Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

‘Catcalling’ sa Maynila, ipagbabawal na rin

$
0
0

IPAGBABAWAL na rin ang paninipol o catcalling at panghaharas sa mga kababaihan sa mga pampublikong lugar sa Maynila.

Ayon sa ilang lider ng grupo ng mga kababaihan, ang kanilang paglulunsad ng kampanya ay upang kondenahin ang iba’t ibang uri ng panghaharas laban sa mga kababaihan na hindi nila basta na lamang hahayaan.

“Iba ang Manileña, Pambabastos Hindi Pinalulusot,” ito naman ang sinabi ni Jerika Ejercito, program director of Initiatives for Life and Actions of Women (ILAW) ng Maynila sa kanyang keynote address sa ginanap na Speak Up Manileña Assembly.

Sinabi naman ni Raquel Tolentino, community women leaders mula sa Linangan at Lakas ng Aktibong Kababaihan (LILAK), ang mga insidente ng sexual harrasment sa mga kababaihan sa pampublikong lugar ay kalat na sa lungsod.

Kabilang sa pambabastos anila sa kalye kung saan sinisipulan ang mga babae habang naglalakad gayundin ang mga nahihipuan sa overpass at pagsakay sa bus at LRT.

Anila, ang pambabastos sa mga kababaihan ay nakakababa sa pagkatao nito at kawalan ng seguridad.

“Dahil sa pambabastos maraming babae ang kinakabahan at hindi mapalagay kapag nasa labas sila. Naapektuhan nito ang disposisyon nila at kumpyansa,” ayon naman kay Carmela Aguirre.

Kabilang sa grupong kumokondena sa catcalling o paninipol ang Sulong Kabataan Network at Damayan ng Maralitang Pilipinong Api (DAMPA).

Tiniyak naman ng Manila Police District Women and Children’s Desk sa pamamagitan ni Col. Blu Bruno na kanilang tututukan ang mga insidente ng sexual harassment at makikipag-ugnayan sila sa grupo ng kababaihan upang makabuo ng mga programa upang maiwasan o mapigilan ito lalo na ang redress mechanism.

Ang Speak Up Manileña ay binuo ng Institute of Politics and Governance katuwang ang City of Manila NGO Program Secretariat at UN Women. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan