Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

2 suspek sa pagkamatay ng lady cop, tigbak sa tandem

$
0
0

DALAWANG suspek sa pagkamatay ng isang lady cop kamakailan ang rinatrat kung saan isa ang namatay at isa ang sugatan sa Sta. Cruz, Maynila.

Idineklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jefferson Li, ng 1478 Estero de San Lazaro, Sta. Cruz, Manila sanhi ng tama ng bala habang ginagamot sa nasabi ring ospital ang kapatid nitong si Gerard Li, 24, may tama ng bala sa kanang paa.

Sugatan din matapos tamaan ng ligaw na bala si Madilino Futol, 40, vendor, ng 1478 Estero De San Lazaro, Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon, dakong 8:30 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa dalawa malapit sa Sta. Cruz Church.

Nabatid na boluntaryong nagtungo ang magkapatid sa MPD Headquarters para sa imbestigasyon matapos mapasama ang kanilang pangalan sa “person of interest” sa pagpaslang kay PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa Barbosa Police Community Precinct at taga-1425 Lope De Vega St., Sta. Cruz.

Nang matapos ang imbestigasyon at wala namang ebidensiya na nag-uugnay sa kanila sa pagkamatay ni Alafris ay itinurnover na sila sa kanilang ina na si Susana Li.

Pag-alis sa tanggapan ng MPD, sumakay sa motor ang magkapatid habang ang kanilang ina na si Susana at ka-live in ni Gerard ay sumakay naman sa Taxi.

Habang magkaangkas ang magkapatid sa isang motorsiklo ay sinundan sila ng mga suspek na naka-helmet at maskara saka pinagbabaril.

Dito na nalaglag sa motorsiklo si Jefferson gayunman nagawa pang tumakbo ngunit patuloy siyang pinagbabaril ng mga suspek habang ang kapatid na si Gerard ay nakahingi naman ng tulong sa kalapit na police outpost.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril sa magkapatid. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 302

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>