Quantcast
Channel: manila – REMATE ONLINE
Viewing all 302 articles
Browse latest View live

Nagpapahangin rinatrat, patay

$
0
0

NIRATRAT ng tatlong ‘di nakilalang lalaki ang isang tricycle driver habang nagpapahangin sa harapan ng kanilang tahanan sa Port Area, Manila kaninang madaling araw, Agosto 23.

Nagtamo ng 12 tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Melchor Escalante, 34, miyembro ng Commando Gang, at taga-11th St., Port Area, Manila.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na nagpapahangin at nakaupo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang bigla na lang ratratin ng bala ng tatlong ‘di suspek dakong 3:30 ng madaling-araw, bago mabilis na nagsitakas.

Ayon naman sa kapatid ng biktimang si Noel, kakauwi lamang nito nang sabihan siya ng kapatid na may umaaligid na tatlong lalaki malapit sa kanilang tahanan.

Ilang sandali pa ay umakyat na si Noel sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang makapagpahinga nang bigla itong makarinig ng sunod-sunod na putok.

Kaagad siyang bumaba upang tingnan kung ano ang nangyari at dito nakitang duguan nang nakahandusay ang walang buhay na biktima.

Isinugod pa niya ito sa Gat Andres Bonifaco Memorial Medical Center ngunit patay na na rin ito.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at kung ano ang motibo nila sa pagpatay sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


May sayad, tigbak sa tren

$
0
0

TIGBAK ang isang 41-anyos na babaeng may diperensya sa pag-iisip nang mabangga ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang naglalakad sa riles sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng live-in partner nito na si Roberto Alberto ang biktimang si Marlene Macapagal, ng 1732 Mindanao Ave., Sampaloc.

Nabatid na dakong 11:49 ng umaga nang maganap ang insidente sa southbound lane ng PNR railroad sa pagitan ng G. Tuazon at Espana Stations sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa testigong si Joan Bisbal, 29, nakita niyang naglalakad sa riles ang biktima ngunit hindi nito napansin ang busina nang paparating na tren na may body number DEL 902, na ino-operate nina Anthony Tan at Tranquilino Solfeo.

Dahil dito, nahagip ng tren ang biktima at nakaladkad pa nang ilang metro at nagresulta sa agaran nitong kamatayan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Laging pinagagalitan, nagpakamatay

$
0
0

PATAY ang isang 17-anyos na estudyante matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang condominium unit sa Ermita, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Remelyn Saria, ng 292 Alapan 2nd Imus City, Cavite dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 8:20 ng umaga nang naganap ang insidente sa Robinson’s Place Residency Tower 2 sa Padre Faura St., Ermita.

Ayon kina Pauline Lusuegro, 19, at Ariane Gilboy, 19, kaibigan ng biktima, may problema ang biktima sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang lola kung saan malimit umanong pagalitan at mag-away ang dalawa.

Bago nagpakamatay ang biktima ay napansin na umiiyak nang malakas at nagtatakbo ito. Tinangka pa nila itong habulin pero hindi nito nasundan hanggang sa nakita na lamang na nakahandusay na ito sa ground floor ng condominium.

Kaagad humingi ng tulong sa guwardiya si Lusuegro para maisugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na rin ito nabuhay pa.

Napag-alamang madalas itong pagalitan dahil sa katigasan ng ulo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 tigok sa buy-bust ops sa Maynila

$
0
0

TATLONG hinihinalang drug dealers ang natumba sa inilunsad ng mga awtoridad na buy-bust operation sa Manila kamakalawa.

Ayon sa mga imbestigador ng Manila Police District-Station 7, isang undercover police officer ang bibili sana ng shabu na nagkakahalaga ng P300 sa mga suspek na sina Alexander Cuyugan at alyas Jeje Reyes sa Pillar St., Tondo.

Pero nang matunugan ng mga suspek na pulis ang katransaksyon ay agad nila itong pinaputukan.

Narekober naman sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at dalawang .38 caliber pistols.

Samantala, isa pang suspek ang napatay sa second buy-bust operation sa Sta. Ana district sa Manila.

Sinabi ni Dagonoy Police Community Precinct commander S/Insp. Dave Abarra, bibili rin ang undercover police officer ng shabu sa isang suspek na kinilala lamang na si alyas “Buwaya.”

Nakahalata umano ang suspek na pulis ang bibili ng shabu kaya agad itong nanlaban at napatay.

Narekober sa suspek ang ilang pakete ng shabu at iba pang drug paraphernalia. JOHNNY ARASGA

5 patay sa drugs ops sa Maynila

$
0
0

SUNOD-SUNOD na nilikida ang limang hindi nakilalang kalalakihan sa isinagawang drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa buong magdamag sa Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, alas-7:40 ng gabi kagabi nang mapatay ng mga tauhan ng Delpan Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Station 2 ang isang ‘di kilalang lalaki sa Sparkline Rd., Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Inilarawan ang suspek na nasa edad 20- 25, naka-itim na maong pants, may taas na 5’4”, slim built at may tattoo na ‘Gosain Alonto’.

Dakong alas-9:30 ng gabi naman naka-engkuwentro at mapatay ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID-SOTU) ng MPD-Station 2 sa Trinidad cor. Lacson St. sa Brgy. 96, Tondo, ang ikalawang suspek na si Ernesto Salting, Jr., alyas Weng, 37, ng Roxas St., Brgy. 102, Vitas, Tondo.

Nasa listahan umano ng nasa drug watchlist ng mga pulis si Salting na una nang naaresto dahil sa iligal na sugal at inireklamo rin sa light threat noong taong 2013.

Napatay naman ng mga tauhan ng MPD-PS 4 ang dalawang hindi nakikilalang suspek malapit sa riles ng tren sa Buenos Aires St., kanto ng Rd. 10 St., Sampaloc, Maynila nang manlaban matapos maaktuhan nagpa-pot session alas-2:20 ng madaling-araw.

Tinaya na kapwa nasa edad 30-35, katamtaman ang pangangatawan, kung saan ang isa’y 5’7 ang taas at 5’4 naman ang isa.

Sinabi ni Turla na isang concerned citizen ang tumawag sa mga pulis at nagbigay ng impormasyon at nang kanilang puntahan ay kaagad pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gantihan sila.

Samantala, inaalam pa rin naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking napatay ng mga pulis sa isang operasyon sa Jose Abad Santos kanto ng Quiricada St. sa Tondo, dakong 2:30 ng madaling-araw.

Inilarawan lamang ang suspek na nasa 35 – 40-anyos, 5’5” ang taas, naka-jersey shirt, shorts at katamtaman ang laki ng katawan.

Nakuha ng mga pulis mula sa mga suspek ang 25 sachet ng shabu at limang iba’t ibang uri ng baril. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

4 timbog sa buy-bust ops

$
0
0

ARESTADO ang apat na adik sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTU sa Pandacan, Maynila kaninang madaling-araw.

Nakakulong sa Pandacan Police Station 10 ang mga naarestong sina Rosemarie Diaz, 46, ng 2141 Int. 9 Jesus St.; Rosanna Francisco alyas Sanna, 40, ng 2141 Int. 5 Jesus St.; Ramley Austria, 19, ng 2472 Floresca St.; at Reynan Astorga, 18, ng 2502 Floresca St. ng nasabing lugar.

Nabatid na ikinasa ang operasyon pasado ala-1:00 ng madaling-araw sa kabahaan ng Jesus St., kung saan sila nasukol ng mga awtoridad.

Apat na sachet ng shabu at isang P500 ang nakumpiska sa mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 Section 5, 11 at 26 (Selling of Illegal Drugs, Possession of Illegal Drugs and Conspiracy). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rider todas sa trailer truck, 1 pa sugatan

$
0
0

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang motorcycle rider matapos masagasaan ng trailer truck sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang lisensiya na si Paulo Villotes.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Capulong St., Brgy. 93, Zone 8, Tondo, Maynila pasado alas-2:00 ng madaling-araw.

Nakatakas naman ang driver ng truck na may plakang RHS-708, na pag-aari ng Sandegal Custom Brokerage.

Nabatid na pumagitna umano si Villotes sa truck at pampasaherong dyip nang mabangga ito ng truck at pumailalim naman sa jeep ang minamehong motorsiklo.

Mabilis namang rumesponde ang Philippine Red Cross subalit wala nang buhay ang biktima ng kanilang datnan sa lugar.

Samantala, malubha naman ang kalagayan ng isa pang motorcycle rider matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng R. Magsaysay Boulevard cor. Dela Fuente St., bago umakyat sa Magsaysay Bridge sa Sampaloc, Maynila.

Mabilis umanong magpatakbo ang biktimang nakilalang si Alexander Luya, 22, kaya bigla itong sumalpok sa center island.

Nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima matapos siyang tumilapon mula sa kanyang motorsiklo.

Ayon naman sa mga awtoridad, amoy alak si Luya at posibleng kalasingan ang dahilan kung bakit ito naaksidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Supporter ni Coun. Ali Atienza, natagpuang patay

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang helper na umano’y supporter ni dating Manila Councilor Ali Atienza sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang ang biktima sa alyas lamang na ‘Jay-Ar Visaya’, 5’4” ang taas, at naka-maong na short at berdeng T-shirt na may naka-imprentang pangalan ni Ali Atienza.

Sa gilid na nang Bilbao St., Tondo natagpuan ang bangkay ng biktima pasado alas-2:00 ng hapon.

Sinabi ni Jerry Paulino, 43, kasamahan ng biktima, nagtatrabaho bilang helper sa isang pagawaan ng uling sa 514 Lakandula St. sa Tondo, Maynila at huli niyang nakitang buhay ang biktima dakong 2 ng hapon na naglalakad.

Nagulat na lang si Paulino nang mabalitaang natagpuan nang patay ang biktima sa lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkaamtay ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Muslim na adik, itinumba

$
0
0

PATAY ang isang 38-anyos na Muslim matapos pagbabarilin ng tatlong suspek na naka-bonnet na kumatok sa kanilang bahay kaninang madaling-araw sa Baseco Cmpd., Port Area, Manila.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Mads Ambang, construction worker, ng Blk. 9 Extn., Baseco Cmpd., Port Area.

Alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang may kumatok sa kanilang bahay.

Nang buksan ang pintuan ay agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima saka mabilis na tumakas.

Sa impormasyon, nabatid na drug user ang biktima pero hindi ito nakasamang nakatok ng mga pulis sa “Oplan Tokhang” at hindi rin ito sumuko sa pulisya.

Dinala ang bangkay sa mosque para sa tradisyunal na paglilibing sa isang namamatay na Muslim habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Klase sinuspinde sa bomb threat

$
0
0

SINUSPINDE ang klase at trabaho sa isang eskuwelahan sa Maynila matapos makatanggap ng bomb threat kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, hinalughog na ng mga tauhan ng bomb squad ng Manila Police District (MPD) ang bawat lugar ng College of the Holy Spirit.

Isang empleyado umano ang nakatanggap ng mensahe na may bombang pasasabugin sa naturang eskuwelahan kaya naman agad na kinansela ang transaksyon at klase.

Nito lamang Sabado ng gabi, 15 ang namatay at mahigit 70 ang sugatan nang pasabuhin ng terorista ang isang night market sa Roxas Ave. sa Davao city.

Bunsod nito, inilagay na sa full alert ang Metro Manila kung saan hinigpitan ang seguridad dahil na rin sa banta ng terorista. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Riding-in-tandem kabilang ang pulis, dedo sa checkpoint

$
0
0

DEDO ang isang riding-in-tandem kabilang ang isang pulis nang tumangging huminto sa checkpoint sa Malate Maynila nitong Linggo, Setyembre 4.

Ayon kay S/Insp. Ariel del Rosario, nagsasagawa ang mga tauhan ng MPD ng checkpoint sa Adriatico St. pasado alas-9:00 ng gabi.
Dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang dumaan sa lugar at dahil sa pinaiiral na mahigpit na seguridad ay isa-isang tinitingnan ng mga operatiba ang mga sasakyan ngunit tumanggi ang mga suspek.

Kinilala ang pulis na si PO2 Manuel Fuentes, 33, habang ang kasama nito ay si Alexander Escobal, 40.

Inaalam pa kung saan nakatalaga si Fuentes.

Sa ulat, imbes na huminto ay pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol at sumemplang.

Gayunman, nagawa pang magpaputok ng mga suspek hanggang sa gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang dalawa subalit binawian na rin ng buhay.

Nakuha sa mga suspek ang isang .38 kalibre at 9mm. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pulis utas sa kabaro

$
0
0

PATUNG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang bagitong pulis matapos barilin at mapatay ang kainuman nitong kabaro kagabi sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isa pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) matapos barilin ang kanyang kapwa pulis, mangarnap ng isang motorsiklo at makunan pa ng shabu na nakasingit sa likurang bahagi ng kanyang PNP identification card sa loob ng kanyang pitaka, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng MPD-Homicide Section ang suspek na si PO1 Mark Sagun, nakatalaga sa NCRPO–RPHAU at taga-Blk. 37 Welfareville, Mandaluyong City.

Binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa (GABMMC) ang biktimang si PO1 Louie Wang, 32, nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 1 dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-8:10 ng gabi sa 1240 Canal dela Reina cor. Pavia St., Tondo matapos magtalo ang suspek at biktima kaugnay sa droga.

Nalaman na magka-brother sa fraternity na Magic 5 ang biktima at suspek, nag-iinuman umano ang dalawa kasama ng isang Cesar Lajom at pagkatapos ay umalis ngunit nang magbalik ay nagtatalo na ang mga ito hanggang sa humantong sa pamamaril.

Matapos ito ay tinangka pang agawin ng suspek papatakas ang motorsiklong Honda beat na may plakang ME 38733 ni Eliser Halamani, 33, na 1376 CRA Reyes St., Tondo na noo’y tinutukan pa ng baril.

Sa puntong ito, dumating naman si PO2 Antony Quilantang ng MPD Tactical Motorcycle Rider Unit kaya nasukol ang suspek.

Isinailalim rin ang suspek sa drug at paraffin test para mabatid kung nasa impluwensiya nang ipinagbabawal na gamot nang barilin nito ang kabaro.

Sasampahan ng kasong murder, carnapping at paglabag sa RA 9165 sa ilalim ng Sec. 11 illegal possession of dangerous drugs sa Manila Prosecutor’s Office (MPO). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

400 pamilya nasunugan sa Maynila

$
0
0

TINATAYANG umabot sa 200 kabahayan ang natupok sa sunog na naganap sa Brgy. 651, Port Area, Maynila.

Naganap ang sunog dakong alas-8:00 ng gabi nitong Sabado.

Umabot sa task force alpha ang sunog, na nangangahulugang kinailangan pa nila ng mga karagdagang truck ng bumbero mula sa mga kalapit na lungsod.

Nasa 400 pamilya ang naapektuhan ng sunog, habang anim na residente naman ang nasugatan at sa kabutihang-palad ay wala namang naitalang namatay.

Mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang magkakalapit na mga tahanan sa lugar.

Sinasabing aabot sa P6-milyon ang halaga ng napinsala sa sunog na naideklarang under control pasado alas-10:00 ng Biyernes ng gabi. JOHNNY ARASGA

Hostage taker, 3 pa tigbak sa drug ops

$
0
0

UPANG makaiwas sa Oplan Tokhang, isa sa apat na sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang nang-hostage kahapon sa Binondo, Maynila.

Isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng San Nicolas police community precinct, Manila Police District (MPD) intelligence unit, at MPD-station 11 anti-illegal drugs unit ang operasyon sa Tabing Ilog, Gate 54, Parola Cmpd. dakong 12:30 ng tanghali matapos makatanggap ng impormasyon na ang kanilang target ay nasa lugar.

Akto namang inabutan sa lugar na nagpa-pot session si Gerry Bon Tagalog kasama ang iba pang indibidwal.

Nang mahalata nitong nakorner na siya ng mga operatiba ay agad siyang nagpaputok ng baril dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta naman ng kanyang kamatayan.

Narekober sa lugar ang nagkakahalaga ng P2,000 shabu, paraphernalia at ang ginamit na baril ng suspek.

Samantala, tatlo pa ang bumulagta nang manlaban din sa mga awtoridad.

Nabatid na lumipat ng lugar o drug den ang mga suspek na ayon sa isang impormante ay ilang metro lang ang layo mula sa Parola.

Habang kinakatok ang mga suspek ay biglang nagputok ang isang nakilala sa pangalang “Jonjon” na dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagawa namang mang-agaw ng baril ang kasamahan nitong si Mar Barquillo sa pulis ngunit napatay din ito.

Isang kalibre .45 pistol at halagang P3,000 ang narekober kay Barquillo.

Isa naman ang nagtangkang tumakas at nagpaputok ng kanyang baril habang tumatakbo.

Pumasok ito sa bahay ng isang Raquel Olidan at nagawang i-hostage ang 18-anyos na anak na babae na si Criselda.

Nakilala ang suspek na si Jessie Panis na bumulagta din matapos tumangging sumuko sa pulisya.

Nakuha sa bulsa ni Panis ang .38 revolver at shabu na nagkakahalaga ng P2,000. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 sunog sa Maynila, sumiklab sa kandila

$
0
0

NAPABAYAANG kandila umano ang dahilan ng pagsiklab ng sunog sa Maynila kahapon, Setyembre 12.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, dakong 1:30 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Bohol St. kanto ng Visayas St., sa Balic-balic, Sampaloc.

Unang napaulat na isang 13-anyos na dalagita na kinilala sa pangalang Angel, ang nawawala sa sunog ngunit kalauna’y natunton ang bata na isinugod sa pagamutan dahil sa tinamong sugat sa binti.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa tahanan ng isang Ronnie Lasumray na matatagpuan sa 920 Bohol St.

Wala umanong kuryente sa lugar kaya posibleng ang gamit na kandila ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Samantala, napabayaang kandila rin ang itinuturong dahilan ng sunog na sumiklab sa 3rd floor ng tatlong-palapag na tahanan ng isang Mylyn Jarah sa 2043-18 M. Adriatico St., Brgy. 704, Zone 77, Malate, Manila dakong 8:09 ng gabi nitong Linggo.

Mabilis namang rumesponde sa sunog ang mga tauhan ng Manila Fire Department at mga fire volunteer at pinagtulungang apulain ang apoy na tuluyang naideklarang fireout dakong 9:10 ng gabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng naturang apoy, na tumupok rin sa isa pang tatlong palapag na bahay na katabi nito na pagmamay-ari naman ng isang Rebecca Duais. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Mag-amang sangkot sa droga, tigok sa barilan

$
0
0

ISANG mag-ama na sangkot sa iligal na droga ang patay nang manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 6 na nagsilbi ng search warrant kaninang madaling-araw (Martes), sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang mga nasawing sina Dante Petate, Sr. alyas Danny, edad 50-55, at anak nitong si Dante Petate, Jr. alyas Ogie, 31, walang trabaho, kapwa ng 2073 Jimenez St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling-araw sa bahay ng mag-ama.

Nauna rito, bitbit ng mga tauhan ng MPD-PS 6 Anti-Illegal Drugs ang search warrant na inisyu ni Judge Virgilio Macaraeg ng RTC Manila Branch 37 at kinatok ang bahay ng mga suspek.

Ayon kay Turla, wala umanong nagbubukas ng pintuan ng bahay ng mga suspek kaya napilitan ang mag awtoridad na sapilitang buksan ang pinto nang biglang nagpaputok ang matandang Petate sa mga pulis.

Bunsod nito, gumanti ng putok sina PO2 Rhafael Rodriquez at PO2 Billy Cruz, dahilan upang tamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ama.

Sa harap nina Chairman Roberto Santiago at Kagawad Rogelio Javier ng Brgy. 796 Zone 87 District 5, San Andres Bukid ay narekober sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu, dalawang .38 armscor at mga paraphernalias.

Pinare-report naman sa headquarters ang mga awtoridad na nagsagawa ng operasyon para sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sintunadong ginang binoga sa ulo, utas

$
0
0

BINOGA habang nagbi-videoke at nakikipag-inuman ang isang tindera ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Port Area, Maynila.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Nora Lintag, 42, dalaga, vendor, ng Blk. 6, Baseco Cmpd., Port Area.

Nakatakas naman ang mga suspek na ngayo’y kinikilala na naka-bull cap na gray, at mabilis na tumakas lulan ng isang asul at itim na motorsiklo na hindi naplakahan.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) Station 5-Ermita, nabatid na dakong 5:20 nitong Lunes ng hapon nang maganap ang krimen sa harapan ng isang sari-sari store sa Blk. 9, Baseco Cmpd., Port Area, Manila.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Joseline Boso, 37, kapatid ng biktima, nag-iinuman silang magkapatid at nagbi-videoke sa harapan ng sa nasabing sari-sari store nang bigla na lang siyang makarinig ng putok ng baril mula sa kanilang likuran.

Nagulat na lang siya nang biglang duguang bumagsak ang kapatid na noo’y kumakanta pa.

Aminado si Boso na bago ang krimen ay matagal nang nakatatanggap ng mga death threat ang kapatid ngunit hindi lamang umano niya ito pinapansin.

Napag-alamang may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima dahil napapabalitang may kasintahan si Lintag na drug pusher. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Magkasintahan, kakasuhan sa abortion

$
0
0

KAKASUHAN ng abortion ang isang 22-anyos na babae at boyfriend nitong isang empleyado ng Land Transportation Franchising and ReguLatory Board (LTFRB) dahil sa pagpapalaglag sa apat na buwang fetus na ipinagbubuntis nito.

Nanatili pa rin sa Ospital ng Sampaloc ang suspek na si Analiza Narce, 22, massage therapist, ng 66 B2 Loreto St., Sampaloc, Maynila dahil sa kumplikasyon ng pagpapalaglag nito.

Habang ang kasintahan nitong si Rommel Abinal, 39, LTFRB agent, ng Tangerine St., Marikina City ay hindi pa lumulutang sa pulisya.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section, nangyari ang pagpapalaglag ni Narce noong Setyembre 9 ng alas-3:00 ng hapon sa isang bahay sa Craig St., Sampaloc, Maynila.

Setyembre 11 naman nang isinugod ito ng kanyang landlady na si Genalyn Machon matapos nitong magreklamo na nilalagnat siya at humingi ito ng tulong na madala siya sa pagamutan.

Nalaman naman sa naturang ospital ni Machon na nagpa-abort si Narce at naimpeksyon ito sanhi para siya lagnatin at manganib ang buhay kundi raraspahin.

Inamin naman ni Narce kay Bautista na apat na buwan siyang buntis at nakumbinsi siya ni Abinal na ipalaglag ang kanilang anak dahil may asawa ito at hindi siya maaaring pakisamahan.

Sinabi ni Narce na isang babae ang kanyang nakilala at binigyan siya ng numero ng babaeng makatutulong daw sa kanya at nagkasundo silang magkita sa Quiapo at mula doo’y dinala siya sa isang bahay sa Craig St., Sampaloc at muli siyang nagbayad ng P6,000 para umano sa isang nurse na magsasagawa ng abortion.

Kinabukasan, umuwi na siya sa inuupahang bahay pero nilagnat ito kaya nagpasugod na sa pagamutan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Riding-in-tandem patay sa checkpoint

$
0
0

DALAWANG lalaking nagkaangkas sa motorsiklo ang patay matapos lagpasan ang checkpoint at putukan ang mga pulis kaninang madaling-araw sa Quirino Ave. sa Maynila.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawang edad 25-30 ang isa habang 30-35 naman ang isa pa.

Alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Quirino Ave. cor. Leveriza sa Taft Ave., Maynila.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dumaan ang dalawa sa checkpoint at pinahihinto ng mga pulis ngunit binalewala ito at pinaharurot ang motorsiklo.

Nang susundan na ng pulis ay agad bumunot ng baril ang angkas saka nagpaputok dahilan para gantihan sila ng mga awtoridad.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang suspek.

Isang granada, .38 kalibre ng baril at pitong tabletang hinihinalang Valium ang narekober sa mga suspek.

Hinintay naman ang tauhan ng MPD Explosive Ordinance division dahil sa pangambang sumabog ito.

Nabatid na peke pa ang plaka ng motorsiklo ng mga suspek.

Samantala, patay din sa follow-up operation ang isang alyas Andong na umano’y drug pusher nang manlaban sa PCP Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kahapon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

9-anyos nagbigti, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang isang 9-anyos na lalaki matapos magbigti sa silong ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Julio Espiritu, Jr. ng Manila Police District-Police Station 3, alas-4:25 ng hapon naganap ang insidente sa silong ng bahay ng biktimang si Carlo Rowen Almario, estudyante, at taga-1894 Antipolo St., Tondo.

Ayon naman sa ama ng biktima na si Carlito Almario, 53, nakita umano ng kanilang boarder na nakilalang si Betty na nakabigti ang biktima sa silong ng bahay gamit ang lubid.

Agad itong tinawag ni Betty saka nila kinalag ang lubid na nakapulupot na sa leeg ng biktima at saka isinugod sa pagamutan.

Wala namang kaalam-alam na motibo ang ama ng biktima para gawin ng anak ang insidente.

Patuloy umanong nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya .

Aalamin kung naglalaro lamang ang biktima at naisip na gawing laro ang pagpapakamatay o may iniinda itong problema na naging daan para magpatiwakal. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 302 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>