SA kabila nang maulang panahon ay natupok pa rin ang ilang kabahayan nang sumiklab ang sunog kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, alas-10:17 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Ma. Cristina St., Brgy. 455 ng nasabi ring lugar at idineklarang fireout ganap na alas-12:03 Huwebes ng madaling-araw.
Naapektuhan at nawalan ng titahan ang nasa 25 pamilya at 128 indibidwal.
Samantala, inatasan na ni Manila Mayor Joseph Estrada si Manila Department of Social Welfare and Development (MDSWD) Chief Nanet Tayag na pagkalooban ng tulong ang mga nabiktima ng sunog.
Pansamantala namang nanunuluyan ngayon ang mga nasunugan sa evacuation center.
“We will ensure that they are given food so until such time they can recover and start their lives again. We will ensure that there are no diseases…that no one will get sick. We have to ensure that the children can go back to school on the next semester,” pagtitiyak ni Tanyag.
Dagdag pa nito, nakatakda na ring mamahagi ng construction materials ang loka na pamahalaan upang maibalik ang mga nasunog na bahay ng mga residente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN