Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Tserman itinumba sa Maynila

$
0
0

PATAY ang isang barangay chairwoman nang pagbabarilin ng isang gunman habang naglalakad pabalik sa barangay hall, matapos magkabit ng tarpaulin sa Tondo, Maynila kagabi.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Chinese General Hospital ang buhay ng biktimang si Nenita Acuña, 43, dalaga, chairwoman ng Brgy. 200, Zone 18, District 2, at taga-1026-A Hermosa St., sa Tondo, bunsod ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang Adrian Tayag, alyas ‘Pitong’, na taga-Tayag St., Tondo matapos iturong responsable sa pagpatay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:59 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang eskinita, sa Dela Cruz St. kanto ng Hermosa St. sa Tondo.

Nabatid na katatapos lamang umanong magkabit ng mga tarpaulin ng biktima kasama ang barangay treasurer na si Jesskenlee Torres, 29, at isang barangay tanod nang isagawa ng suspek ang pagpatay.

Nakuhanan pa sa CCTV camera ang paglalakad ng biktima at mga kasamahan nito, habang kasunod ang suspek, na umiinom pa ng softdrinks, at naka-ball cap, tribal gear jacket, maong short pants at armado ng kalibre .45 baril.

Maya-maya ay nagulat na lamang ang mga kasamahan ng biktima nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril at nang tingnan ay papatakas na ang suspek, habang duguan nang nakahandusay ang kapitana.

Isinugod naman ni Torres at Kagawad Noemi Acuňa sa pagamutan ang biktima pero nasawi rin dakong 7:50 ng gabi.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa tahanan ni Tayag dakong 7:30 ng gabi ngunit bigo silang maaresto ito.

Sa halip, nadakip ng mga pulis ang mga suspek na sina Allan Tayag, 19, at Florentino Cadano, 32, kapwa Hermosa St., Tondo, nang makumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu at isang kalibre .38 na paltik na kargado ng limang bala.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng krimen at kung posibleng may kinalaman ba ito sa trabaho ni Acuña bilang kapitana ng barangay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan