Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

2 tulak, todas sa buy-bust

$
0
0

DALAWANG lalaking hinihinalang tulak ng droga ang todas matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD)-Police Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang sina Jay-Ar “Kulot” Dayto, 41, at Vincent Corales, 41, kapawa ng 1697 LRC Cmpd., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tama ng baril sa katawan.

Sa report ni P/Supt. Arnold Thomas Ibay, Station commander ng MPD-Station 3, dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa LRC Compound, Revo Ave., Sta. Cruz, Manila.

Nagsilbi umanong poseur buyer si PO1 John Laurence Garcia at sa kalagitnaan ng kanilang transaksyon ay nakahalata si Dayto na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ito ng kalibre .38 na pistol at pinaputukan si PO1 Garcia na swerte namang hindi tinamaan.

Bunsod nito, gumanti na ng putok ang isang pulis na back-up ni PO1 Garcia na si PO1 Renz Bernardo sa suspek na tinamaan sa katawan.

Nang marinig ng isa pang suspek na si Corales ang palitan ng putukan, agad lumabas mula sa isang silid, dala ang kalibre .38 na revolver at nagpaulan ng bala sa mga pulis na nasa loob ng bahay.

Sumabay naman si PO1 Joe Marie Cristobal ng pagputok, dahilan ng pagbagsak ni Corales sa sahig.

Apat na sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 revolver na may tatlong bala, at isang basyo ng bala na mula sa 9mm. na pistol ang nakuha kay Dayto.

Isang cal. 38 revolver na may tatlong bala, apat na sachet ng hinihinalang shabu, at dalawang basyo mula sa 9mm. na pistol naman ang nakuha kay Corales. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan