Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Barker tinubo ng kabaro, tigbak

$
0
0

HALOS hindi na makilala ang mukha ng isang jeepney barker matapos pagpapaluin ng tubo na pag-aari nito habang natutulog sa isang folding chair kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Oscar Cruz, alyas Oca, edad 50-55, walang permanenteng tirahan at nabubuhay sa pagba-barker.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang krimen na umano’y isa ring barker, edad 20-25 lamang ang edad, 5’3” ang taas, kayumanggi ang balat, at balingkinitan ang katawan.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:07 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang natutulog ang biktima sa isang folding chair sa Antonio Rivera St., malapit sa Orion Hotel sa Tondo.

Ayon sa isang tinderong nakasaksi sa krimen, kitang-kita niya kung paano pinaghahampas ng suspek ng isang tubo ang mukha ng biktima habang natutulog ito na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nang matiyak na patay na ang biktima, mabilis nang tumakas ang suspek patungo sa Claro M. Recto Ave. at iniwan ang tubong ginamit sa pagpatay.

Sinabi naman ni Balagtas na matindi ang galit ng suspek sa biktima dahil halos mabura na ang mukha nito sa ginawa niyang pagpalo rito.

Natukoy rin aniya nila na maraming kaaway ang biktima sa lugar, at tiyak na ang may kagagawan ng krimen ay isa sa kanila.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


3 mag-uutol utas sa Oplan Galugad

$
0
0

TATLONG magkakapatid na binansagang “Morales brothers” ang namatay matapos manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 11 na nagsagawa ng Oplan Galugad kaninang umaga sa Delpan Rd., Binondo, Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Amante Daro, station commander, ng MPD-PS 11, ang mga suspek na sina JC, 33; Armando, 30; at Domingo Morales, 28, na pawang tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap umano ang buy-bust operation dakong 11:30 ng umaga kung saan isang pulis ang umaktong poseur buyer pero nakahalata ang mga suspek na police operation ang transaksyon kaya nakipagbarilan sila sa mga pulis na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Nakuha sa crime scene ang tatlong kalibre .38 baril at 50 gramo ng shabu.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong isinu-surveillance ang magkakapatid na umano’y nasa drug watchlist ng pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

7 patay, 263 binitbit sa Manila ops

$
0
0

PITONG katao ang patay kabilang ang isang pinaghihinalaang commander ng Bangsamoro Independent Freedom Fighter (BIFF) at nasa 263 naman ang binitbit sa isinagawang joint operation kaninang umaga sa Quiapo, Maynila.

Kabilang sa mga nasawi sina Brgy. Chairman Nohg Faiz Macabato, ng Brgy 648, na may P1-milyong patong sa ulo; Kagawad Malic Bayantol; Gaus Macabato; at apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan na isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) na idineklarang dead-on-arrival.

Alas-5:00 pa lamang ng umaga ay pumosisyon na ang mga tauhan ng MPD Police Station 3 at 8, Special Weapons and Tactics (SWAT), National Capital Region Police Office (NCRPO), Highway Patrol Group (HPG) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa paligid ng Palanca St., P. Casal hanggang sa may Vietnam Alley.

Ayon kay SPO2 Jonathan Bautista, ng MPD-homicide section, nagsimula ang kaguluhan nang isilbi ng awtoridad ang isang warrant of arrest laban sa isang Darius Macabato.

“Tumanggi daw ‘yung chairman hanggang sa magkaroon ng mainitang sagutan na nauwi na sa barilan kung saan tinamaan ‘yung chairman sa dibdib at isa pang nagtangkang tumulong bago isinugod sa Ospital ng Maynila,” ani Bautista.

Umabot hanggang alas-9:30 ang operasyon kung saan 263 pang kalalakihan ang binitbit para sa beripikasyon kung saan kasama dito ang isang kumander ng BIFF na si Sambetory Macaraas Sarip, 33, base sa ID na nakuha sa kanya at uniporme ng BIFF.

Sa clearing operation, nakakumpiska ng dalawang 9mm na baril, dalawang granada, anim na .38 revolver, dalawang sumpak at mga shabu.

Nabuking rin ang mga kinarnap na sasakyan sa lugar kung saan ipinapalit ng droga ang mga ito sa mga drug pusher na nagkakanlong sa lugar.

Napasugod naman si Manila Mayor Joseph Estrada sa lugar upang personal na makita ang naging operasyon.

“Walang sini-sino ang kampanya natin na ‘to, basta may atraso ka sa batas, kailangan mong pagbayaran but unfortunately, nanlaban siya kaya napilitan na rin ang MPD,” ayon kay Estrada.

Nabatid rin sa alkalde na ito ang ikalawang pagkakataon na nasalakay ang Islamic Center.

Nabatid na bago isinagawa ang pagsalakay sa Muslim area, nakipagdiyalogo muna ang MPD at ipinagpaalam sa mga Imam ang kanilang gagawing operasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Barangay officials, binalaan ni Erap sa droga

$
0
0

BINALAAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga barangay chairman at iba pang barangay officials kasunod na rin ng nangyaring raid sa Islamic Centre sa Quiapo, Maynila.

Sa interview kay Estrada, nalamang ang barangay ng napatay na si Chairman Faiz Macabato ng Brgy. 648 ay isa sa 896 barangays sa Maynila na hindi nakapagsumite ng listahan ng mga drug personalities.

Si Macabato ay nanlaban umano at tumangging papasukin ang mga operatiba sa kanyang barangay upang magsilbi ng warrant of arrest sa isa pang drug suspect at kaanak nitong si Gaus Macabato.

Ayon kay Estrada, matagal na itong nagbabala sa mga opisyal ng barangay at ang nangyari sa Islamic area nitong Biyernes ng umaga ay magsilbi sanang “warning” sa kanila.

“Walang ‘sacred cow’ sa ating anti-drug campaign. Wala kaming sisinuhin,” aniya pa.

Anim na iba pa ang napatay habang mahigit sa 200 naman ang binitbit at dinala sa Manila Police District (MPD) headquarters para sa beripikasyon at imbestigasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bebot pinagtripang saksakin ng 2 totoy

$
0
0

SUGATAN ang isang babaeng rider nang harangin sa madilim na lugar at saksakin habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Bagama’t sugatan ay kinaya pang magtungo sa Tondo Medical Center ng biktimang si Ria Rose Flores, garment worker, taga-27 Guillermo St., San Rafael Village, Navotas City dahil sa saksak sa balikat mula sa dalawang batang suspek na edad 16.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 1, naganap ang insidente dakong 6:30 ng gabi habang papauwi na ang biktima sa kanyang bahay.

Napadaan ang biktima sa madilim na bahagi ng Infanta cor. Honorio Lopez, Balut, Tondo nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na kapwa lasing at hinarang saka sinaksak ang biktima.

Sa kabila ng tama, nagawa pang makapanlanban ng biktima na kalauna’y nagtakbuhan na rin saka nagpunta sa ospital bago nagreklamo sa pulisya.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang Smokey Mountain Police Community Precinct sa lugar ngunit bigong makita ang dalawang menor-de-edad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Jollibee rider, inutas sa Maynila

$
0
0

UMABOT sa 10 tama ng bala ang tinamo ng isang delivery boy ng Jollibee matapos pagbabarilin ng anim na lalaking nakamotorsiklo habang kumakain sa tapsilogan kaninang madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Alvin John Mendoza, 23, taga-2368 Pasig Line St., Sta. Ana bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang anim na suspek na pawang mga nakabonet at maskara ay mabilis na tumakas patungong Zobel St., lulan ng tatlong motorsiklo na walang plaka matapos matiyak na patay na ang target.

Sa ulat, dakong 1:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan ng K2 Bentesingkolog sa 2402 Pasig Line St., kanto ng San Andres Extn., Sta. Ana.

Batay sa salaysay ng saksing si Barangay Kagawad Lito Diaz at ng kanyang anak na si Micky Diaz, na siyang may-ari ng tapsilogan, kumakain noon ang biktima nang dumating ang mga suspek at bigla na lamang itong rinatrat.

Wala namang nadamay sa pamamaril kaya sigurado ang mga awtoridad na ang naturang biktima nga ang target ng mga suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng pagpatay, gayundin kung sino ang mga posibleng may kagagawan nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Umawat sa away, kelot tigok sa tibo

$
0
0

ISANG helper ang namatay matapos umawat sa away ng kanyang kaibigan nang saksakin ng isang tomboy sa Tondo, Maynila kagabi.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jhaymar Diaz, 21, ng Gate 16, Area D, Parola Cmpd., Tondo, Manila habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na nakilala lamang sa alyas na ‘Tosong’, isang tomboy, ng Gate 14, Parola Cmpd., Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan dakong 10:15 ng gabi sa Gate 15, Area D, Parola nang mag-away ang dalawa sa mga ito na inawat naman ng biktima.

Nang maawat, pinayuhan ng isang kaibigan ang biktima na umuwi na lamang na sinunod naman nito.

Gayunman, sa hindi malamang dahilan, sinundan ng suspek ang biktima at nang abutan ay bigla na lamang tinarakan sa likod saka mabilis na tumakas bitbit ang patalim.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang maaresto ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

8 katao bumulagta sa anti-drug ops

$
0
0

WALONG katao na may kinalaman sa iligal na droga ang tumumba habang isa ang nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Agad na namatay ang apat na katao matapos manlaban sa mga aarestong kapulisan sa Malate, Manila.

Nakatanggap ng tip ang PNP na nagsasagawa ng pot session ang hindi kilalang mga suspek kaya agad nilang pinuntahan ang lugar.

Sugatan sa insidente si PO1 Bruno Arapod matapos mabaril ng mga suspek sa braso at si PCI Paulito Sabulao na masuwerteng naka-bullet-proof vest.

Binaril at napatay ng mga hindi kilalang suspek sa Caloocan City si PO1 Ronsel Cruz matapos na sitahin umano ang nagbebenta ng iligal na droga.

Patay din matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem sa Caloocan si Leo Lempejo.

Aminado ang mga pulis na nasa listahan nila ang suspek na gumagamit ng iligal na droga.

Sugatan naman ang isang waiter matapos barilin ng isang lalaking binentahan niya ng pekeng droga.

Nagpapagaling na ang biktimang si Alvin Montalban matapos barilin ng suspek na si Joel Racquel gamit ang pen gun.

Dalawang patay naman na may kaugnayan sa iligal na droga ang naitala sa Naga at isa sa Vigan. JOHNNY ARASGA


Trike driver, inutas habang namamasada

$
0
0

NAGTAMO ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jervin Nuevo, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na ulat, kalalabas lamang ng bahay ng biktima upang mamasada nang paulanan ito ng bala sa Capulong St. sa Tondo, Maynila.

Ayon sa kaanak ng biktima, dati na itong sumuko sa Oplan Tokhang at tumigil na rin sa paggamit ng iligal na droga kaya inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ito sa kanyang pagkamatay.

Wala namang makuhang anomang impormasyon ang pulisya hinggil sa insidente at maging ang CCTV camera sa lugar ay hindi rin gumagana dahil nasira umano ito sa bagyo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lolong preso inatake, patay

$
0
0

PATAY ang isang lolo na detainee ng Manila Police District-Police Station 1 matapos magreklamo ng paninikip ng dibdib sa loob ng kulungan kahapon sa Maynila.

Kinilala ni PO3 Jorlan Taluban, ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Ernesto Solon, 60, pedicab driver, ng 89 Helping Complex St., Tondo, Maynila.

Alas-4:57 ng hapon nang mapansin ng mga inmate ang pamumutla at nahihirapang huminga ang biktima dahilan para ipaalam sa jailer na si PO3 Albert Acebedo.

Kaagad namang isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima sakay ng mobile car pero hindi na umabot nang buhay.

Nabatid na naaresto ang matanda noong Oktubre 5 matapos ireklamo sa kasong theft.

Ang masikip na selda sanhi ng sandamakmak na nakakulong na preso ang nakikitang dahilan ng paglala ng kalagayan ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 pusher pa, timbuwang

$
0
0

DALAWA pang hinihinalang tulak ang patay matapos makipagbarilan sa mga pulis-Maynila na nagsagawa ng buy-bust operation kaninang madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-homicide section, ang mga suspek na sina alyas Junior Komang at Commando.

Alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ng Blumentritt Police Community Precinct ang buy-bust operation laban sa dalawa.

Habang isinasagawa umano ang transaksyon ay nakahalata si Commando na ang kanyang kausap ay pulis kaya agad itong tumakbo at tinawag ang kasamahang si Junior Komang.

Dito na nakipagbarilan ang mga suspek sa mga pulis hanggang sa tuluyang mabaril ang mga ito sa may iskinita sa Vision St. sa Sta. Cruz.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na mga baril, ilang pakete ng marijuana at drug paraphernalia.

Ayon kay Police C/Insp. Michael Garcia, deputy commander ng Manila Police District station 3, nasa drug watchlist ng barangay ang dalawang suspek.

Naging subject na rin ng Oplan Tokhang ng mga pulis sina alyas Junior Komang at alyas Commando, pero hindi sila kailanman sumuko.

Patuloy naman ang pagmo-monitor ng pulisya sa mga hinihinalang drug user sa lugar, lalo’t taga-rito lang din daw ang mga parokyano ng mga napatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bumagsak sa licensure exam tumalon sa hotel, tigok

$
0
0

DAHIL sa kabiguang maipasa ang licensure exam sa kursong Psychology, isang 23-anyos na dalaga ang tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang hotel sa Ermita, Maynila.

Naisugod pa sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Joanna Gaytona, ng 160 Guzman St., Quiapo, Maynila, bago tuluyang bawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente ala-1:40 ng tanghali kahapon sa Tropical Mansion Hotel.

Isinama umano ng kanyang inang si Thelma Gaytano ang biktima sa naturang hotel at habang naglilinis sa ika-apat na palapag ay hindi nito namalayang tumalon na pala ang biktima.

Agad na humingi ng tulong sa guwardiya ang ginang para maisugod sa pagamutan ang anak ngunit dahil sa lakas ng pagbagsak nito’y hindi na naisalba pa.

Inamin naman ng ina ng biktima na mula noong Setyembre 24 – Oktubre 11 ay na-confine sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima dahil sa depresyon bunsod ng pagbagsak sa Professional Regulations Commission (PRC) licensure examination ng Psychology.

Tumanggi nang magpa-imbestiga ang ina ng biktima sa paniniwalang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng anak. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Holdaper tigbak sa Maynila

$
0
0

TIGBAK ang isang hinihinalang holdaper matapos masukol ng mga pulis sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling-araw.

Isang tawag ang natanggap ng Blumentritt Police Community Precinct mula sa isang concerned citizen na may isang lalaking umaaligid sa kanilang lugar.

Ayon kay P/Insp. Elizur Corporal ng Blumentritt PCP, agad na pinaputukan ng suspek ang mga pulis na dumating sa lugar, kaya napilitan ang mga itong gumanti.

Dito na napatay ang suspek na kinilala lamang sa alyas Gilbert.

Naniniwala si Corporal na posibleng panghoholdap ang pakay ni alyas Gilbert dahil nakatambay ito sa madilim na bahagi ng lugar na talamak sa holdapan.

Nakuha sa suspek ang isang paltik at dalawang sachet ng shabu. JOHNNY ARASGA

Pulis-Maynila tigok sa kabaro

$
0
0

TIGOK ang isang bagitong pulis nang aksidenteng pumutok ang service firearm ng kanyang kabaro na nakatalaga sa Manila Police District-Station 1 habang nag-a-unload umano ng bala sa loob ng Smokey Mountain Police Community Precinct sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Idineklarang patay sa Tondo Medical Center ang biktimang si PO1 Helrey Estares, ng no. 4274 Apitong St., Hillside Village, Ugong, Valenzuela City dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Habang iniimbestigahan naman ang kapwa nito pulis na si PO1 Dennis Kias, 31, Simabana, Ugong, Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:30 ng umaga kanina sa loob ng naturang presinto.

Nabatid na habang nagtatanggal ng bala sa kanyang Glock 38 service firearm si PO1 Kias ay bigla itong pumutok at unang tumama sa pader na semento ng presinto ngunit bumalik at tumama sa dibdib ni PO1 Estares.

Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari at hinihintay pa ang mga kaanak ng biktima kung sasampahan ng kaso ang pulis na responsable sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Erap namahagi ng 4,000 tablet computers sa mga guro

$
0
0

NAMAHAGI ng libu-lobung tablet computers sa mga public school teachers si Manila Mayor Joseph Estrada upang mapabutu pa ang kanilang pagtututo sa mga batang mag-aaral ng lungsod.

Sa isinagawang turnover ceremony ng 4,000 tablet computers sa San Andres Sports Complex, sinabi ni Estrada na karapat-dapat lang na bigyan ng tamang kagamitan ang mga guro upang mapadali at lalo nilang mapabuti ang kanilang pagtuturo.

“With the use of these gadgets, you will have the ability to create more interactive and enriching learning experience for the young Manileños. Malaki ang magagawa ng edukasyon para patuloy na makaahon ang ating lungsod at maitaguyod ang kinabukasan ng ating kabataan,” pahayag ni Estrada sa mga guro na mula sa 33 public high schools ng lungsod.

Ang bawat tablet ay may mga Microsoft applications at software na may kinalaman sa classroom instruction, ayon kay Wilfredo Cabral, ang Manila schools division superintendent.

Ayon kay Estrada, hindi sapat na papurihan lang ang mga guro dahil mas higit nilang kailangan ang suporta ng bansa at ng pamahalaan.

“Education is the most powerful weapon which you can use to change the world. Ang ating mga guro ay talagang binubuhos nila ang kanilang pagtuturo sa kanilang estudyante. And I would say that if you can help the children, we can help bring back Manila to its old glory,” dagdag pa ni Estrada.

Noong umupo si Estrada nitong 2013, tinaas niya ang monthly allowance ng mga guro mula P2,000 sa P3,000.

Nitong Abril lang ay namahagi din siya ng computer tablets sa 11,000 guro sa elementarya upang mapadali ang kanilang pagtuturo.

Bukod pa rito, sinagot din ni Estrada ang lahat ng gastos sa leadership training seminar na dinaluhan ng mga guro na nagkakahalaga ng P1.14-milyon. Noong nakaraang administrasyon, dumudukot pa ang mga guro sa sarili nilang bulsa upang makadalo lamang sa mga ganitong seminar.

Naglaan din si Estrada ng P2-bilyon sa Special Educational Fund (SEF) bilang pagtustos sa mga programa at proyekto para sa edukasyon sa Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Pumalag sa search warrant, 3 tigbak

$
0
0

SINISILBIHAN ng search warrant nang manlaban ang isang magkapatid at isa pang lalaki na pawang mga tulak ng iligal na droga sa Sta. Ana, Maynila na ikinasawi ng mga ito.

Kinilala ang mga napatay na sina Jerson Colaban, alyas ‘Dodong Mata’, 36; kapatid nitong si Jossing Colaban, 30; at Joseph Baculi, alyas ‘Bon Jovi,’ nasa hustong gulang, lahat ng 2264 Oro Extn., Sta. Ana, Manila, bunsod nang mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay SPO3 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 1:40 ng madaling-araw nang mapatay ng mga pulis ang mga suspek sa loob mismo ng kanilang bahay.

Nauna rito, nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng MPD-Station 6 (Sta. Ana), upang silbihan ang mga ito ng search warrant.

Sa halip na pahintulutan ang mga pulis na pasukin ang kanilang baay tahanan ay agad na bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga awtoridad.

Agad namang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 revolver, isang sumpak, pitong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lolong tulak binoga sa ulo, dedo

$
0
0

BINOGA sa ulo ang isang 68-anyos na lalaking tulak ng iligal na droga matapos pasukin sa loob ng bahay ng apat na suspek kagabi sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, nakilala ang biktimang si Felix Martin, basurero, taga-Bldg. 30 Temporary Housing, Tondo na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo.

Tumakas naman ang mga suspek na pawang naka-itim na jacket at nakatakip ng panyo ang mukha.

Naganap umano ang insidente alas-11:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa isang Eduardo Mulado, 28, ng Bldg. 31, Unit 28, Temporary Housing, Tondo, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril dahilan para lumabas siya ng bahay at makita ang mga suspek na mabilis na sumakay sa dalawang motorsiklong naghihintay.

Nang pumasok sa loob ng bahay, tumambad sa kanya ang duguang biktima na noo’y may tangan na dalawang sachet ng shabu.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya habang iniimbestigahan pa ang motibo ng pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2M halaga ng shabu nasabat, 3 arestado

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng mga tauhan ng MPD Barbosa PCP sa Fraternal St., Quiapo, Maynila.

Hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Mera Canillas, Gineline Alcisto at Jabbar Rataban.

Ayon kay Supt. Santiago Pascual, hepe ng MPD Station-3, nasa 900 grams ng shabu ang narekober sa mga ito.

Sa ulat isang residente ang nagsuplong sa mga pulis na may drogang ibinebenta sa isang bahay sa Fraternal St. kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad.

Kabilang sa narekober ang maliit na timbangan habang sumasailalim pa sa interogasyon ang mga naarestong suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

5 patay, 5 arestado sa buy-bust

$
0
0

LIMA ang patay habang lima pang hinihinalang mga drug pusher ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa buong magdamag sa Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang mga nasawing sina alyas Jeffrey, 25-20-anyos; Jalid Dimiano, alyas ‘Jalid Muslim,’ 31, ng Golden Mosque, Sta. Cruz, May nila; alyas ‘Muklo Salic,’ 20-25-anyos; alyas ‘Hussein,’ 20-25-anyos; at Albigar Garzola, alyas ‘Nonoy Alba,’ 28, ng 1242 Sto. Nino St., Tondo.

Kinilala naman ang mga naarestong sina Anthony Roque, 36; Raymond Remorosa, 23, laborer; Jerry Montezon, 35, pedicab driver; Leoncio Bacarisas, 50; pawang mga taga-Tondo, Maynila ; Jocelyn Abiscia, 42, ng 1854 Interior Dapo St., Pandacan, Manila, na sinasabing No. 2 most wanted drug personality ng Manila Police District (MPD)-Station 10 (Pandacan).

Nabatid na si Garzola ay napatay ng mga tauhan ng SAID-SOTU ng MPD-Station 1 (Raxabago) dakong 10:40 ng gabi kamakalawa sa Lacson St. kanto ng Pacheco St. sa Tondo; sina alyas Jeffrey at Dimiano, ay napatay naman dakong 10:50 ng gabi kamakalawa sa McArthur Bridge sa Sta. Cruz ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng MPD-Station 11 (Binondo); habang sina alyas Muklo Salic at alyas Hussein ay napatay naman ng mga tauhan ng SAID-SOTU ng MPD-Station 3 (Sta. Cruz) dakong 1:40 ng madaling-araw kahapon sa Rizal Ave. cor. Remigio St. sa Sta. Cruz.

Ang mga suspek ay pawang nanlaban sa operatiba ng MPD sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kaya’t napatay ang mga ito.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula kay Garzola ang isang kalibre .38 revolver, P500 marked money at limang plastic sachet ng shabu; sina alyas Jeffrey at Dimiano naman ay nakuhanan ng dalawang .38 caliber revolver, P1,000 buy-bust money at shabu na nagkakahalaga ng P10,000 at nakasilid sa anim na plastic sachet; habang sina alyas Muklo Salic at Hussein naman, na kapwa kabilang sa SAID drug watch list ay nakumpiskahan naman ng dalawang .38 kalibre revolver, P500 marked money, isang Yamaha motorcycle at pitong sachet ng shabu.

Sinalakay naman dakong 7:30 ng gabi ng SAID-SOTU ng MPD-Station 1 ang tahanan nina Roque at Remorosa sa Bldg. 3 sa Temporary Housing sa Tondo, na nagresulta upang maaresto silang dalawa, gayundin sina Montezon at Bacarisas.

Nakuha sa mga naaresto ang limang sachet ng shabu at P2,500 na buy-bust money.

Inaresto naman si Abiscia dakong 1:30 ng madaling-araw sa buy-bust operation sa Dapo St. sa Pandacan at nakumpiskahan ng apat na sachet ng shabu at P500 buy-bust money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mag-ama, timbog sa tanim na marijuana

$
0
0

TIMBOG ang mag-amang Robert Taraya, 46, at John Kenneth Taraya, 21, matapos mahulihan ng marijuana na nakatanim sa paso sa Infanta St., Brgy.133, Balot, Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District Station 1 commander PSupt. Robert Domingo, habang nagsasagawa ng Oplan Tokhang ang kanilang tropa sa nabanggit na lugar, nakita sa labas ng bahay ng mag-amang suspek ang marijuana na nakatanim pa sa isang paso.

Maliban sa nakatanim na marijuana, nakuhaan din ang mga suspek ng apat na sachet ng marijuana at isang plastic box na pinaglalagyan ng mga buto ng nabanggit na ipinagbabawal na halaman.

Nabatid na ang anak na si John Kenneth ay nasa drug watchlist ng mga awtoridad.

Sa ngayon, nahaharap ang mag-amang Taraya sa kasong paglabag sa RA 9165 at wala umanong katumbas na piyansa. JOHNNY ARASGA

Viewing all 302 articles
Browse latest View live