UTAS ang isang 39-anyos na suspek sa iligal na droga nang manlaban sa mga umaarestong pulis sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na si Santi Ramirez, ng Temporary Housing building sa Tondo.
Sa imbestigasyon, nagsagawa ng operasyon ang grupo ng Drug Enforcement Unit sa Aroma Cmpd. sa Balut, Tondo kagabi para arestuhin ang suspek.
Nang makita na ng suspek ang mga awtoridad ay nagsibunot na ang mga ito ng baril at nagpaputok dahilan para gumanti ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Ayon kay PO2 Benjamin Ferrer III, nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang paltik na .38 na pag-aari ng suspek at mga bala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN