NILAMON ng apoy ang 100 kabahayan kaninang umaga sa Sikap St., San Miguel, Maynila.
Itinaas ang alarma sa task force bravo pasado 5:00 ng umaga sa Brgy. 645.
Ang mga apektadong residente ay pansamantalang nasa kahabaan ng JP Laurel, sa labas lamang ng Malakanyang.
Ayon sa Manila Fire Bureau, pasado alas-3:00 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Oriel Degala.
Mabilis naman umanong kumalat ng apoy sa mga katabing bahay dahil karamihan ay gawa lamang sa light materilas.
Pinutol na rin ang suplay ng kuryente sa San Miguel, Maynila.
Isa naman ang nasugatan na nakilalang si Melvin Romanda ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Sa ngayon ay inaalam pa ng imbestigador ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng natupok ng apoy. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN