TUMAGAL nang 10 oras ang sunog sa residential Area B, Gate 10, Parola Cmpd., Tondo, Maynila.
Alas-9:41 kagabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Lola Adan at idineklarang fireout kanina lamang alas-7:25 ng umaga.
Ayon kay Fire C/Insp. Marvin Carbonel, fire marshal ng BFP-Manila, nasa 3,000 pamilya ang nawalan ng bahay.
Tinatayang aabot naman sa P6-milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.
Limang sibilyan at 16 bumbero naman ang nagtamo ng minor injuries.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot sa Task force Delta. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN