ARESTADO ang walong katao nang makumpiskahan ng mahulihan ng gamit sa paggamit ng iligal na droga at baril sa Balut, Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto ang magkakaanak na sina Ronalyn, 33; Maria Hermina, 53; Maria Christina, 28; Raquel, 31; at Mark Joseph Habab, 21.
Kasama ring naaresto sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Thelma Bunyi Medina, 1st vice Executive Judge, sina Proceso Ramos, 47, at Catherine Kate Dayuno, 20, kapwa ng 220 Int. 31 Honorio Lopez St., Balut, Tondo na nakapiit na sa MPD-DDEU.
Ayon kay SPO1 Renen Malonzo ng Manila Police District –District Drug Enforcement Unit, alas-5:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga suspek.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Illegal Possesion of Dangerous Drugs, Illegal Possesion of Drug Paraphernalia, Illegal possession of Firearms and Ammunicion at Illegal Possession of Explosives matapos silang makumpiskahan ng isang MK-2 Fragmentation hand grenade , Close Circuit Television Camera (CCTV) at monitor, isang kalibre .45, 9mm, 1 Hostler magazine at iba’t ibang bala ng baril at mga drug paraphernalia at shabu na nagkakahala ng P500,000.
Ayon sa pulisya, mahigit dalawang buwan nilang minanmanan ang mga suspek habang ang kanilang target na Alyas Tay ay nakatakas matapos makatunog na may dumarating na ang pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN