Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Sapatero sinaksak sa leeg, todas

$
0
0

PINAGSASAKSAK sa leeg ang isang 80-anyos na sapatero ng hindi nakikilalang suspek kaninang umaga sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Patronicio Endab, ng 18th St., Port Area, Manila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kanto ng 12th St. at Atlanta St., Port Area.

Nadiskubre rin malapit sa biktima ang isang 10-pulgadang balisong na hinihinalang ginamit ng suspek sa pamamaslang.

Ayon kay Abdullah Macabago, alas-3:30 ng madaling-araw nang huli niyang nakitang buhay ang biktima habang papunta siya sa bahay ng kanyang mga pinsan.

Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Nagre-repack ng shabu, tumba sa Maynila

$
0
0

AARESTUHIN na sana ang isang tsuper na aktong nagrerepak ng shabu nang manlaban ito sa mga pulis sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang suspek na si Venson Venegas, 30, ng 233 Pastor St., sa Balut, Tondo.

Si Venegas ay sinasabing kasama sa drug watchlist ng mga pulis noong Nobyembre 2016 na may kategoryang drug user, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:40 kahapon nang mangyari ang insidente kung saan nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng MPD-Station 1 sa loob ng isang bahay sa 2675 Pastor St., Balut.

Ayon kay Taluban, nakatanggap ng impormasyon ang MPD-Station 1 hinggil sa isang lalaking sangkot sa iligal na aktibidad sa naturang lugar.

Matapos makumpirma ay agad na ikinasa ang operasyon at dito na naaktuhang nagrerepak ng ilang plastic sachet ng shabu ang suspek.

Nakahalata naman ang suspek na pulis ang papalapit sa kanya kaya agad na bumunot ng baril at nagpaputok.

Hindi naman nag-atubili ang mga pulis at gumanti ng putok sa suspek.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver at apat na sachet ng shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

15-anyos na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon patay na

$
0
0

PUMANAW na ang 15-anyos na si Emmelyn Villanueva, biktima ng ligaw na bala, noong bisperas ng Bagong Taon sa Malabon City.

Kinumpirmang alas-6:10 ngayong gabi nang bawian ng buhay ang biktima dahil sa cardiac arrest sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila.

Ang bata ay may tama ng bala ng baril sa ulo.

Nauna nang sinabi ng Malabon police na hindi biktima ng stray bullet ang biktima kundi biktima ng shooting accident.

 

Nene na-suffocate sa kotse, patay

$
0
0

PATAY ang isang siyam na taong gulang na babae matapos maiwanan at ma-soffocate sa loob ng isang kotse sa Baseco Cmpd., Tondo, Maynila kagabi.

Sa kwento ni Joan Papa, tiyahin ng biktimang si Janna Jacoba, namasyal sila ng kanyang pamangkin kasama ang iba pa niyang anak sa isang mall sa Pasay, Linggo ng gabi.

Nakauwi ang mag-anak alas-3:00 na ng madaling-araw nitong Lunes at hindi na nila namalayang naiwan pala ang biktima sa loob ng sasakyang hiniram nila sa kanilang kamag-anak nang sila’y magbabaan.

Kinaumagahan na nang mapansin ng tiyahin na wala si Janna, kaya hinanap nila ito sa labas ng bahay sa pag-aakalang naglalaro lamang ito.

Hapon na pero hindi pa rin nila nakita si Janna kaya tinanong nito ang katabi nito sa kotse noong gabi nung sila ay namasyal, saka lamang niya nalamang tulog pala ang bata at naiwan sa loob ng sasakyan nang magbabaan sila.

Dali-dali nilang pinuntahan ang sasakyan at dito nila nakita si Janna na wala nang buhay at tila natutulog lang.

Sa kabila ng pakiusap ng Homicide Division ng Manila Police District (MPD), hindi na pumayag pa ang tiyahin ng biktima na imbestigahan ang pangyayari sa katwirang isa lamang umano itong aksidente na walang may gustong mangyari. JOHNNY ARASGA

Ginang todas sa rider

$
0
0

ISANG 47-anyos na ginang ang nasawi nang barilin ng motorcycle rider habang naghuhugas ng kamay sa isang poso matapos kumain sa Sta. Mesa, Maynila kasama ang kanyang live-in partner.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Marilou Lucas, walang trabaho, ng 4334 H. Albina St., Sta. Mesa, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 5:30 ng hapon nang naganap ang pamamaril sa Albina St., Sampaloc.

Nauna rito, kumakain ang biktima at kinakasama nito sa nasabing lugar at habang naghuhugas ng kamay ang una sa isang poso nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.

Ikinabigla ng 38-anyos na live-in partner ng biktima ang pangyayari at napatakbo sa kanilang compound na malapit sa lugar at humingi ng saklolo bago itinakbo sa ospital.

Inamin ni Bondocan sa imbestigador na gumagamit sila ng droga pero itinangging nagbebenta sila na posibleng motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Senglot na parak, dakip sa panunutok ng baril

$
0
0

KALABOSO ang isang lasing na pulis matapos manutok ng baril sa peryahan kahapon sa Balik-Balik, Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District-General Assignment Investigation Division ang naarestong pulis na si PO3 Dexter Valencia, nakatalaga sa Quezon City Police Station (QCPD) 6.

Sa reklamo ni Jedus Simbahan, nagkaroon sila ng komprontasyon ni Valencia dahil sa pangungulit nito at panunutok ng baril habang naglalaro ng color game ang una at kaibigan nito.

Sinabi ni Simbahan na kinabukasan na lamang sila mag-usap dahil lasing ang suspek at ginagalang aniya nito dahil pulis nga ito.

Sa patuloy na komprontasyon ng suspek at biktima, tiyempo namang may rumorondang pulis kaya naawat ang dalawa.

Nakatakdang maharap sa kasong grave threat at public alarm and scandal si Valencia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Aarestuhing karnaper pumalag sa parak, tepok

$
0
0

TIGOK ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Christopher Castillo, na may kasong qualified carnapping at frustrated murder.

Ayon kay S/Insp. Christian Burgos ng PNP-Intelligence Group, mahigit limang taon na ring nagtatago ang suspek para takasan ang magkahiwalay na kaso nito sa Quezon City at Batangas.

Namataan umano nila si Castillo sa area ng Sampaloc na sakay ng isang kotse kasama ang kanyang misis at mga anak.

Binuntutan na ng mga pulis ang sasakyan nito ang nang makumpirma, pinababa ng sasakyan ang suspek at saka pinadapa.

Nang ihahain na ang warrant of arrest, bigla na lamang umanong dinampot ni Castillo ang kanyang menor-de-edad na anak saka pinaputukan ang mga pulis.

Nagkaroon pa ng habulan saka humantong sa tapat ng isang convenience store at barangay hall ng Brgy. 532 at dito na napatay ang suspek.

Nakuha sa kamay ng suspek ang isang baril, at nang inspeksyunin ang kotse nito, tumambad rin sa mga awtoridad ang samu’t saring uri ng armas.

Ayon kay S/Insp. Burgos, matagal na nilang pinaghahanap si Castillo na itinuturing na ‘armed and dangerous.’ JOHNNY ARASGA

Ama inutas sa harap ng anak

$
0
0

BINARIL sa harap mismo ng kanyang anak ang isang 55-anyos na padre de pamilya ng tatlong nakabonet na lalaki sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw, Enero 19.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Johnny Reyes, may asawa, walang trabaho, ng 994 E Hermosa St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inilarawan naman ang suspek na nakabonet at puting T-shirt na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Tayag St., Hermosa, Tondo.

Nabatid na bumili sa isang tindahan ang biktima kasama ang kanyang pitong-taong gulang na anak na babae nang lapitan siya ng tatlong suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Masuwerte namang naitulak ng biktima ang kanyang anak kaya hindi nadamay sa pamamaril.

Napag-alamang dating gumagamit ang biktima ng ipinagbabawal na droga at sumuko na sa pulisya.

Inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa naganap na pamamaril. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


69-anyos na guro, tustado sa Tondo fire

$
0
0

PATAY ang isang guro sa naganap na sunog sa Alfonso St., Balut, Tondo, Maynila kaninang alas-3:00 ng madaling-araw, Enero 24.

Ayon kay Joel Hornelia, anak ng nasawi, nagawa nilang makatalon sa terrace ng kanilang bahay ngunit naiwan sa kanyang kwarto sa 2nd floor ang kanilang inangsi Rosalia Hornelia, 69, isang retiradong guro.

Limang bahay ang natupok sa nasabing sunog at aabot sa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Alas-5:57 ng umaga nang tuluyang maideklarang fire out ang sunog.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa mahigit P2-milyon ang halaga ng natupok ng apoy. JOHNNY ARASGA

11 drug suspects, huli sa Oplan Galugad

$
0
0

NASAKOTE sa isinagawang Oplan Galugad sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila ang nasa 11 drug suspects.

Isinagawa ang Oplan Galugad sa bahagi ng Hermosa, Capulong, Pacheco at Raxabago.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 1 Commander Supt. Robert Domingo, ang mga suspek na dinakip ay pawang naaktuhang gumagamit ng bawal na gamot.

Nakilala ang dalawa sa 11 suspek na sina Chilito Roque at Charles Cruz na galing pa umano ng Malabon at dumayo sa Tondo para lang bumii ng droga.

Ang ibang naaresto ay katatapos lamang gumamit at naaktuhang gumagamit ng shabu at marijuana.

Dinala na sa presinto ang mga nadakip na suspek. JOHNNY ARASGA

3 magkakaanak, todas sa buy-bust

$
0
0

TATLONG magkakaanak, na sinasabing sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga at panghoholdap, ang napatay nang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Sta. Ana, Manila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Leo Geluz, tinatayang edad 30; Joshua Merced, 22, construction worker; at Bimbo Merced, 37, pintor, mga residente ng 2565 Benita Cmpd., Pasig Line, Zobel Roxas St. sa Sta. Ana, Manila.

Nabatid na 3:00 ng madaling-araw nang mapatay ang mga suspek sa kanilang bahay nang magkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng MPD-Station 6 (Sta. Ana) sa pangunguna ni P/Insp. Alfredo Tan.

Lumilitaw na nakabili na ng P200 halaga ng shabu ang poseur buyers na sina PO3 Allan Escramosa, PO2 Roestrell Ocampo at PO2 Francisco Mendoza, nang makahalata ang mga suspek na mga pulis ang katransaksyon kaya’t bumunot ang mag ito ng baril at nagpaputok.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa tatlo.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, isang kalibre .22 revolver, isang sumpak, mga bala ng shotgun, 16 na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sekyu timbog sa panggagahasa ng stude

$
0
0

KALABOSO ang isang security guard matapos ituro ng isang estudyante na siyang nanghipo sa kanya sa loob ng banyo bago siya tuluyang dinala sa kuwarto sa Tondo, Manila upang doon gahasain.

Kinilala ang suspek na si Inocencio Sacro, 39, security guard, ng 237 Dona Aurora St., Kagitingan, Tondo.

Naaresto si Sacro matapos ireklamo ng panggagahasa ng 16-anyos na estudyante, na itinago sa pangalang ‘Gina,’ at residente rin ng naturang lugar.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 2 (Nolasco), nabatid na personal na nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima, kasama ang isang kaibigan, upang isumbong ang ginawang panggagahasa sa kanya ng suspek.

Kaagad namang sinamahan ng mga tauhan ng Anti-Crime Unit, sa pangunguna ni P/S Insp. Edison Ouano, ang magkaibigan sa bahay ng suspek.

Katabi pa umano ng suspek ang ina ng biktima nang posasan ito ng mga awtoridad matapos na positibong ituro ng biktima na siyang gumahasa sa kanya.

Lumilitaw na dakong 8:00 ng umaga ng Enero 24, 2017 nang maganap ang panggagahasa matapos umanong pasukin ng suspek ang biktima sa loob ng banyo at paghihipuan.

Hindi pa nasiyahan, dinala pa ng suspek ang biktima sa kuwarto nito at doon isinagawa ang panggagahasa.

Nagpasama naman ang biktima sa kaibigan para magsampa ng reklamo, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 magkakasunod na sunog, sumiklab sa Maynila, Taguig

$
0
0

TATLONG magkakasunod na sunog ang naganap mula pasado alas-12:00 ng madaling-araw kanina sa Maynila at sa Taguig.

Unang naganap ang sunog sa bahagi ng Central Bicutan, Taguig alas-12:34 ng madaling-araw.

Umabot lamang ito sa 1st alarm at agad ding naideklarang fire under control makalipas ang isang oras.

Sumiklab din ang sunog sa isang residential area sa Bacood, Sta. Mesa, Manila alas-12:34 ng madaling-araw.

Makalipas ang 10 minuto agad iniakyat sa 4th alarm ang sunog.

Ala-1:29 ng madaling-araw naman nang maideklara na itong fire out.

Samantala, sa bahagi naman ng Bataan St. sa Sta. Mesa, Maynila, nagkaroon din ng sunog na umabot sa 2nd alarm.

Pasado alas-3:00 ng madaling-araw naman nang ideklara na itong under control.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa tatlong naganap na mga sunog at inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang natupok. JOHNNY ARASGA

Electrician, todas sa hired killer

$
0
0

TODAS ang isang electrician nang saksakin sa leeg ng isang lalaking hinihinalang hired killer sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jose Lago, 54, ng 494 C-2 Capulong St., Tondo, Manila bunsod ng tinamong saksak sa kanang bahagi ng leeg.

Isang Ramil Artemio naman, na sinasabing posibleng isang ‘hired killer’, ang itinuturong may kagagawan ng krimen.

Sa report ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nabatid na dakong 4:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang pagpatay sa Capulong St., malapit sa kanto ng Sto. Niño St. sa Tondo.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si John Raven Lago, 23, bago ang krimen ay nakita pa niya ang ama na nakikipagtalo sa isang Angelito Lakandula, na kaanak umano ng dating may-ari ng lupa na binili ng biktima.

Habang nagtatalo ay bigla na lang umanong dumating si Artemio na armado ng butcher knife at kaagad na sinaksak sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas.

Sa halip naman umanong isugod sa pagamutan ay bigla na ring naglahong parang bula si Lakandula matapos ang krimen.

Isinugod naman ni John Raven ang ama sa pagamutan ngunit idineklara na rin itong patay dakong 6:24 ng gabi.

Naniniwala naman si John Raven na posibleng sigalot sa lupa ang dahilan nang pagpatay sa kanyang ama, habang teyorya ng pulisya na binayaran ang suspek para isagawa ang krimen.

Sa kabila nito, masusi pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Nagbayad ng shabu sa biniling shorts, sando tiklo

$
0
0

NAARESTO ang isang lalaki ng isang concerned citizen matapos na ipambayad ang shabu sa biniling sando at short sa isang stall sa Blumentritt, Maynila.

Ang naarestong suspek ay isinuko ng tindero na kinilala lamang sa alyas na ‘Robin’ sa presinto na nakakasakop sa lugar.

Ang pulis naman ang nagdala sa PDEA-NCR office para maproseso ang suspek na kinilala sa pangalang Brenhar Castillo na nakuhanan pa ng siyam na maliit na sachet ng shabu na tinatayang may bigat na dalawang gramo.

Ayon kay alyas Robin, umabot sa P200 ang pinamili ni Castillo sa kanya kabilang ang P150 short at P50 na sando, pero kulang umano ang pera nito kaya inalok na lamang siya ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200.

Pagkakita ni alyas Robin ng shabu, agad umano nitong dinakma ang suspek at isinuko sa mga pulis.

Mariin naman itinanggi ng suspek ang paratang ni alyas Robin at hindi rin umano sa kanya ang nakuhang shabu.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PDEA-NCR ang suspek. JOHNNY ARASGA


Holdaper na may granada, inutas

$
0
0

PATAY ang isang holdaper habang arestado naman ang dalawa pa nitong kasamahan nang barilin ng pulis ang una matapos makitaan ng granada kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Sitoy, tinatayang 30-35-anyos, 5’5 ang taas, payat at miyembro ng Commando Gang, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Habang nakilala ang mga naaresto na sina Ryan Lampon, 28, binata, truck driver, ng Riverside Vitas, Katuparan, Tondo, Manila, at King dela Cruz, 18, obrero ng Parola, Gate 7, Tondo, habang pinaghahanap naman ang isang Jericho Banat, alyas Joshua at isang John Doe, mga miyembro ng Bajar gang.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Road 10, Southbound malapit sa North Harbor Center, Tondo.

Sa imbestigasyon, nangholdap ang mga suspek na una nang nagpanggap na pasahero sa isang pampasaherong dyip kung saan tinangay ang kanilang mahahalagang gamit.

Gayunman, isa sa mga pasahero na si Nina Lagrada, 41, ang nag-report sa mga tanod ng Brgy. 101 na nagresulta sa pagkakaaresto kina Lampon at Dela Cruz.

Dito ay nakitaan ng granada si alyas Sitoy na tinangka pang pasabugin dahilan upang barilin ito ng pulis.

Nakuha sa napatay na suspek ang isang balisong, shabu, isang Nina Lagrada na ID, pera at granada. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

P2M naabo sa Maynila

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang isang residential area sa Port Area, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 kaninang madaling-araw sa ikalawang palapag ng isang bahay sa 13th St., Brgy. 650.

Mabilis umano ang pagkalat ng apoy at itinaas agad sa ikalimang alarma dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Alas-6:36 ng umaga nang tuluyang ideklarang fireout ang sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi maliban sa 200 pamilyang nawalan ng tahanan.

Inaalam pa ng arson investigator ang sanhi ng sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ex-pulis, tumba sa Maynila

$
0
0

PATAY sa kabaro ang ang isang dating pulis habang isinisilbi ang warrant of arrest laban dito sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gilbert Navoa, 40, ng 400 City Capulong St., Tondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa dibdib.

Sa imbestigasyon, dakong 4:15 ng hapon nang naganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na nagtungo ang mga tauhan ng MPD-Station 2 upang isilbi ang warrant of arrest sa biktima matapos silang makatanggap ng impormasyon na nakita ito sa nasabing lugar.

Si Navoa ay may nakabinbing kasong robbery na pirmado ni Presiding Judge RTC Branch 40, Manila.

Pagdating sa lugar ay nagpakilala ang mga awtoridad sa biktima subalit agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis na ginantihan naman ng awtoridad.

Dinala pa ang biktima sa ospital subalit hindi na rin ito naisalba pa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pulis, tigok sa pamamaril sa Ermita

$
0
0

PATAY ang isang pulis-Maynila matapos tambangan sa Bocobo St., Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktimang si PO1 Erickson Peralta na nakatalaga sa theft and robbery section ng Manila Police District (MPD).

Sakay si Peralta ng kanyang motor nang biglang paputukan ng anim na suspek na sakay ng tatlong motorsiklo.

Nakuha sa kamay ng biktima ang kanyang service firearm, wallet, at dalawang cellphone.

Inaalam pa naman ang motibo sa likod ng pagpatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang sinusuri pa ang kuha ng CCTV sa lugar upang malaman kung naplakahan ang mga sinasakyang motorsiklo ng mga suspek. JOHNNY ARASGA

Habang kalong ang anak, ginang inutas

$
0
0

KALONG-KALONG pa ang tatlong-buwang gulang na anak nang barilin ng hindi nakilalang suspek ang isang ginang sa loob mismo ng kanilang tahanan sa San Miguel, Maynila.

Idineklarang patay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Ryan Joy Cinco, 33, isang Muslim na tubong General Santos City, at residente ng Room 1, Carlos Palanca St., San Miguel bunsod nang tagusang tama ng bala sa ulo, habang mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pagpatay.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 3:35 ng hapon ay kalung-kalong ng biktima ang kanyang sanggol nang bigla na lang pumasok ang suspek at kaagad na binaril ang biktima.

Ilang concerned citizen ang nag-imporma kay Imam Solaiman nanakarinig ng putok sa loob ng bahay ng biktima, at nang kanilang tingnan ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay kaya’t kaagad na itong isinugod sa PGH ngunit hindi na rin naisalba pa.

Hindi naman na naisailalim sa awtopsiya at sa halip ay kaagad nang inilibing ang biktima, alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa pagpatay, para sa agarang ikalulutas ng krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>