryann Oñas, 32, housekeeper, ng 2172 Fidel A. Reyes St., Brgy. 709 Zone 78, Malate, Maynila.

Sa report ni C/Insp. Emler Pineda, OIC Station Commander ng MPD-Station 5, dakong 10:50 ng umaga, habang nakasakay si Oñas, sa pambulikong jeep at pagsapit sa UN Ave., Ermita, Maynila, nang biglang lumitaw ang suspek sa bintana ng jeep at hinatak ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P6,000 saka tumakas.

Napansin ng ilan miyembro ng MTRO ang komosyon at nakita ang pagtakbo ng suspek kaya nila ito hinabol na nagresulta sa pagkakaaresto sa suaspek.

Agad na dinala ng mga nakahuling miyembro ng MTRO si Brioso sa Lawton Police Community Precinct (PCP), at narekober ang nakuhang cellphone.

Nahaharap sa kasong robbery snatching ang suspek, na kasalukuyang nakadetine. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Magka-live-in, 2 pa timbog sa droga

$
0
0

APAT na katao kabilang ang magka-live-in na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling-araw.

Sina Albert Rivera, 48, traysikel drayber, ng 1164 Quintos St., Sampaloc, Maynila, at Allan Verder, 42, pest exterminator, ng 1568 Loreto St., Sampaloc, ay unang naaresto dakong 12:30 ng madaling-araw, sa Loreto St., Sampaloc.

Alas-12:40 ng madaling-araw naman nang maaresto sa Algeciras St. kanto ng Simoun St., Sampaloc ang magka-live-in na sina Romeo Marquez, 67, at Veronica Blatong, 34, pawang taga-1588 Algeciras St., Sampaloc.

Ayon kay Supt. Aquino Olivar, Station Commander ng MPD-Station 4, nagsasagawa ng Anti-Narcotics Operation ang Station Drug Enforcement Team (SDET) sa mga nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakuha ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu kina Rivera at Verder, habang tatlong sachet naman ang nakuha kina Marquez at Blatong.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga nahuling suspek, na kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-PS4. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Residential area sa Maynila, nilamon ng apoy

$
0
0

NATUPOK ng apoy ang isang residential area na ikinadamay din ng dalawang gusali at kaninang umaga sa San Andres, Maynila.

Ayon kay Manila Fire District Marshall Supt. Antonio Razal, Jr. nagsimulang sumiklab ang sunog dakong 8:07 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ni Selpa Garcia sa 1858 Estrada St., San Andres Bukid, Manila.

Gawa umano sa light materials ang mga kabahayan sa lugar kaya agad itong inakyat sa ikatlong alarma, at idineklarang fireout dakong 9:14 ng umaga.

Umabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng nasunog na ari-arian at wala namang naiulat na nasugatan sa 15 bahay na nilamon ng apoy.

Ayon sa mga imbestigador ng Arson, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, nagpadala naman si Manila Mayor Joseph ng relief workers upang tulungan ang mga nasunugan.

Partikular na inatasan ni Estrada ang Manila Department of Social Welare (MDSW) na maghanda ng mga pagkain at pangangailangan ng mga apektadong pamilya. JOCELYN TABANGCURA- DOMENDEN

15 tutulog-tulog na pulis-Maynila, sinibak

$
0
0

SINIBAK sa puwesto ang 15 pulis nang mahuling natutulog sa Gagalangin Police Community Precinct (PCP) sa Tondo, Maynila.

Epektibo ngayong araw ang relieve order sa mga pulis na nakilalang sina PCP Commander P/S Insp. Anthony Co, PO3 Nelson DG. Geronimo, PO3 Avelino T. Guibao, Jr., PO3 Geronimo M. Ramo, PO2 Carlito V. dela Cruz, PO1 Percival F. Doroja, PO1 Aladin P. Arguelles, PO1 Arnold S. Regala, PO1 Cathlyn C. Cauan, PO1 Joe Ronie A. Obillo, PO1 Romeo M. Balagtas, Jr., PO1 Carlo L. Farmis, PO1 Janette G. Banatao, PO1 Leo Dave A. Legaspi, at PO1 Beatriz R. Danguilan.

Ani Albayalde, dumulog sa NCRPO si John (hindi tunay na pangalan) matapos na hindi ito tulungan ng mga nasabing pulis, nang magpunta siya sa Gagalangin-PCP upang ireklamo ang tinangay niyang motorsiklo.

Sa halip umanong tugunan ng mga pulis ang reklamo patungkol sa ninakaw na motor ay pinagalitan pa raw siya ng mga natutulog na pulis kaya’t imbes na magpa-blotter ay kinuhanan niya na lamang ng litrato ang mga natutulog na pulis at inireklamo ang mga ito sa NCRPO.

Naka-assign sa night shift ng Gagalangin-PCP ang 15 pulis na sinibak sa puwesto at sasailalim sila sa retraining at naka-floating ang status nila ngayon sa NCRPO habang iniimbestigahan ang kaso.

Ayon sa Manila Police District (MPD) na nakasasakop sa Gagalangin PCP, magkakaroon ng panibagong balasahan sa kanilang mga istasyon bunsod ng insidente.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga nasibak na pulis kaugnay ng insidente, ayon sa NCRPO. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Biyuda nabiktima ng budol-budol

$
0
0

NATANGAYAN ng P500,000 ang isang biyuda ng miyembro ng Budol-Budol Gang sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni P/C Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang biktimang si Tessie Tuba, 53, ng 456-1 Romero Salas St., Ermita, Maynila.

Limang lalaki naman ang inireklamo ng ginang na siyang nanggoyo at tumangay aniya ng kanyang pera.

Napag-alamang dakong 12:05 ng madaling-araw, kumatok sa bahay ng biktima ang anim na suspek, at nagpanggap na ‘buyer’ ng ibinibentang resort sa Batangas.

Ayon kay Tuba, dakong 10:00 ng umaga nang mag-alok ang mga suspek na makisosyo sa kanilang bibilhing bulto ng produkto kung saan kikita umano ng P100,000 ang biktima.

Sanhi ng baon sa utang at kailangan ng dagdag na panustos, napapayag ang biktima na makipagsosyo sa kanila.

Iniwan umano ng mga suspek sa bahay ng biktima ang dala nilang pera at sinabing babalikan sa kanilang bahay sa sandaling mai-withraw na ang pera ng biktima.

Gayunman, nang maiabot na ng biktima ang pera sa mga suspek, kaagad na nagpaalam ang mga ito at nagdahilang hahabulin pa nila ang bilihan ng produkto at babalik na lamang sa bahay ng biktima para ibigay ang tubo.

Pumayag naman ang biktima sa pag-aakalang tunay na pera ang iniwan ng mga suspek pero laking panlulumo ng biktima nang buksan ang iniwang bag ng mga suspek dahil ginupit na diyaryo lamang ang laman nito.

Nagpunta si Tuba sa MPD-GAIS upang ireklamo ang pangyayari at mahanap ang anim na suspek, na ayon sa kanya ay makikilala niya kung muling makikita. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Mag-ina tusta sa sunog

$
0
0

NATUSTA nang buhay ang isang mag-ina nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mag-inang sina Venus Liqid, 35, at tatlong-taong gulang na anak na babae na si Althea Michelline Mae, ng Varona St., Tondo.

Ayon kay S/Insp. Reden Alumno, hepe ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 Miyerkules ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Herminia Hipolito.

Sa imbestigasyon, lumalabas na natutulog ang mag-ina nang maganap ang sunog kung saan natagpuan sila sa ikalawang palapag.

Mabilis namang kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay kaya inakyat sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fireout dakong alas-5:41 ng hapon.

Maliit umano ang mga eskinita sa lugar kaya nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang mga kabahayang nilalamon ng apoy.

Halos binalot ng maitim na usok ang pitong magkakadikit na barong-barong kaya agad na inakyat sa ikalawang alarma ang sunog.

Hinihinalang iligal na linya ng kuryente naman ang pinagmulan ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Namatay sa sunod sa Binondo Terrace, kilala na

$
0
0

KINILALA na ang namatay sa sunog na naganap sa isang 12-storey commercial residential building sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Pacita Saw, 78, nakatira sa room 204 Binondo Terrace condominium sa 842 Alvarado St., ng nasabing lugar.

Sa naunang ulat, nagsimula ang sunog sa ika-walong palapag kung saan maraming Filipino-Chinese ang naninirahan sa nasabing gusali pasado alas-11:00 ng umaga.

Ayon sa building administrator na si Noel Gintalan, nasa 5,000 ang nakatira sa gusali at marami ang na-trap, gayunman isa-isa ring nailabas ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinasabi namang naiwang niluluto ang sanhi ng sunog sa nasabing gusali. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pusher patay sa buy-bust ops

$
0
0

PATAY ang isang 28-anyos na lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang manlaban sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Manila kagabi.

Kinilala ni MPD Dir. P/C Supt. Joel Napoleon Coronel ang napatay na suspek na si Gerlito Daculapas, alyas ‘Negro,’ binata, walang hanapbuhay, ng 1697 LRC Compound, Claro M. Recto Ave., Sta. Cruz.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng MPD- homicide section, dakong 8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Station 3, matapos na matukoy ang iligal na aktibidad ni alyas ‘Negro’ sa loob ng LRC Compound.

Isang pulis ang naging poseur buyer ngunit habang nag-aabutan ng kontrabando at marked money ay nabangga umano si ‘Negro’ sa baywang ng kanyang kustomer at nakapa ang baril nito.

Dito na umano nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon at sinabing “Pu….ina mo, pulis ka!” sabay bunot ng baril at pinaputukan ang poseur buyer.

Nakaiwas naman ang pulis na hindi na nag-aksaya ng panahon at kaagad na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay nito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver at dalawang plastic sachet ng shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pinagtaksilan, tricycle driver nagbigti

$
0
0

ISANG tricycle driver ang nagbigti matapos umanong matuklasang may karelasyong iba ang kanyang kinakasama sa loob ng isang barung-barong sa Port Area, Maynila.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director P/C Supt. Joel Napoleon Coronel ang biktimang si Robert Clasara, 24, tricycle driver, ng Brgy. 356, District 3, Sta. Cruz, Maynila.

Sa report ni PO2 Aldeen Legaspi, imbestigador ng MPD-homicide section, nabatid na dakong 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng isang barung-barong sa Blk. 9 Extn., Baseco Compound, Port Area.

Nauna rito, natuklasan umano ng biktima na ang kanyang live-in partner na si Analyn Cabilyo, ay may relasyon sa ibang lalaki na kilala sa pangalang ‘Buboy.’

Nabatid na bago nagpakamatay ang biktima ay balisa ito kaya nagpasya si Cabilyo na umalis na lamang ng bahay at nagtungo sa bahay ni Buboy.

Dakong 4:30 ng hapon ay inihatid pa umano ni Buboy si Cabilyo pauwi ngunit laking pagkagulat nito nang madiskubreng patay na ang biktima at nakabigti sa kisame gamit ang isang kadena.

Si Buboy mismo ang nagbaba kay Clasara sa pagkakabigti at kaagad nilang ini-report ang insidente sa barangay, na siya namang nagsumbong nito sa Baseco Police Community Precinct (PCP).

Ayon sa pulisya, posible namang walang foul play ang insidente dahil batay sa salaysay ng testigong si Michelle Viana, na dakong 4:00 ng hapon ay nakita niya ang biktima na may kausap na isang ‘di kilalang babae at nagsasabi umano ito na nais na niyang magpakamatay.

Gayunman, patuloy pa rin umano nilang iniimbestigahan ang pangyayari. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot natagpuang patay sa bangketa

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki sa bangketa sa Sta. Cruz, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktimang si Alex Palomino, 49, ng 2160 Oroquieta St., Sta. Cruz.

Alas-7:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa bangketa ng Batangas St., kanto ng Oroquieta St. sa Sta. Cruz.

Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na si Armando, 44, huli niyang nakitang buhay ang kapatid dakong 6:00 ng gabi habang natutulog sa naturang lugar.

Nagulat na lang umano siya nang ibalita sa kanya ng kapitbahay na si Lyn Morales na natagpuan nilang patay na ang biktima kaya’t ini-report ito sa pulisya.

Naniniwala naman ang pamilya Palomino na walang foul play sa insidente dahil matagal na anilang labas-masok ang biktima sa pagamutan dahil sa dinaranas na sakit na tuberculosis. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ginang pinatay ang hipag, timbog

$
0
0

ARESTADO ang isang ginang habang pinaghahanap naman ang kanyang mister na itinurong mga suspek sa pagpatay sa kanyang hipag noong Linggo ng gabi sa may Baseco Cmpd., Port Area, Maynila.

Nakakulong na ngayon sa MPD-Homicide detencion jail ang suspek na si Gelma Patasamong, 43, ng Blk. 15, Baseco Cmpd. Port Area, Manila.

Patuloy namang pinaghahanap ang asawa nitong si Benito Sedoncillo, 50, tiles setter, na tumakas matapos mapatay ang kanyang hipag na si Gina Sedoncillo, 32, nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale ng MPD-homicide section, nagtalo umano si Benito at Gina na humantong sa pananaksak ng una at kinakasama nitong si Patasamong.

Iginiit naman ni Patasamong na hindi siya ang pumatay sa biktima dahil umawat lamang siya nang tangkain ni Gina na kalmutin ang kanyang mister.

Sinabi nitong pumagitna lamang ito sa dalawa at paglingon umano nito ay umalis ang kanyang asawa at tumakbo naman ang babae.

Ayon pa kay Patasamong, nag-inuman ang suspek at kaibigan nito at inakala umano niyang natutulog na ang asawa at nang hanapin ay narinig niya na may nagtatalong babae na kaboses ng kanyang mister kaya pinuntahan niya at inawat.

Sinabi ni Patasamong na bago niya naging asawa si Benito ay naging asawa muna ito ng nanay ng biktima at nagkaroon sila ng dalawang anak. Gusto umano ng biktima na bigyan ng sustento ni Benito ang kanyang mga anak na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananaksak ng suspek.

Nakatakda naman sampahan ng kasong homicide sa Manila Prosecutor Office si Patasamong at ang kanyang mister. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sunog sa Paco: 30 stay-in workers ng Supermarket, ligtas

$
0
0

NASA 30 stay-in na empleyado ng isang supermarket ang nailigtas sa naganap na sunog kaninang umaga sa Paco, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Maynila, nagsimula ang sunog alas-5:39 ng umaga sa may storage room sa ikalawang palapag ng 4-storey building ng Cligan Supermarket kung saan may nakatambak na mga alak.

Nasugatan naman sa naturang sunog ang bumberong si
FO3 Marlon Podolig na nagtamo ng first-degree burn sa ilong.

Tumagal ang sunog nang apat na oras bago nakontrol alas-10:30 ng umaga dahil s malaking apoy at makapal na usok.

Samantala, agad namang inalerto ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang emergency units ng lungsod upang sumaklolo sa nagaganap na sunog.

Isinara rin ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang kahabaan ng Angel Linao St., mula Pedro Gil hanggang Nakpil kung saan nagpadala si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Alcoreza ng mga traffic enforcer sa lugar upang asistihan ang mga motorista.

Una nang sinabi ni Estrada na iuutos niyang muli ang pag-iinspekyon sa mga medium at high-rise na mga gusali sa lungsod upang matiyak na sila ay sumusunod sa fire safety regulations.

Bunsod ito ng sunog na tumama sa 12-palapag na Binondo Terrace condominium sa Binondo nitong Setyembre 7 na ikinasawi ng isang residente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Binatilyo naputol ang paa sa tren

$
0
0

PUTOL ang paa ng isang 15-anyos na estudyante nang masagasan ng tren ng Philippine National Railway (PNR) kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si John Genesis Munsayac, nag-aaral sa TESDA accredited school sa may Pritil, Tondo.

Sa inisyal na ulat, papasok ang biktima sa naturang paaralan nang maisipang dumaan sa riles ng tren.

Ayon sa ilang residente sa lugar, naka-earphones ang biktima kaya posibleng hindi nito narinig ang busina ng tren.

Dahil dito, nakaladkad pa nang may 150 metro ang biktima na nagresulta para maputol ang kaliwa niyang paa sa kahabaan ng Antipolo St., Sampaloc, Maynila.

Patungong Tutuban ang tren ng PNR nang mangyari ang insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mekaniko todas sa tandem, 1 pa sugatan

$
0
0

ISA ang patay habang nadamay naman ang isa pa nang barilin ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo ang isang mekaniko sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Ervee Bugarin, 37, ng 1093 Leyte St., Sampaloc, Maynila matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Ginagamot naman sa Ospital ng Maynila si Edrecil Reyes Diazon, 26, ng 1850 G. Tuazon St., Sampaloc sanhi ng tama ng ligaw na balan

Nakatakas naman ang mga suspek na ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang kanilang pagkakakilanlan.

Sa ulat ni SPO3 Richard Escarlan ng Manila Police District Homicide Section, dkaong 3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng Exreme works sa G. Tuazon cor. Mindoro St., Sampaloc Maynila.

Nabatid na abalang gumagawa ng motorsiklo ang biktima sa pinangyarihan habang katabi si Edrecil nang sumulpot ang hindi nakilalang salarin at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Kasunod nito, ilang concern citizen ang nagtakbo kay Edrecil na ngayo’y nilalapatan ng lunas.

Gayunman, patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Stude nahulog mula 20th flr., lasog-lasog

$
0
0

NAGKALASOG-LASOG ang katawan at naputol pa ang kanang kamay ng isang estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde matapos mahulog mula sa ika-20 palapag ng isang condominium kaninang Biyernes ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Javier Villareal, 20, huling nanunuluyan sa Unit 3829 Manila Residences Tower II sa 2310 Taft Ave., Malate, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Charles John Duran, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa ika-20 palapag ng Unit 2041 ng nasabing condominium.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan nito nang maisipang magtungo sa balcony ng Unit 2014 na sinundan naman nina Jeremiah Dave San Juan at Ann Therese Gabunada at nakitang tumayo ito sa isang stool.

Sinita naman nila agad ito ngunit muling tumayo sa sa stool malapit sa balcony si Villareal dahilan upang mawalan ng balanse at tuluyang bumulusok pababa.

Agad ipinagbigay-alam ng mga kaibigan ng biktima ang nangyari sa mga staff ng condominium na siya namang nag-report sa pulisya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Parak nabaril sa sarili, tigok

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang pulis-Maynila na umano’y aksidenteng nabaril ang sarili sa loob ng kanyang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa bibig na tumagos sa ulo ang biktimang si PO1 Jourdan Gabrielle Asistio, 28, binata, nakatalaga sa MPD-PS3 Intel Operatives at nakatira sa 2115 Bolinao St., Sta. Cruz, Maynila.

Alas-3:45, Lunes ng hapon, nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima habang naglilinis ng kanyang service firearm.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joel Jasareno, sinabi ni Joana Laine, kapatid ng biktima, na nakita nitong naglilinis ang kanyang kapatid ng baril sa kuwarto gamit ang basahan na nakahiga sa kama nang ito’y pumasok upang kunin ang kanyang cellphone.

Matapos kunin ang cellphone ay pinaalalahanan pa umano nito ang kapatid tungkol sa sasakyang kanilang bibilhin sa Navotas nang biglang pumutok ang baril ng biktima at tinamaan sa bibig.

Dali-dali namang tinawang ni Joana ang kanilang ama at ipinaalam ang pangyayari na siyang nag-report naman sa pulisya upang maimbestigahan. JOCELYN TABANGCIURA-DOMENDEN

Delivery driver pinutukan sa ulo, dedo

$
0
0

ISANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang delivery driver nang barilin sa ulo habang nagpapalipas ng oras sa Ermita, Maynila kahapon, Lunes.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Edgardo Torres, alyas Egay, 41, may-asawa, ng Villa Felicia Bayanan, Bacoor, Cavite.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad 35-40, may taas na 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakasumbrero at maskara, naka-asul na T-shirt, kupas na maong pants at sakay ng motorsiklong walang plaka.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting, imbestigador ng MPD-Homicide Section, alas-4:55 ng hapon, Lunes, nang maganap ang insidente sa Maria Orosa St. kanto ng Kalaw St., Ermita, Maynila.

Nabatid na nagde-deliver ng mga goods ang biktima kada linggo sa mga vendor sa Luneta Park.

Habang nagpapalipas ng oras, dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at pumarada sa likurang bahagi ng isang kalesa.

Pagbaba ng kanyang motorsiklo ay saka nilapitan ang biktima bitbit ang kanyang baril saka pinaputukan sa likurang bahagi ulo nito saka mabilis na tumakas.

Ilang mga vendor sa lugar naman ang nag-report sa insidente kay SG Dexter Parado, Park Security Officer, na siyang tumawag naman sa Tourist Police Office para mapaimbestigahan ang insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>