Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Martilyo gang umatake sa Harizon Plaza, P1M alahas tangay

$
0
0

MULING umatake ang Martilyo gang sa isang kilalang mall at nanlimas ng milyong halaga ng alahas sa Harrizon Plaza, Mabini, Maynila.

Tinatayang aabot sa mahigit P1-milyon ang natangay ng tatlo hanggang limang kalalakihan na mga naka-jacket at maskara.

Ayon sa security officer na si Janes Asula, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng Harrizon Plaza kung saan minartilyo ng tatlong kalalakihan ang stall ng Gold Buyers.

Sa kuha ng CCTV, nakitang tinutukan ng kalibre .45 ng tatlong hindi nakilalang lalaki ang dalawang empleyado ng jewelry store bago tuluyang binasag ang mga salamin na pinaglalagyan ng mga gintong alahas.

Napag-alaman din na sa SM Ace hardware binili ng mga suspek ang martilyo at agad na nagtungo sa stall ng Gold Buyers.

Wala namang nagawa ang mga staff nito kundi yumuko at magtago sa ilalim ng kabinet.

Nang malimas ang mga alahas ay mabilis na tumakas ang mga suspek at dumaan sa exit kung saan dito naman tinutukan ang dalawang nakaposteng guwardiya na sina SG Ven Que at SG Maybeline de Guzman kaya hindi na nagawa pang maharang ang mga papatakas na mga suspek.

Pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlong motorsiklo ang ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.

Tinawag na rin ang dalawang guwardiya na natutukan ng mga suspek upang mahingan ng salaysay sa insidente.

Inaalam na rin kung may naganap na inside job dahil nakapasok ang baril na ginamit sa panunutok ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan