TIMBOG ang dalawang babaeng pusher na aktong nagbebenta ng illigal na droga sa isang poseur buyer sa isang kilalang fastfood chain sa Maynila.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinamapahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) laban sa mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, pawang residente ng Quiapo, Manila.
Sa report, dakong 5:10 ng hapon nang naaresto ang mga suspek sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa kanto ng Taft Ave. at Pedro Gil St., Manila.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA sa pamumuno ng Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilaim ni Director Ismael Fajardo, Jr. kung saan ligid sa kalaaman ng dalawang babae ay poseur buyer ang kanilang tinangkang bentahan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Tinatayang nagkakahalaga ng P125,000 ang nakumpiskang shabu sa mga suspek.
Hawak na ng PDEA-NCR ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN