Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Mas mabigat na parusa sa anti-smoking ordinance, aprub na sa Maynila

$
0
0

APRUBADO na ng Sangguniang Panglungsod ang bagong anti-smoking ordinance sa lungsod na papatawan ng mas mabigat na parusa.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, pinasa ng konseho ang bagong anti-smoking ordinance sa Maynila na may multang P5,000 sa mga lalabag nito.

Ani Estrada, inaasahan niyang makatutulong ang Ordinance No. 7812 na kontrolin ang paninigarilyo at pangalagaan ang kalusugan ng mga Manilenyo, at magsimula na ng healthy lifestyle tulad ng pagtigil niya sa paninigarilyo nitong Disyembre.

“We don’t have to remind everyone, again and again, that smoking is bad for your health. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?” ani Estrada. “But with this new ordinance that carries heftier fines and penalties, I’m expecting that smokers, at least, will have to think twice before lighting a cigarette.”

“Warning na ito sa inyo,” babala pa niya.

Matapos sandaling maospital nitong Disyembre dahil sa asthma attacks, tinigil na ni Estrada ang paninigarilyo.

Matapos nito, iniutos niya nitong Pebrero ang mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance No. 7748 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong gusali tulad ng ospital, paaralan at mga pampublikong lugar tulad ng shopping malls, restaurants, bars, at iba pa.

Sa isinagawang en banc session nitong Huwebes, Marso 30, pinasa na ng Sangguniang Panglunsod sa third and final reading ang Ordinance No. 7812 o ang “Smoke-Free Ordinance of the City Government of Manila” na akda ni Coun. Casimiro Sison.

Ang sinumang lalabag sa bagong ordinansang ito ay papatawan ng multang P2,000 o isang araw na pagkakakulong sa first offense; P3,000 at dalawang araw na kulong sa second offense; at P5,000 at tatlong araw na kulong sa third offense.

Malayo ito sa Ordinance No. 7748 na nagpapataw lang ng multang P300 at hanggang dalawang araw na kulong sa mga mahuhuling violator.

Istriktong pinagbabawal dito ang paninigarilyo hindi lang sa loob ng mga city government-buildings kundi pati na rin sa loob ng compound ng mga ito, at hanggang sa 100 metro nito.

Bawal rin ang “possession” ng kahit anong tobacco products, maging ang uso ngayong vape, “whether the smoke is being actively inhaled or exhaled.”

Maglalagay din naman ng mga smoking area sa labas ng mga gusali na pag-aari ng pamahalaang lungsod basta’t hindi ito bababa sa 10 metro ang layo sa mga dinadaanan ng tao, at kinakailangang may mga sign na “Smoking Area” at “Minors Not Allowed” na may kasama pang graphic health warnings. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>