Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Rerouting sa Undas

$
0
0

NAGLABAS na ng rerouting scheme at traffic plan ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Maynila upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko, kasabay na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo ngayong Undas.

Sa Oplan Kaluluwa 2017 traffic advisory, sinabi ng MDTEU na simula 12:00 ng hatinggabi ng Oktubre 31, lahat ng gate ng sementeryo sa lungsod ay sarado na sa mga pribadong sasakyan.

Ayon pa sa MDTEU, isasara rin ang mga kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery mula 12:00 ng madaling-araw ng Nobyembre 1 hanggang 5:00 ng madaling-araw ng Nobyembre 2, na kinabibilangan ng Aurora Blvd. mula Dimasalang St. hanggang Rizal Avenue; Dimasalang St. mula Makiling hanggang Blumentritt St.; Guevarra mula Cavite St. hanggang Pampanga St.; Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra St.; Retiro St. mula Dimasalang hanggang Blumentritt Extension; at Leonor Rivera St. mula Cavite hanggang Aurora Blvd.

Maaari namang gamiting paradahan ang kalsada ng Craig, Simon, F. Huertas, Sulu, Oroquieta, at Metrica.

Kasabay nito, magpapatupad rin ng traffic rerouting ang MDTEU para sa mga sasakyan, particular na sa mga pampasaherong jeepney, na patungo sa Manila North Cemetery.

Ang mga behikulong mula Rizal Avenue/Blumentritt ay maaaring dumaan sa Cavite, kanan ng L. Rivera o Isagani, at kanan ng Antipolo Street patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga mula naman sa Amoranto Street, Quezon City, ay maaaring kumanan sa Calavite at sa Bonifacio St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyang mula sa Dimasalang ay dapat na kumanan ng Makiling, kanan ng Maceda, diretso sa Ma. Clara o España, patungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan namang patungo sa La Loma at Chinese Cemeteries, mula sa España ay dapat na dumaan sa AH Lacson, Tayuman, Blumentritt mula Cavite hanggang Aurora Blvd. patungo sa Rizal Avenue o Jose Abad Santos.

Ang mga sasakyang mula naman sa Quiapo, Sta. Cruz, Tondo, at Caloocan ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos o Rizal Avenue Extension.

Magsisilbi namang parking areas ang Oroquieta, Bulacan, M. Hizon, F. Huertas, Tecson, Kalimbas, P. Guevarra, Sulu, at Natividad Streets.

Kaugnay nito, iniulat ni Manila Police District (MPD) Director P/C Supt. Joel Napoleon Coronel na may kabuuang 1,600 pulis ang itinalaga nila para magbantay sa mga sementeryo sa Maynila sa paggunita ng Undas, alinsunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ang naturang mga pulis ay nagsimula na aniyang magbantay sa mga sementeryo simula pa nitong Oktubre 28 at magtatagal hanggang Nobyembre 2.

Nabatid na 750 sa mga naturang pulis ang nakatalaga sa apat na malalaking sementeryo sa lungsod kabilang ang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, La Loma Catholic Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Manila South Cemetery.

Dodoblehin naman ang naturang bilang ng mga pulis sa Nobyembre 1, sa pagdagsa ng mga taong magtutungo sa sementeryo.

Hindi pa aniya kasama dito ang 300 pang pulis na magbabantay naman sa mga transport terminals sa lungsod tulad sa Sta. Cruz, Sampaloc, Ermita, Lawton, at Malate.

Nilinaw naman ni Coronel na wala naman silang namo-monitor na kahit anong security threats sa Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>