Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

1 patay, 2 babae tiklo sa buy-bust

$
0
0

ISA ang patay habang dalawang babae pa ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital si Reynaldo Javier, Jr., 34, miyembro ng Sputnik gang, binata, mg 2564 Pasig Line St., Sta. Ana.

Naaresto naman sina Elaine Sevillana, 18, dalaga, ng 1973 Estrada St., at Zenaida Javier, alyas ‘Nida,’ 57, kaanak ng napatay.

Sa isinumiteng report ni P/Supt. Jerry Corpuz, hepe ng MPD Police Station 6, naganap ang insidente alas-1:20 ng madaling-araw sa bahay ng suspek.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng nasabing istasyon sa pangunguna ni P/S Insp. Consorcio Pangilinan at umakto namang poseur buyer si PO3 Cyrel Lucena.

Bumili umano si PO3 Lucena ng halagang P300 ng shabu sa suspek at nang matapos na ang kanilang transaksyon ay saka nito ibinigay ang hudyat upang arestuhin ang suspek subalit nakahalata at agad bumunot ng baril.

Gayunman, maagap namang bumunot ng baril si PO3 Lucena at pinaputukan ang suspek na tinamaan nito.

Itinakbo pa sa naturang pagamutan si Javier ngunit namatay din ito kalaunan.

Ayon naman kay PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng MPD-Homicide Section, sina Sevillana at matandang Javier ay kasama ng suspek nang maganap ang buy-bust operation sa kanilang bahay.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang isang .38 kalibre ng baril, sumpak, mga bala, ilang drug paraphernalias, at buy-bust money.

Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban kina Sevillana at Zenaida. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan