Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

5 patay, 5 arestado sa buy-bust

$
0
0

LIMA ang patay habang lima pang hinihinalang mga drug pusher ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa buong magdamag sa Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang mga nasawing sina alyas Jeffrey, 25-20-anyos; Jalid Dimiano, alyas ‘Jalid Muslim,’ 31, ng Golden Mosque, Sta. Cruz, May nila; alyas ‘Muklo Salic,’ 20-25-anyos; alyas ‘Hussein,’ 20-25-anyos; at Albigar Garzola, alyas ‘Nonoy Alba,’ 28, ng 1242 Sto. Nino St., Tondo.

Kinilala naman ang mga naarestong sina Anthony Roque, 36; Raymond Remorosa, 23, laborer; Jerry Montezon, 35, pedicab driver; Leoncio Bacarisas, 50; pawang mga taga-Tondo, Maynila ; Jocelyn Abiscia, 42, ng 1854 Interior Dapo St., Pandacan, Manila, na sinasabing No. 2 most wanted drug personality ng Manila Police District (MPD)-Station 10 (Pandacan).

Nabatid na si Garzola ay napatay ng mga tauhan ng SAID-SOTU ng MPD-Station 1 (Raxabago) dakong 10:40 ng gabi kamakalawa sa Lacson St. kanto ng Pacheco St. sa Tondo; sina alyas Jeffrey at Dimiano, ay napatay naman dakong 10:50 ng gabi kamakalawa sa McArthur Bridge sa Sta. Cruz ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng MPD-Station 11 (Binondo); habang sina alyas Muklo Salic at alyas Hussein ay napatay naman ng mga tauhan ng SAID-SOTU ng MPD-Station 3 (Sta. Cruz) dakong 1:40 ng madaling-araw kahapon sa Rizal Ave. cor. Remigio St. sa Sta. Cruz.

Ang mga suspek ay pawang nanlaban sa operatiba ng MPD sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kaya’t napatay ang mga ito.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula kay Garzola ang isang kalibre .38 revolver, P500 marked money at limang plastic sachet ng shabu; sina alyas Jeffrey at Dimiano naman ay nakuhanan ng dalawang .38 caliber revolver, P1,000 buy-bust money at shabu na nagkakahalaga ng P10,000 at nakasilid sa anim na plastic sachet; habang sina alyas Muklo Salic at Hussein naman, na kapwa kabilang sa SAID drug watch list ay nakumpiskahan naman ng dalawang .38 kalibre revolver, P500 marked money, isang Yamaha motorcycle at pitong sachet ng shabu.

Sinalakay naman dakong 7:30 ng gabi ng SAID-SOTU ng MPD-Station 1 ang tahanan nina Roque at Remorosa sa Bldg. 3 sa Temporary Housing sa Tondo, na nagresulta upang maaresto silang dalawa, gayundin sina Montezon at Bacarisas.

Nakuha sa mga naaresto ang limang sachet ng shabu at P2,500 na buy-bust money.

Inaresto naman si Abiscia dakong 1:30 ng madaling-araw sa buy-bust operation sa Dapo St. sa Pandacan at nakumpiskahan ng apat na sachet ng shabu at P500 buy-bust money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan