TODAS ang isang 35-anyos na street sweeper matapos barilin ng isang 82-anyos na negosyante na kanyang na-bully sa Sampaloc, Maynila.
Hawak ngayon ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) ang supek na kusang sumuko matapos tumawag sa 117 si Domingo Jamero, Jr., ng 973 Basilio St., Sampaloc.
Dinala pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Marvin Pizarras, 35, ng 976 Basilio St., Sampaloc, Maynila ngunit binawian din ng buhay.
Depensa ng suspek, hindi niya intensyong mapatay ang biktima ngunit nagsunod-sunod ang pambabato sa kanya kaya doon na niya nakalabit ang trigger.
Ayon pa sa biktima, nais sana nitong patamaan lamang sa ibabang parte ng katawan ngunit sa likurang bahagi ng ulo ito tinamaan.
Nag-ugat umano ang pagsasagutan ng suspek at biktima dahil sa kariton ng basura na malimit umanong inihaharang ng biktima sa drive way ng bahay ng suspek.
Nabatid na ilang beses na umano niyang pinagsabihan ang biktima na huwag iharang sa kanilang driveway ang kariton ng basura pero sa halip na sumunod ay pinagbabato pa siya.
Kasong homicide ang kakaharapin ng suspek sa Manila Prosecutors Office (MPO). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN