PUMANAW na ang 15-anyos na si Emmelyn Villanueva, biktima ng ligaw na bala, noong bisperas ng Bagong Taon sa Malabon City.
Kinumpirmang alas-6:10 ngayong gabi nang bawian ng buhay ang biktima dahil sa cardiac arrest sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila.
Ang bata ay may tama ng bala ng baril sa ulo.
Nauna nang sinabi ng Malabon police na hindi biktima ng stray bullet ang biktima kundi biktima ng shooting accident.