Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Kelot pinagtataga ng kaibigan sa P50

$
0
0

DAHIL lamang sa utang na P50, pinagsasaksak ang isang obrero ng kanyang kaibigan matapos itong hindi makapagbayad sa ipinangakong panahon.

Kinilala ang biktimang si Ricky Ferrer, 31, binata, construction worker, ng Bldg. 15, Aroma Cmpd., Tondo, Manila.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Al Ong, nasa hustong gulang, ng Aroma Cmpd., Brgy. 105, Tondo.

Sa ulat, naganap ang pananaksak dakong 12:20 ng tanghali sa harapan ng bahay ng biktima.

Aniya, bago ang insidente, nangutang siya ng P50 sa kanyang kapitbahay na si alyas Dodong ngunit nabigo siyang bayaran ito sa takdang panahong ipinangako niya.

Dahil dito, kinumpronta siya ni Ong na malapit na kaibigan ni Dodong, na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananaksak.

Sa kabila ng mga saksak sa katawan ay nagawa pa rin niyang magtungo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital upang magpagamot kaya ngayo’y nasa mabuti na siyang kalagayan.

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct para sa posibleng pag-aresto sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Bomb scare sa Quiapo

$
0
0

INAKALANG pampasabog ang isang kahon na naiwan sa Quezon Blvd., kanto ng Hidalgo St. sa Quiapo, Maynila.

Nagdulot naman ito ng pangamba at takot sa mga tao sa lugar kaya agad itong itinawag sa awtoridad.

Ayon sa ilang mga vendors sa lugar, naghinala din silang maaaring salvage victim ang laman ng kahon dahil tadtad ito ng packaging tape.

Agad namang rumesponde ang MPD-Police Station 3 at mga tauhan ng Explosives and Ordinance Division (EOD).

Ipinaamoy sa bomb sniffing dog at pinadaanan nang ilang aparato subalit nagnegatibo sa pampasabog.

Pagbukas ng kahon, mga panindang cellphone case at accessories pala ang laman nito.

Hindi alam kung sino ang nagbagsak ng naturang kahon sa lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sekkingstad nasa Manila na

$
0
0

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 si Kjartan Sekkingstad ang Norweigan national na pinalaya ng Abu Sayyaf.

Kasama ni Sekkingstad si Norwegian Ambassador to the Philippines Eric Forner.

Aayusin ngayong araw ang mga papeles ni Sekkingstad para makabalik na ito sa Norway.

Magugunitang sa tulong na rin ng Moro National Liberation Front (MNLF) ay napalaya ito matapos ang isang-taong pagkakabihag ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Walang ulat kung kumpirmado nang nagbigay ng ransom money ang dayuhan para sa kanyang paglaya. JOHNNY ARASGA

Negosyanteng Intsik niratrat, patay; GF nawawala

$
0
0

ISANG negosyanteng Intsik ang rinatrat habang bumibiyahe kasama ang kanyang kasintahan kagabi sa Binondo, Maynila.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Shi Hua Tian, alyas Andy, 28, binata, ng 423 Jose Abad Santos St., Binondo, Manila.

Mabilis namang nagsitakas ang apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo matapos na matiyak na patay na ang kanilang target.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), alas-11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Blue Lane Hotel sa Tomas Mapua St., malapit sa Ongping St. sa Binondo.

Nabatid na lulan ang biktima ng kanyang puting Honda Civic Sedan na may plakang AAW-3122, kasama ang kanyang nobyang si Dony Ya Lin, at habang binabagtas ang Tomas Mapua St. ay bigla na lang silang binuntutan ng mga suspek saka pinaulanan ng bala.

Nang matiyak na tinamaan at napatay na ang target ay saka mabilis na humarurot palayo ang mga suspek.

Hindi naman tinamaan ang nobya ng biktima ngunit bigo ang awtoridad na makunan ito ng pahayag kauganay sa pangyayari dahil hindi na umano ito matagpuan.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, gayundin ang motibo ng pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Big-time pusher, 2 pa utas sa buy-bust ops

$
0
0

UTAS ang tatlong drug pushers na nasa watchlist ng pulisya kabilang ang tinaguriang big-time pusher matapos makipagbarilan sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD)-Plaza Miranda PCP sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina Jay-Ar Pamelar na siyang target ng operasyon at itinuturong big-time na tulak ng Sta. Cruz at Quiapo, isang alyas Dodong at isang alyas Allan, na kapwa naman kasama sa drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay P/C Insp. John Guiagui, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP), na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 3, nabatid na dakong 11:40 ng tanghali nang maganap ang insidente sa residential area sa Antipolo St. sa Sta. Cruz.

Target umano sa operasyon si Pamelar na sinasabing kaanak ng isang pulis.

Matagal na aniya nilang isinaisailalim sa surveillance ang naturang suspek ngunit nahirapan silang mahuli ito dahil sa paglilipat-lipat ng hideout.

Nang matiyempuhan ng mga pulis ay kaagad na umano silang nagkasa ng buy-bust operation ngunit nanlaban ito kaya’t napilitan ang mga pulis na gumanti at nagresulta sa agarang kamatayan ng mga suspek sa isang makipot na kuwarto.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang ‘di pa matukoy na halaga ng cash na hinihinalang drug money dahil puro tig-P20 at tig-P100 bills, mga drug paraphernalia, ‘di pa tukoy na dami ng shabu at tatlong baril. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

P3M naabo sa cellphone

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P3-milyong aria-arian ang natupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa Sampaloc, Maynila kagabi, Setyembre 18.

Ayon sa isang residente na si Peter Eugenio, pasado alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay na nagsimula sa ikalawang palapag.

Isang naka-charge na cellphone umano ang nag-overheat na naging sanhi ng pagliyab ng apoy.

Wala umanong tao sa ikalawang palapag ng naturang bahay dahil nasa baba lahat at iniwang nakasaksak ng cellphone.

Itinaas ang sunog sa ikalimang alarma dahil mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa lamang sa light materials.

Pinayuhan naman kay FSO Crisfo Diaz ang mga residente na huwag iwanang nakasaksak ang mga gamit dahil maaari itong pagmulan ng sunog.

Nasa 15 kabahayan o 30 pamilya naman ang nawalan ng masisilungan dahil sa sunog na idineklarang fireout alas-11:00 na ng gabi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

EJK victim, natagpuan sa Maynila

$
0
0

MAY alambre pa sa leeg, naka-bonnet at nakabalot ng packaging tape ang ulo ng isang 49-anyos na lalaking natagpuan sa Arroceros Extn. cor. MacArthur Bridge, Ermita, Maynila nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng MPD-Homicide Section ang biktima base sa dokumentong nakuha sa bangkay na si Laogan Kamir, ng SH Loyola St. cor. P. Campa St., Sampaloc, Maynila.

Isang concerned citizen ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima at agad itong ipinagbigay-alam sa Lawton PCP.

Nakatali ang mga kamay at paa ng biktima pati ang buong mukha at ulo nito at may nakapulopot na alambre sa leeg.

May nakuha nakasabit din sa leeg nitong karatulang may nakasulat na “KAGE LAO DRUG LORD NG MINADANAO KAYO NA ANG SUNOD.”

Ayon sa pulisya, maaring strangulation ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Wala namang makapagbigay ng anomang impormasyon kung sino ang nagtapon o nagdala ng bangkay ng biktima sa lugar. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 patay sa Malate checkpoint

$
0
0

TATLONG pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga ang patay nang makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanila sa checkpoint kahapon ng madaling-araw, Miyerkules, sa Malate, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Homicide section, dakong 1:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Arellano Ave. malapit sa kanto ng A. Roxas St., Malate.

Ayon kay C/Insp. Paulito Sabilao, hepe ng Arellano Police Community Precinct (PCP), nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa lugar nang maka-enkwentro ang tatlong hindi nakilalang lalaki.

Nauna rito, naglalakad na napadaan ang tatlong suspek na ang isa’y inilarawang edad 30-35, 5’2 ang taas, may tattoo na “RAY” at spider sa kanang braso, at naka-pulang sweat shirt.

Nasa edad 40-45 naman ang isa pang lalaki, 5’4 ang taas, may tattoo na “BOYET” sa tiyan, “RIC” sa kanang kamay, naka-orange sweat shirt at blue maong pants.

Habang nasa 25-30 naman ang pangatlong lalaki, 5’4 ang taas, may tattoo na “CECILIA” sa kaliwang braso, black sando ang suot at gray shortpants.

Nakapukaw umano sa atensyon ng mga operatiba ang pagdaan ng tatlo sa dis-oras ng gabi kung saan nakayapak ang dalawa.

Nilapitan ng pulis ang tatlo para sa beripikahin nang bigla silang nagtatakbo sa Arellano Ave. dahilan upang habulin sila.

Gayunman, bigla nagpaputok ang tatlo kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga ito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


31-anyos, tiklo sa reyp

$
0
0

ARESTADO ang isang 31-anyos na obrero nang tangkaing pagsamantalahan ang isang 16-anyos na babae na pinasok nito habang natutulog sa kanilang tahanan sa San Miguel, Manila.

Kinilala ang suspek na si Wilmar Estimado, construction worker, at taga-Brgy. Maluyo Dos, Gatchalian, Las Piñas City na nahaharap sa kasong attempted rape in relation to Republic Act 7610.

Naaresto ang suspek dahil na rin sa reklamo ng biktima, may live-in partner at taga-Acacia St., San Miguel.

Sa ulat ni Police Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 8 (Sta. Mesa), alas-2:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang biktima sa loob ng bahay nito habang natutulog nang maramdaman nitong may humahalik na sa kanyang dibdib.

Agad na nagising ang biktima at nang makita ang suspek ay nagsisigaw at humingi ng tulong sa kanyang biyenang babae dahilan para maudlot ang masamang balak ng suspek.

Nang mabulilyaso ang suspek ay mabilis itong tumakas, gayunman, kinabukasan ay nagtungo ang biktima at kanyang kinakasama sa Brgy. 645, Zone 67, District VI, at inireklamo ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Onsehan sa droga, trike driver todas sa tandem

$
0
0

HINDI umano nakapag-remit ng pera mula sa ibinentang droga ang dahilan ng pagpatay sa isang tricycle driver ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo habang nagpapahinga ang biktima kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Sandrex Ampo-An, 31, ng 1212 Santan St., Punta, Sta. Ana, Manila bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Agad namang nakatakas ang mga suspek na nakabonet at pawang mga armado ng baril.

Sa ulat, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang krimen habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang tricycle (9810 OE) na nakaparada sa Taal St., kanto ng Santan St. sa Punta.

Ayon kay Brgy. Kagawad Recardo Felix, nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng tricycle nang biglang hintuan ng mga suspek at agad na pinagbabaril.

Nakakalap naman ng report ang mga pulis mula sa kapitbahay ng biktima na posibleng dahil sa pagkabigo nitong mag-remit ng pera na napagbentahan ng droga ang motibo ng mga suspek.

Aminado naman ang kapatid ng biktima na si Michelle, 27, manikyurista, na drug user ang kapatid ngunit itinangging nagbebenta ito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Senglot, hinalay ng kainuman

$
0
0

LASING ang isang 23-anyos na dalaga nang pagsamantalahan ito ng kanyang kainuman habang nagpapahinga sa loob ng kanyang silid sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong rape ng suspek na si Quiven Salvejo, binata, trabahador ng Huan Chai-Binondo, at taga-Isabel Bldg., Fugoso St., Sta. Cruz.

Ito’y matapos ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang ‘Krissy’, nangungupahan sa isang silid sa Fugoso St.

Sa reklamo ng biktima, naganap ang panggagahasa sa kanya sa loob mismo ng kanyang inuupahang silid dakong 4:00 ng madaling-araw.

Nauna rito, nagkayayaang mag-inuman ang suspek, biktima at ilan nilang kaibigan sa lugar.

Nang makaramdam ng antok ay nagpasya na ang biktima na pumasok sa kanyang kuwarto upang magpahinga at matulog.

Naalimpungatan na lang ang biktima nang maramdamang nakakubabaw na sa kanya ang suspek.

Tinangkang sumigaw ng biktima ngunit tinakpan umano ng suspek ang kanyang bibig at nang makaraos ay saka ito mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang landlady at sinamahan siya ng anak nito kay Chairwoman Maribeth Pador ng Brgy. 335, Zone 33, District III upang i-report ang insidente.

Payapa namang sumama ang suspek kay Pador nang imbitahan ito sa barangay kasunod ng reklamong inihain laban sa kanya.

Kaagad ding itinurn-over ng mga barangay officials sa mga pulis ang suspek upang maimbestigahan at kaagad itong masampahan ng kaukulang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

1 patay, 1 sugatan sa tandem

$
0
0

ISA ang patay habang isang babae ang sugatan matapos tamaan ng ligaw nang barilin ng lalaki at babaeng riding-in-tandem ang una, kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO4 Glenzor Vallejo ang biktimang si Nestor Mariano, 37, ng 126 Laurel St., Don Bosco, Tondo, na tinamaan ng bala sa leeg habang nasugatan naman sa kanang hita si Teresita Brillantes, 51, ng 300 Coral St., Tondo na noo’y natutulog sanhi ng ligaw na bala.

Alas-12:10 ng gabi umano nang maganap ang insidente malapit sa bahay ni Brillantes.

Sinasabing naglalakad sa lugar ang biktima nang sundan ng suspek na may kaangkas na babae sa motorsiklo at nagsalita muna nang “Putang-ina mo! Ako pa ang tinalo mo!” sabay baril nang malapitan.

Nakatakbo pa ang biktima pero bumagsak rin bago naisugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH). Habang isinugod rin sa nabanggit na pagamutan si Brillantes.

Tumakas naman ang dalawang suspek patungo sa Quezon St. na hinihinalang rumesbak sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Letran binulabog ng bomb threat

$
0
0

NAGDULOT ng tensyon sa mga estudyante at empleyado ng Colegio de San Juan de Letran sa Maynila dahil sa bomb scare.

Sa ulat ng Manila Police District-Explosive and Ordinance Division (MPD-EOD), alas-11:33 Lunes ng umaga nang isang hindi nakilalang caller sa isang opisyal ng eskuwelahan kaugnay sa umano’y bomba sa loob ng campus.

Ayon naman kay Supt. Albert Barrot, hepe ng MPD Station 5, agad na pinalisan ng pamunuan ng paaralan ang lahat ng estudyante at empleyado sa campus upang makatiyak sa kanilang seguridad.

Gayunman, nang inspeksyunin ng MPD-EOD ang campus ay napag-alamang negatibo ito sa anomang uri ng pampasabog.

Agad ding nag-resume ang klase pasado alas-12 ng tanghali. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pamangkin ng Kongresista, patay sa trak

$
0
0

PATAY ang pamangkin ng isang Kongresista nang banggain ng 14-wheeler truck ang kanilang sinasakyang grab car kaninang madaling-araw sa Nagtahan flyover sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Traffic Bureau, sa ospital na binawian ng buhay ang biktimang si Ivory Agarao Abaya, 25, habang kritikal naman ang kanyang kaibigang si Karen.

Si Ivory ay pamangkin umano ni Laguna 4th District Rep.Benjamin Agarao, Jr. na agad napasugod sa pinangyarihan ng aksidente dahil sa pangyayari.

Nabatid na pasado alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Nagtahan flyover.

Nawalan umano ng preno ang minamanehong truck ni Edison Gonzales kaya bumangga ito sa sinasakyang grab Vios ng mga biktima.

Sugatan din ang driver ng grab na si Antonio Maraya.

Ayon sa impormasyon, galing ng Balic-Balic ang magkaibigan at pabalik na sa Makati nang maganap ang insidente.

Nasa unahan umano ang grab car kaya ang hulihan nito kung saan nakaupo sina Karen at Ivory ang nabangga kaya ang dalawa ang malubhang napuruhan.

Malaki naman ang naging pinsala ng grab car at nagmistulang nayuping lata dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak.

Inihahanda na rin ang kaukulang kasong isasampa laban sa driver ng truck. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Umihi sa sidewalk, patay sa parak

$
0
0

BUMULAGTA ang isang lalaking miyembro ng Batang City Jail (BCJ) nang makipagbarilan sa mga nagpapatrolyang pulis na sumita sa kanya sa kanyang pag-ihi sa sidewalk sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling-araw, Biyernes.

Hinihinalang holdaper sa lugar ang suspek na inilarawan lamang na nasa edad na 20-25, kayumanggi, naka-jacket na kulay black at violet, at may tattoo sa buong katawan.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Concepcion St. at Laong-Laan St., Sampaloc.

Nauna rito, nagsasagawa ng intensified anti-criminality patrol sina PO1 John Hover Ignacio at PO1 Jerson Nicolas, kapwa nakatalaga sa UBA PCP sakop ng MPD-PS4, nang mamataan ang suspek na umiihi sa sidewalk ng Laon-laan St. kung saan mahigpit na ipinagbabawal dahil sa ordinance #1054.

Nang sisitahin ng mga pulis ang suspek, bigla itong bumunot ng baril at nagpaputok sa mga awtoridad na swerte naming walang tinamaan.

Nagtatakbo ang suspek kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa Concepcion St., at doon na ito bumulagta sa harap ng isang bahay.

Nakuha sa suspek ang isang .38 kalibre na baril at isang sachet ng hinihinalang shabu. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Kelot niratrat sa bahay, tigbak

$
0
0

DALAWANG maskaradong lalaki ang bumaril at pumatay sa isang 46-anyos na mister habang nanonood ng telebisyon sa loob ng inuupahang kuwarto sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw, Setyembre 30.

Nagtamo ng tama ng bala sa noo at dalawa sa katawan ang biktimang si Joseph Javier, Jr., alyas ‘Negro,’ ng 351 Zaragosa St., Tondo, Maynila.

Mabilis namang nakatakas ang dalawang ‘di kilalang suspek na kapwa nakamaskara, bitbit ang mga baril na ginamit nila sa krimen.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nanonood ng telebisyon ang biktima sa tabi ng kanyang asawa’t mga anak nang bigla na lang pumasok sa kanilang tahanan ang mga suspek dakong 12:30 ng madaling-araw saka pinagbabaril ang biktima bago tuluyang tumakas.

Isinugod pa naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 miyembro ng commando gang, todas sa shootout

$
0
0

TATLONG drug pusher at sinasabing nasa ilalim ng operasyon ng Commando Gang ang patay sa naganap na shootout sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Station 11, kinilala ang mga suspek na sina Edmund Morales, Jomar Danao Mariano at Ernesto Francisco, kapwa nasa hustong gulang, at taga-Parola Cmpd. sa nasabing lugar.

Ang tatlo ay kabilang din umano sa mga serye ng holdapan at pagnanakaw sa Kamaynilaan.

Nauna rito, nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa lugar laban sa iligal na droga sa lugar nang makatunog ang mga suspek na may mga pulis.

Agad umanong nagpaputok ang tatlo na ginantihan naman ng putok ng mga pulis dahil nasa peligro na ang kanilang buhay hanggang sa makitang nakabulagta ang tatlo sa Gate 56.

Narekober sa mga napaslang ang tatlong kalibre .38 na baril at drug paraphernalia. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Menor kinatay ng mag-utol, tigok

$
0
0

TIGOK ang isang menor-de-edad nang pagsasaksakin ng utol ng kanyang nakaaway kagabi sa Binondo, Maynila.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ng kanyang mga kaanak ngunit binawian na rin ng buhay ang biktimang si Jayson Empenado, 17, helper, ng Gate 8, Area B, Parola Cmpd., Tondo, Maynila kagabi.

Pinaghahanap naman ang mag-utol na suspek na sina Joel Trinidad, 40, tricycle driver, at Joel Trinidad, Jr., alyas Weng-Weng, 16, helper kapwa ng 101 Gate 46, Area B, Parola Cmpd., Binondo.

Sa imbestigasyon, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa CM Recto, malapit sa kanto ng Carmen Planas St., Binondo.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at nagpambuno ang biktima at nakababatang Trinidad kung saan hinampas ng una ng plywood ang braso ng huli habang may hawak namang monoblock.

Sa puntong iyon, dumating ang matandang Trinidad at nang makita ang pangyayari ay walang habas nitong sinaksak sa leeg ang biktima saka kaswal lamang na naglakad paalis ng lugar.

Bagama’t duguan ay nagawa pang makatakbo palayo sa mga suspek ng biktima ngunit kalauna’y bumagsak din.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para maaresto ang mag-utol na suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Agawan sa pasahero, barker tinarakan

$
0
0

SUGATAN ang isang barker nang saksakin ng kapwa nito barker dahil sa agawan ng pasahero sa Tondo, Maynila kagabi.

Ginagamot na sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Edmundo dela Cruz, 43, barker ng mga dyip sa Antipolo St. sa Tondo, at taga-Brgy. 281, Antipolo St. sa Tondo.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lang sa isang alyas ‘Ginto,’ isang barker na residente rin ng Antipolo Street.

Sa ulat, nabatid na dakong 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Antipolo St.

Hinihinalang posibleng agawan sa pasahero ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, bigla na lang umanong bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa tagiliran bago mabilis na tumakas.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima para sa agarang gamutan habang tinutugis na ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 drug suspects nang-agaw ng baril, todas

$
0
0

TATLONG drug suspect ang napatay ng mga pulis nang mang-agaw ng baril sa Tondo, Maynila.

Isinakay sa police mobile ang mga suspek na sina Mark Niromo at Edison Molina matapos mahulian na gumagamit ng droga sa Tondo, Maynila subalit sila’y nang-agaw ng baril dahilan para barilin sila ng mga pulis.

Parehas din ang nangyari kay Benjamin Vista, na nakaposas na ito at nang isinakay sa motorsiklo at bigla na lamang nang-agaw sa kahabaan ng Capulong St., Tondo, Maynila.

Nanlaban umano ang suspek na si Jun Tiyana kaya napatay ito habang naaresto naman ang dalawang kasamahan nito sa Caloocan City.

Arestado naman si Alan Ganotan sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa E.Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Isang sangkot sa iligal na droga ang napatay sa Abra habang isang ginang ang naaresto sa Koronadal City. JOHNNY ARASGA

Viewing all 302 articles
Browse latest View live