TATLONG magkakasunod na sunog ang naganap mula pasado alas-12:00 ng madaling-araw kanina sa Maynila at sa Taguig.
Unang naganap ang sunog sa bahagi ng Central Bicutan, Taguig alas-12:34 ng madaling-araw.
Umabot lamang ito sa 1st alarm at agad ding naideklarang fire under control makalipas ang isang oras.
Sumiklab din ang sunog sa isang residential area sa Bacood, Sta. Mesa, Manila alas-12:34 ng madaling-araw.
Makalipas ang 10 minuto agad iniakyat sa 4th alarm ang sunog.
Ala-1:29 ng madaling-araw naman nang maideklara na itong fire out.
Samantala, sa bahagi naman ng Bataan St. sa Sta. Mesa, Maynila, nagkaroon din ng sunog na umabot sa 2nd alarm.
Pasado alas-3:00 ng madaling-araw naman nang ideklara na itong under control.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa tatlong naganap na mga sunog at inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang natupok. JOHNNY ARASGA