Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Electrician, todas sa hired killer

$
0
0

TODAS ang isang electrician nang saksakin sa leeg ng isang lalaking hinihinalang hired killer sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jose Lago, 54, ng 494 C-2 Capulong St., Tondo, Manila bunsod ng tinamong saksak sa kanang bahagi ng leeg.

Isang Ramil Artemio naman, na sinasabing posibleng isang ‘hired killer’, ang itinuturong may kagagawan ng krimen.

Sa report ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nabatid na dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang pagpatay sa Capulong St., malapit sa kanto ng Sto. Niño St. sa Tondo.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si John Raven Lago, 23, bago ang krimen ay nakita pa niya ang ama na nakikipagtalo sa isang Angelito Lakandula, na kaanak umano ng dating may-ari ng lupa na binili ng biktima.

Habang nagtatalo ay bigla na lang umanong dumating si Artemio na armado ng butcher knife at kaagad na sinaksak sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas.

Sa halip naman umanong isugod sa pagamutan ay bigla na ring naglahong parang bula si Lakandula matapos ang krimen.

Isinugod naman ni John Raven ang ama sa pagamutan ngunit idineklara na rin itong patay dakong 6:24 ng gabi.

Naniniwala naman si John Raven na posibleng sigalot sa lupa ang dahilan nang pagpatay sa kanyang ama, habang teyorya ng pulisya na binayaran ang suspek para isagawa ang krimen.

Sa kabila nito, masusi pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>