BUGBOG-SARADO ang isang snatcher nang maabutan at pagtulungan gulpihin sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakakulong ngayon sa MPD-Station 3 ang suspek na sina Ryan Mesina, nasa hustong gulang na nagtamo ng mga pasa sa katawan at halos magsara na ang kanyang mata sa bugbog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nang-snatch umano ng cellphone ang suspek sa isang naglalakad na magkasintahan sa bahagi ng Blumentritt.
Agad nakatawag ng saklolo ang biktima hanggang sa may rumespondeng tanod ng Brgy. 346 Zone 35, at nakipaghabulan sa suspek sa Yuseco kanto ng Oroqueta St, Sta. Cruz, Maynila.
Nang maabutan ang suspek ay dito na pinagtulungang bugbugin ng taumbayan na nasa lugar.
Nakuha mula sa suspek ang cellphone na nagkakahalaha ng P10,000.
Mahaharap ang suspek sa reklamong robbery snatching. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN