Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Padre de pamilya nagbaril sa ulo, dedo

$
0
0

DEDO ang isang 70-anyos na padre de pamilya matapos umanong magbaril sa ulo kagabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Rodrigo Maniti, may-asawa, ng 1353 Felix Huertas St., Manila.

Alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa anak ng biktimang si Kristy Maniti, nasa loob din siya ng kanyang kuwarto nang makarinig ito ng putok mula sa kuwarto ng kanyang ama.

Bunsod nito, agad niyang tiningnan at dito na bumungad sa kanya ang duguang nakahandusay na ama.

Tinawag nito ang ilang kamag-anak upang dalhin sa ospital ang ama ngunit hindi na rin umabot pang buhay.

Bagama’t dumating sa lugar si SP2 Marlon Sa Pedro, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na magpaimbestiga. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Buto ng tao, natagpuan sa Maynila

$
0
0

ILANG mga buto ng tao ang isinama at natagpuan ng mga basurero sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:10 ng madaling-araw noon pang July 11 nang natagpuang ang ilang buto ng tao sa kanto ng Dimasalang at Amparo St., Sta. Cruz, ngunit dakong 4:50 kahapon lamang ng madaling-araw ini-report ito sa pulisya.

Ayon kay Joel Rosales, 37, isang garbage collector ng IPM at residente ng Bldg. 28 Unit 412, Permanent Housing, Tondo, nangongolekta sila ng basura sa nasabing lugar nang nahalukay nila ang ilang piraso ng buto ng tao, kabilang ang bungo na umano’y may ilang buhok pang natitira, ilang buto mula sa itaas at ibabang bahagi na katawan ng tao, at nilagay ito sa isang kahon saka ibinigay kay Chairwoman Lourdes Egea ng Brgy. 371 Zone 31 na siyang nag-report sa MPD-Police Station 3.

Gayunman, kahapon lamang ito ini-report sa MPD-homicide kung saan nagsagawa ng imbestigasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pulis-Malacañang, pisak sa 10-wheeler truck

$
0
0

ISANG pulis na nakatalaga sa Presidential Protection Unit ang patay matapos magulungan ng 10-wheeler truck malapit sa Nagtahan Bridge sa Maynila.

Kinilala ni PO3 Gerald Gonzales, imbestigador ng Manila Traffic Bureau, ang biktimang si SPO1 Emmanuel de Jesus.

Hawak naman ng traffic bureau ang driver ng trak na si Philip Nino Saralde, 36, binata, ng no. 1003 A. Domingo Santiago St., Brgy. 576.

Nabatid na ala-1:50 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kanto ng Dragon at Otis St., malapit sa Nagtahan Bridge.

Minamaneho ni Saralde ang trak (PJT 876) sa nasabing lugar nang sabay silang lumiko ng biktima dahilan para mahagip at magulungan pa ang siansakyang motorsiklo nito na may plakang 7444 PO.

Nagulungan ang ulo ng biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng trak. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 tigok sa buy-bust ops sa Pandacan

$
0
0

TIGOK ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa isang bahay sa Callejon Dos St., Pandacan, Maynila.

Nilusob ng mga operatiba ang lugar na sinasabing drug den at bentahan ng iligal na droga.

Kinilala ang mga napatay na sina Jay-Ar Geneblazo at Ryan Salcedo, alyas ‘Bait’.

Hindi naman malinaw kung paano napatay ang mga suspek dahil tumangging na magbigay ng pahayag ang mga pulis, gaya sa mga nagdaan nilang mga operasyon.

Ayon sa Homicide Division ng Manila Police District, nakuha sa kamay ng mga napatay ang dalawang caliber .38 na revolver, at hindi malamang bilang ng sachet ng shabu.

Nagkagulo naman ang mga residente pagkaalis ng mga pulis at pagkalabas ng bangkay matapos magwala ang isang lalaki.

Muntikan pang magkaroon ng stampede dahil masikip ang eskinita at nagtakbuhan ang mga tao.

May dala umanong itak ang lalaking kinilala lamang sa pangalang ‘Jan-Jan’ at nagbantang papatayin ang lahat.

Ayaw na ring magsalita ng mga residente sa nasabing pangyayari. JOHNNY ARASGA

Kagawad kinasuhan sa bantang paghagis ng granada

$
0
0

KINASUHAN ang isang barangay kagawad matapos itong ireklamo ng sa bantang paghahagis ng granada sa mga obrero na nagtitibag ng pader sa Quiapo, Maynila.

Nahaharap sa kasong grave threat, grave coercion at tresspassing ang isinampa laban kay Rowell Peno, kagawad ng Brgy. 386, taga-438 J. Nepomuceno St., Quiapo, Maynila dahil sa reklamo nina Angelita Aquino, 40, mango dealer, ng 429 Balmes St., Quiapo, Maynila, at Manuel Tabasa, construction worker, 45.

Dakong alas-11:00 kaninang umaga nang magbanta ang opisyal ng barangay habang tinitibag nila Tabasa ang ‘firewall’ sa nabiling pag-aari ni Aquino.

Sa imbestigasyon ni SPO2 James Poso, imbestigador ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), dumating ang suspek at sinabihan ang mga construction worker ng “’pag hindi kayo tumigil diyan ga-granadahin ko kayo.”

Dahil sa takot, nagtakbuhan ang mga construction worker at nagsumbong kay Aquino.

Agad na pinuntahan ni Aquino ang lugar ngunit maging siya ay pinagbantaan din ng kagawad na hahagisan ng granada dahilan para magreklamo sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) at kalauna’y pinalipat siyang magreklamo sa MPD-GAIS.

Sa pulisya, mariin namang itinanggi ng suspek na hahagisan nito ng granada ang mga complainant. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Nakialam sa magsyota, binaril

$
0
0

NANITA umano sa naghahalikang magsyota kaya binaril ng isang 18-anyos na lalaki ang isang seaman sa isang eskinita sa Sta. Ana, Maynila kagabi.

Ginagamot ngayon sa Sta. Mesa Lourdes Hospital ang biktimang si Manuel Banares, 56, may asawa, seaman, ng 2827 Lamayan St., Sta. Ana, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng tainga.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Omar Vinarao, 18, binata, walang hanapbuhay, ng 2801 Alley 1, Lamayan St., Sta. Ana.

Naganap ang insidente dakong 11:35 ng gabi sa eskinita sa tabi ng Botikang Pinoy, Alley 2 St. sa Sta.Ana.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rey Rabut, ng Manila Police District (MPD)-Station 6, naglalakad ang biktima sa lugar nang madaanan ang suspek at ‘di nakilalang nobya nito habang naghahalikan sa eskinita kaya’t sinita niya ang mga ito at sinabihang, “Bakit dito pa kayo naghahalikan?”

Dahil sa pakikialam at paninita ng biktima ay nagalit ang suspek kaya agad na bumunot ng baril at pinutukan ito saka mabilis na tumakas, kasama ang nobya at bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Isinugod naman sa pagamutan ng saksing si Edgardo Baterbonia ang biktima upang malunasan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

‘The Big One’, kakayanin ng Maynila

$
0
0

PUSPUSAN na ang paghahanda at pagbili ng modernong kagamitan ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa anumang kalamidad lalo na ang “The Big One”.

Sinasanay na rin maging ang mga rescuers ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) gayundin ang mga volunteer members ng Manila Community Emergency Response Teams (MCERTs) na binuo sa bawat barangay upang maging first responders sa anumang uri ng emergency.

Tiwala naman si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na magiging maayos ang pagresponde ng mga rescuer ng lungsod sakaling tumama na sa Kamaynilaan ang kinatatakutang “The Big One”, o ang 7.2 magnitude na lindol.

“But we won’t stop here,” pagdidiin ni Estrada. “We still have so much things to do and prepare. In fact, we will be procuring more state-of-the art equipment and tools to deal with any disasters,” dagdag pa niya.

Ang ilan sa mga bagong kagamitan na binili ng pamahalaang lungsod ay ang P30-milyong mobile command center o Incident Command Unit, Hazmat (hazardous material) vehicle, mga heavy duty rescue truck, amphibious truck, at isang mobile kitchen at dadagdagan pa ito para italaga sa bawat distrito ng lungsod.

Ayon naman kay MDRRMO chief Danny Yu, nirekomenda na nila kay Estrada na bumili pa ng 12 rescue trucks.

Ayon sa 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) ng Japan International Cooperation Agency (JICA), 35,000 katao agad sa Metro Manila ang mamamatay sa unang isang oras pa lamang, habang 100,000 ang sugatan at 500 sunog agad ang magaganap kapag tumama ang ‘The Big One’.

Dahil tinuturing na lumang siyudad na ang Maynila at karamihan sa lupain nito ay below sea level, tinagurian itong “most vulnerable” sa malalaking sunog, pagbaha, at mga tsunami mula sa Manila Bay, ayon pa sa naturang pag-aaral.

Ayon pa rito, ang pinakalubhang maapektuhan ng malakas na lindol sa Maynila ay ang Manila North Port Area, South-Eastern Manila, at Central Manila Bay Area. Dito ay 170,000 na kabahayan agad ang guguho habang 1,710 ektarya ng lupain ang lalamunin ng apoy, na magreresulta sa karagdagan pang 18,000 katao na mamamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Klase sa Maynila, sinuspinde na

$
0
0

SUSPENDIDO na rin ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lungsod ng Maynila.

Ganap na alas-11:00 ng umaga nang ianunsyo ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagsuspinde ng klase sa elementarya hanggang Senior High School bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Gorio.

Batay naman rekomenasyon ni Dr. Wilfredo Cabral, Manila Schools Superintendent, ang suspensyon ng klase sa kolehiyo ay depende na rin sa mga pamunuan ng mga school colleges at universities.

Madaling-araw pa lamang nang bumuhos ang malakas ulan sa Maynila at karating lugar dahil sa umiiral na habagat dala ng bagyong Gorio. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Sidecar boy, dedbol sa tandem

$
0
0

BINARIL habang nagpapahinga sa loob ng kanyang pedicab ang isang 33-anyos na lalaki ng riding-in-tandem kagabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald Martinez, alyas “Tisoy”, sidecar boy, ng 309 Romana St., Tondo.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:14 ng gabi nang maganap ang krimen sa J.P. Rizal St., malapit sa kanto ng Simoun St., Tondo.

Sa imbestigasyon, mag-isang nakaupo sa kanyang pedicab ang biktima nang bigla na lang sumulpot mula sa kanyang likuran ang dalawang suspek at kaagad siyang pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay agad ding sumibat ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa Jacinto St.

Ayon sa ilang residente, apat na putok ang kanilang narinig at dito nila nakitang nakabulagta ang biktima.

Tinangka pang habulin ng ilang residente ang mga gunman ngunit hindi na rin sila umabot.

Sinabi naman ng ina ng biktima na si Gng. Regina Francisco, walang kaaway ang anak at matagal na ring tumigil sa paggamit ng droga kaya wala umano silang ideya kung sino ang posibleng pumatay sa anak.

Patuloy pang inaalam at iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Baha sa Maynila: Mga sasakyan sa R. Papa, palubog na

$
0
0

HALOS lumubog na ang dumadaang mga sasakyan sa bahagi ng R. Papa sa kahabaan ng ilalim ng LRT station dahil sa tubig-baha dulot ng bagyong Gorio.

Dahil dito, hindi na madaanan pa ng mga motorista ang nasabing lugar.

Ilan pa sa mga lugar na binaha ay ang Gen. Malvar malapit sa Taft Ave. kung saan gutter deep ang tubig baha pati ang P. Burgos malapit sa Lagusnilad, Oroquieta St. kanto ng Fugoso, at Taft kanto ng UN Ave.

Ang mataas na pagbaha ay bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan na nagsimula pa kahapon ng madaling-araw bagama’t humihina at bahagyang humihinto ay bigla rin itong lumalakas.

Nahirapan naman ang ilang sasakyan lalo na sa bahagi ng R. Papa dahil sa lalim ng tubig-baha.

Ilan din sa mga sasakyang nagbakasaling dumaan sa lugar ay muntikan na ring tumirik.

Sa ngayon ay unti-unti nang humuhupa ang baha. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Obrero natagpuang patay sa karinderya

$
0
0

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang tinder ng kainan sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Avelino Nadora, 45, construction worker, na natagpuang patay sa loob ng Tsibug Kwela Eatery sa 845 P. Campa St., Sampaloc.

Sa report ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nabatid na dakong 5:00 ng hapon nang madiskubre ni Mario Baleros, may-ari ng Tsibug Kwela Eatery, ang biktima na wala nang buhay habang nakadapa sa isang plastik na banig.

Huling nakitang buhay ang biktima alas-8:00 ng umaga kahapon ng barangay tanod na si Danilo Reyes habang nagkakape sa labas ng karinderya.

Ayon naman kay Baleros, tanghali nang magsara ito ng karinderya matapos magdeklara si Mayor Estrada ng kanselasyon ng klase dahil sa malakas na ulan.

Nagpasya umano siyang magtungo na sa kanyang kuwarto upang magpahinga at nakita pa niya ang biktima na natutulog sa banig nito.

Bandang hapon ay laking gulat na lamang umano ni Baleros nang paglabas niyang muli ng kuwarto ay nakitang hindi na humihinga ang biktima dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kong inatake ang biktima sa puso na naging sanhi ng kanyang kamatayan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kagawad binoga sa ulo, dedo

$
0
0

PATAY ang isang barangay kagawad at accredited contractor ng Manila Electric Company (Meralco), matapos barilin sa ulo ng ‘di kilalang suspek habang tumutulong sa pag-i-install ng linya ng kuryente sa harapan ng isang covered basketball court sa Tondo, Manila.

Namatay noon din ang biktimang si Eduardo Arcilla, 46, kagawad ng Brgy. 14 at accredited contractor ng Meralco, at taga-328 St. Peter St., San Antonio, Tondo, bunsod ng isang tama ng bala sa ulo.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek, gayundin ang kanyang motibo sa pagpatay.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:35 ng tanghali nang maganap ang krimen sa harapan ng isang covered basketball court sa Gate 20, Area H, Parola Cmpd., Tondo.

Tumutulong noon ang biktima sa mga tauhan ng Meralco sa pag-install ng linya ng kuryente sa naturang lugar nang bigla na lang itong nilapitan ng ‘di kilalang suspek saka binaril sa ulo gamit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Kaagad na nasawi ang biktima habang tumakas naman ang suspek na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ordinansa vs elder abuse, ipatutupad ni Erap

$
0
0

IPINAG-UTOS ngayon ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa iba’t ibang departamento ng city hall na ipatupad na nang mahigpit ang ordinansa laban sa pang-aabuso sa mga senior citizen.

Ayon kay Estrada, nais nitong maproteksyunan ang 132,000 rehistradong senior citizens sa lungsod laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso at pagpapabaya.

Base sa pag-aaral ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), sinabi ni Estrada na pinakamataas na bilang ang mga anak at apo ng mga senior citizens sa mga pangunahing nang-aabuso sa kanila.

Bagama’t wala pa naman aniyang naitatalang kaso ng pangmamaltrato sa lungsod nitong nakalipas na taon ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na hindi na kikilos ang pamahalaang lungsod upang maproteksyunan ang mga matatanda.

Noong Abril 18, 2016, pinirmahan ni Estrada ang Ordinance No. 8488 o ang “City of Manila Ordinance Against Elderly Abuse, Exploitation and Neglect” na akda ni Councilor Ernesto Dionisio, Jr.

Sinasabing ito ang kauna-unahang batas sa bansa na nagbibigay proteksyon sa mga matatanda laban sa anumang uri ng pang-aabuso. Nagpapataw ito ng multa na P5,000 o isang taong kulong, o pareho, sa mga lalabag nito.

Nakikipag-usap na rin ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng city hall, sa mga barangay officials sa paglulunsad ng “rescue assistance” program para sa mga senior citizens.

Mahalaga aniya ang papel ng mga opisyal ng barangay dito dahil kabisado nila ang kani-kanilang komunidad at mga tao dito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Holdaper tepok sa pagpalag sa parak

$
0
0

TEPOK ang isang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bahagi ng Metropolitan Theater sa Ermita, Manila.

Ang nasabing holdaper ay una nang nangholdap sa ilalim ng tulay ng McArthur.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang Lawton PCP ng MPD at nakita nila ang suspek na kinilalang si Jinggoy Baholo alyas Inggoy.

Lalapitan na sana ng mga pulis ang suspek pero nagpaputok ito gamit ang sumpak at dito na napilitang barilin ng mga pulis ang suspek na agad nitong ikinamatay.

Nakasuot ng itim na T-shirt at khaki short ang suspek at nakuha rito ang sumpak na kanyang ginamit. -30-

3 drug suspect, tumba sa buy-bust ops

$
0
0

TATLONG drug suspects ang patay sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa sementeryo sa Sta. Cruz at sa tabing-ilog sa Quiapo, Maynila matapos manlaban.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nakilala ang mga napatay na suspek na sina Alex Isidro, 44, ng 6209 Manalac St., Brgy. Poclacion, Makati City; Leover Miranda, alyas ‘Bong,’ 39, ng 154 Tendido St., San Jose, Quezon City; at Aries Bajacal, 36, ng 2nd St., Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Ruiz, unang napatay si Isidro sa isang buy-bust operation na ikinasa ng MPD-Station 3 sa tabing-ilog sa Ducos St., Quiapo.

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot ng baril ang mga ito ang nagpaputok.

Isang homemade na kalibre .38 revolver na may apat na bala, isang sachet ng shabu at P100 marked money ang nakuha sa suspek.

Dakong 7:00 naman ng gabi ay nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng MPD-Station 3 sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, kung saan napatay ng mga sina Miranda at Bajacal.

Nabatid na nakatanggap ang mga pulis ng tip hinggil sa bentahan ng shabu sa loob ng naturang sementeryo kaya’t kaagad na nagkasa ng operatsyn.

Gayunman, nakahalata ang suspek na pulis ang kausap kaya’t kaagad nagpaputok na ginantihan naman ng awtoridad na ikinamatay ni Miranda.

Naalarma naman si Bajacal nang makarinig ng putukan sa lugar kaya’t mabilis itong bumunot ng baril at rumesponde upang tulungan si Miranda at tinangkang paputukan ang back-up cop na si PO1 Richard Alvarado ngunit naunahan siya ng pulis at napatay.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .38 revolver at isang sachet ng shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


16-anyos, kritikal sa resbak

$
0
0

POSIBLENG napagtripan o niresbakan ng kaaway ang isang menor-de-edad matapos saksakin ng isang grupo ng kalalakihan sakay ng isang tricycle kagabi sa Tondo, Maynila.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Medical Center ang biktimang itinago sa pangalang Rem, 16, ng 2237 Vitas Brgy. 96, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Police C/Insp. Elias Dematera, Jr., ng Manila Police District (MPD)—Police Station 1, dakong 11:40 ng gabi, nakatambay ang biktima kasama ang dalawa pang kaibigang lalaki sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang limang suspek sakay ng tricycle.

Sa hindi malamang dahilan, isa sa nga suspek ang sumaksak sa likurang bahagi ng katawan ng biktima bago tuluyang tumakas.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima upang malapatan ng lunas habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Welder nahulog mula 3rd floor, patay

$
0
0

PATAY ang isang 57-anyos na welder nang mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang warehouse na kanilang ginagawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) si Leonardo Sevilla, ng Fat Builder’s Construction, may asawa, ng 35 Concepcion St., Morning Breeze Subd., Caloocan City.

Sa ulat ni PO3 Jorlan Taluban, alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang ginagawang warehouse sa 2534 Tomas Mapua St., Sta. Cruz.

Sa salaysay ng kasamahan ng biktima, nagwe-welding ito sa bakal na kanilang tinutungtungan nang bigla na lamang bumigay at tuluyang bumagsak at mahulog ang biktima.

Agad sinaklolohan ang biktima ng kasamahan nang makitang bumagsak ito sa semento at agad isinugod sa pagamutan.

Inaalam na rin ng pulisya kong sino ang maaaring managot sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Inambus na pulis-Maynila, murder at drug suspect

$
0
0

PATAY ang isang pulis-Maynila nang tambangan ng hindi nakilalang suspek habang naghahatid ng kanyang anak na babae sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot ang pulis na si PO3 Mark Anthony Peniano ,34, nakatalaga sa Manila Police District-Station 3 na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa kuha ng CCTV malapit sa Technological University of the Philippines (TUP), sakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek nang barilin si Peniano habang angkas ng kanyang anak na babae.

Pasado alas-8:00 ng umaga nang tambangan ang biktima sa kahabaan ng Ayala Ave., San Marcelino St. malapit sa Technological Univesity of the Philipines (TUP).

Sakay umano ng tatlong motorsiklo ang mga suspek na ang isa rito ay bumaba pa at naglakad palapit sa biktima sa muling binaril nang ilang beses.

Bagama’t hindi nasaktan ang anak ng biktima, isang lalaking estudyante ng TUP naman ang tinamaan ng ligaw na bala sa hita.

Narekober sa crime scene ang 10 basyo ng bala ng. 45 kalibre na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng MPD-Homicide Section ang pagkakilanlan ng mga suspek at motibo sa pagpatay.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada kay MPD director C/Supt. Joel Coronel ang pag-imbestiga sa insidente kung saan napag-alamang prime suspect pala si Peniano sa pagpatay sa isang babaeng pulis na si PO1 Jorsan Marie Alafriz nitong Marso 19 sa Quiapo. Kilalang anti-drug advocate noon si Alafriz.

Huling naitalaga si Peniano sa MPD Headquarters Support Unit sa UN Avenue habang humaharap sa imbestigasyon kung saan nasa listahan din ito ng High Value Target (HVT), ayon kay Coronel.

Ayon kay Estrada, hindi nito pinapayagan ang extrajudicial killing ng mga pulis na sangkot sa droga at iba pang iligal na gawain kaya inatasan nito si Coronel na bantayan ang mga miyembro ng MPD na kasalukuyang iniimbestigahan sa iba’t ibang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

100 kabahayan sa San Miguel, Maynila nasunog

$
0
0

NILAMON ng apoy ang 100 kabahayan kaninang umaga sa Sikap St., San Miguel, Maynila.

Itinaas ang alarma sa task force bravo pasado 5:00 ng umaga sa Brgy. 645.

Ang mga apektadong residente ay pansamantalang nasa kahabaan ng JP Laurel, sa labas lamang ng Malakanyang.

Ayon sa Manila Fire Bureau, pasado alas-3:00 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Oriel Degala.

Mabilis naman umanong kumalat ng apoy sa mga katabing bahay dahil karamihan ay gawa lamang sa light materilas.

Pinutol na rin ang suplay ng kuryente sa San Miguel, Maynila.

Isa naman ang nasugatan na nakilalang si Melvin Romanda ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sa ngayon ay inaalam pa ng imbestigador ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng natupok ng apoy. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 tulak, todas sa buy-bust

$
0
0

DALAWANG lalaking hinihinalang tulak ng droga ang todas matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD)-Police Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang sina Jay-Ar “Kulot” Dayto, 41, at Vincent Corales, 41, kapawa ng 1697 LRC Cmpd., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tama ng baril sa katawan.

Sa report ni P/Supt. Arnold Thomas Ibay, Station commander ng MPD-Station 3, dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa LRC Compound, Revo Ave., Sta. Cruz, Manila.

Nagsilbi umanong poseur buyer si PO1 John Laurence Garcia at sa kalagitnaan ng kanilang transaksyon ay nakahalata si Dayto na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ito ng kalibre .38 na pistol at pinaputukan si PO1 Garcia na swerte namang hindi tinamaan.

Bunsod nito, gumanti na ng putok ang isang pulis na back-up ni PO1 Garcia na si PO1 Renz Bernardo sa suspek na tinamaan sa katawan.

Nang marinig ng isa pang suspek na si Corales ang palitan ng putukan, agad lumabas mula sa isang silid, dala ang kalibre .38 na revolver at nagpaulan ng bala sa mga pulis na nasa loob ng bahay.

Sumabay naman si PO1 Joe Marie Cristobal ng pagputok, dahilan ng pagbagsak ni Corales sa sahig.

Apat na sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 revolver na may tatlong bala, at isang basyo ng bala na mula sa 9mm. na pistol ang nakuha kay Dayto.

Isang cal. 38 revolver na may tatlong bala, apat na sachet ng hinihinalang shabu, at dalawang basyo mula sa 9mm. na pistol naman ang nakuha kay Corales. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>