Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Holdaper tigok sa parak

$
0
0

BULAGTA ang isang lalaking holdaper na nambiktima ng isang part-time waiter na nag-aabang lamang ng masasakyan sa Ermita, Maynila matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang umaresto sa kanya.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin, inilarawang nasa 5’6” ang taas, nasa hanggang 40-anyos ang edad, at naka-gray na jacket at asul na shorts.

Kaagad na nasawi ang salarin nang mapuruhan ng mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 5 na naka-engkwentro nito.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro, ng MPD- homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Muelle del Rio St., Lawton sa Ermita.

Nauna rito, nag-aabang ng masasakyang taxi si Mark Cruz, 20, sa Silvia St. nang may dumaang dalawang lalaki, na magkaangkas sa motorsiklo.

Lumampas umano ang mga ito ngunit ilang sandali lamang ay bumalik ang isa sa mga sakay, nilapitan ang biktima at kaagad na nagdeklara ng holdap.

Nang makuha ang cellphone at P1,500 na cash ng biktima ay sinuntok pa umano siya ng suspek at nagpaputok ng baril sa kalsada.

Ayon sa biktima, dahil sa takot na patayin siya ng suspek ay ibinigay na niya ang lahat ng kanyang pera at cellphone at nang makaalis ito ay kaagad na siyang humingi ng tulong sa barangay kung saan nagkataong naroroon ang mga pulis ng Lawton PCP na sina PO2 Randy Quintal at PO1 Rex Macarubbo.

Ayon kay Lawton PCP commander, P/Sr. Insp. Randy Veran, hinabol ng kanyang mga tauhan, kasama ang biktima, ang mga suspek at tinangkang pasukuin.

Nakarating ang habulan sa Muelle del Rio St. ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang backrider na suspek sa mga awtoridad kaya’t nagkaroon ng engkwentro.

Napuruhan naman ng mga pulis ang suspek at nahulog sa motorsiklo habang nakatakas naman ang kasamahan niyang rider.

Isinugod pa ng mga awtoridad ang suspek sa pagamutan, ngunit patay na ito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia, gayundin ang cellphone at pera ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan