Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Palutang-lutang na bangkay sa Maynila, natagpuan

$
0
0

NATAGPUANG palutang-lutang sa Ilog Pasig ang bangkay ng isang lalaki sa Port Area, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, nabatid na dakong 10:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Belardo Francisco, 48, walang hanapbuhay, ng 854 P Sta. Rita St., Tondo, na palutang-lutang sa ilog Pasig, sa tabi ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) sa Port Area.

Mismong ang mga empleyado umano ng ICTSI ang nakadiskubre sa bangkay, na kaagad namang iniahon ng mga mangingisda sa lugar.

Kaagad namang ipinabatid ng mga empleyado ang insidente sa mga awtoridad upang maimbestigahan ang dahilan ng kamatayan nito.

Narekober ng mga pulis mula sa bangkay ang isang barangay ID na inisyu ng Brgy. 11, Zone 2, District 1, na nagresulta para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Wala namang nakita ang mga pulis na sugat o anumang palatandaan na sinadya ang pakamatay ng biktima ngunit patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>